Chapter 6~ Revelations Left Unsaid

5.8K 97 1
                                    

Czarina's POV

"Good Morning!" bati ko kila mommy na may ngiti sa labi.

"Morning." sagot ni daddy samantalang si mommy napasimangot. Tinignan niya ako ng seryoso "3C."

Kumunot ang noo ko. 3C? Napabuntong hininga si mommy "Change. Cold. Cool."

Lumaki ang dalawa kong mata. Oo pala. Step 1: Try not to care. Not literally but emotionally. But how will I do that? T.T Tinignan ko si mommy na parang nagmamakaawa kasi... di ko talaga alam ang gagawin ko.

Ngisi ang pumorma sa labi niya. Tinignan niya si daddy "Gelo. Iwan mo muna kami." Utos niya. Tumango naman si daddy saka umalis.

"RapRap. I'll wait for you outside." sabi ni daddy mula sa labas.

"Oo!" sigaw naman ni mommy. Tinignan niya ulit ako saka ngumisi. "Yang puso mo. Dapat nangingibabaw ang galit." Seryosong sabi niya. Lumaki ang mga mata ko. Is she really my mom? "H-How will I do that?"

"Just compose yourself, dear. Isipin mo lahat ng kasamaan na ginawa nila sayo. Lahat ng paghihirap na dinanas mo. Dapat laging nangingibabaw ang sakit kesa sa pagmamahal na nararamdaman mo ngayon." Seryosong saad ni mommy.

"M-Masama yun diba?" sabi ko

Ngumiti siya "Masama? Sa tingin mo Zar, paano ka magbabago kung ayaw mong baguhin ang nararamdaman mo? Saka isa pa, pag pagmamahal at konsensya ang nananaig diyan sa puso mo, paano mo babaguhin ang sarili mo? Mahirap magbago lalo na kung ganiyan ang iniisip mo."

Kinagat ko ang kamay ko. Ganito ang ginagawa ko pag nakakaramdam ako ng kaba at tensyon.

"Calm down. Hindi basta basta ang pagbabago. Unti unti yan. Desidido kang magbago, hindi ba?"

Tumango ako. Tama si mommy. Kung talagang desidido akong magbago, di ko dapat iniisip ang mga bagay bagay na magpapaudlot sa pagbabago ko. Ngumiti si mommy saka ginulo ang buhok ko. "I believe in you."

Yinakap ko siya. Naramdaman kong yinakap niya ako pabalik. "Thank you mom." sambit ko. Kumawala agad kami sa yakap. "Kung gusto mo nang pumasok sa school, tawagan mo ang Kuya Kyzer mo ha?" Tumango ako

"Zar." Tawag sakin ni daddy. Napalingon ako. Seryoso siyang nakatingin sakin. "We have to discuss something important."

"Ano yun dad?" Tanong ko

"You should be homeschooled... again." seryosong sabi niya. Nagulat ako. Pati si mommy.

"What are you talking about Gelo?" Naguguluhan na tanong ni mommy.

"W-What? B-But-"

"It's for the best, Zar. Ayokong maulit ang nangyari noon." seryoso parin na sabi ni daddy.

Otomatikong tumulo ang mga luha ko. "Hindi mo ba ako pinagkakatiwalaan dad? Naging katulad ka rin ba nila?"

"Hindi ganun yun Zar. Ayoko lang na mapahamak ka." Nakita ko ang concern sa kaniyang mga mata.

"Pinangako ko naman na di na mauulit yun diba? Hindi ka ba naniniwala sakin dad?"

"Di mo ako maintindihan Zar. Ginagawa ko to para sa-"

"Para sakin? Dad. Ikukulong mo nanaman ako dito sa loob ng bahay. Daddy. Ayoko na." Tinignan ko si mommy. Nagmamakaawa ang aking mga mata. Ayokong makulong ulit dito sa pamamahay na ito. Ayokong mag-isa.

"Gelo. Please. Give her a chance. Maniwala ka sa anak natin Gelo. She made her promise, right?" Pilit niya kay daddy. Napahinga ng malalim si daddy.

"Ok. Fine. Just promise me one thing: Take care of yourself. Ok?"

Napangiti ako ng malapad saka yinakap si daddy. "Yes dad. I will." puno ng kagalakan kong sabi.

TEQ2: 10 Ways To Become EmotionlessTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon