Third Person's POV
"Hindi ko naman talaga gagawin iyon sa ibang lalaki eh. Kasi ikaw lang naman ang gusto kong makitang kiligin."
Napangiti si Ciel nang narinig niya iyon. Isang malawak na ngiti. Unang beses na napangiti siya ng ganun kalawak. Si Czarina rin ang unang nagpatawa sa kaniya. Hindi niya alam kung bakit pero tuwing kasama niya si Czarina, masaya siya. Tuwing kasama niya si Czarina, nagiging makulay ang colorless niyang mundo. Nagbabago na siya nang di niya napapansin, dahil kay Czarina.
"Jeez, Monzia. You never fail to amuse me," bulong niya saka napahawak sa batok.
"Sizon, ganiyan ka na ba talaga kalamig? I mean, seriously. Ang lamig mo, inexpressive, dull at the same time, cool. Yung mga personalidad mo, yan ang gusto kong maging pagdating ng araw." Napatingin si Ciel kay Czarina na nakatingin sa kawalan, nakangiti. "Masyado akong emosyonal sa mga bagay bagay. Kahit maliit pa yan, di ko pinapalampas. Naiinggit ako sa mga taong katulad mo, katulad ni mommy at ni kuya. Kaya niyong laruin ang ekspresyon niyo. Kaya niyong baguhin agad agad. Samantalang ako, hirap magbago."
Tumigil saglit si Czarina saka huminga ng malalim. Si Ciel naman ay nakatingin lang sa kaniya, nakikinig. "Bakit nga ba gusto kong magbago? Bakit ba gusto kong maging malamig? Alam mo Sizon, yung tatlong kaibigan kong babae, inutusan lang sila. Inutusan lang sila ng tita ko. Hindi ko sila pinakinggan, iniwan ko sila sa ere. Napaisip ako, ano pang silbi ng pagbabago ko? Sila ang rason kung bakit ko gustong magbago. Sila ang rason kung bakit iyak ako ng iyak noon dahil tinraydor nila ako. Pero paano kung hindi talaga iyon ang nararamdaman nila? Paano kung naging totoo sila sa akin? Tangna. Di ko na alam ang gagawin ko," sabi ni Czarina.
Napangisi si Ciel saka hinaplos ang pisngi ni Czarina. "Monzia, magbago ka para sa sarili mo, hindi para sa kanila. Kaya mo naman yan ginawa in the first place kasi ayaw mo nang magpagamit, 'diba? Paano kung sasabihin kong totoong naiinggit sila sa'yo? Bakit nila gagawin ang iniutos ng tita mo kung talagang kaibigan ka nila? Siguro, totoo nga. Hindi mo sila pinakinggan. Ilang beses rin silang lumapit sa'yo. Pero Monzia, hindi mali ang desisyon mong magbago. Ito ang tanong ko sa'yo." Iniharap ni Ciel ang mukha ni Czarina sa kaniya. "Sasaya ka ba sa gagawin mong pagbabago? Magiging kuntento ka ba sa desisyon mo ngayon?"
Natigilan si Czarina sa sinabi ni Ciel. Hindi siya nakasagot. Napangiti na lamang si Ciel saka inalis ang kamay niya sa pisngi ni Czarina. "Kung magiging masaya ka sa pagbabago mo, carry on. Pero kung hindi, wag mo nang ituloy."
Napangiti si Czarina. "Siguro tama ka. Salamat Sizon, ha? Buti na lang sinabi ko sa'yo." Tumayo na siya saka pinagpag ang damit niya. Ganun din si Ciel. "Let's go?" tanong niya kay Ciel. Tumango naman ang binata.
Nagsimula silang maglakad paalis sa Open Field. Tahimik lang silang dalawa, nagpapakiramdaman kung sino ang unang magsasalita. Napansin naman ni Ciel na nahuhuling maglakad si Czarina, pinabayaan niya na lang siya. Mas nauuna siya ngayon kay Czarina. Nabigla siya nang biglang hawakan ni Czarina ang t-shirt niya sa kaniyang likod, napatigil silang dalawa. Napalingon siya sa kaniya. Nakita niyang nakapikit si Czarina. Muling namula ang mukha ni Ciel, baka gusto ni Czarina na halikan siya ni Ciel.
Unti unti niyang nilapit ang mukha niya kay Czarina. Kaunti na lang dadampi ang labi niya sa labi ni Czarina. "Five," sambit ni Czarina saka minulat ang mga mata niya. Bumungad sa kaniya ang mukha ni Ciel, kaunting galaw niya lang, dadampi ang labi niya sa kaniya. "S-Stay back!" Itinulak niya si Ciel ng malakas, sanhi ng pagkakaupo niya sa lupa.
"What was that for?!" bulyaw sa kaniya ni Ciel.
"You're trying to kiss me again! What the heck, Sizon?! I told you, haven't I? Don't kiss me whenever you feel like it!"
BINABASA MO ANG
TEQ2: 10 Ways To Become Emotionless
AksiI was betrayed because I was kind. They thought it's ok with me if they hurt me because I always smile. Telling them it's fine but the truth is I'm not. Yeap. I have many friends. But they are not real. They're just there when they need something. I...