Chapter 28~ Careless Words

2K 61 7
                                    

Czarina's POV

Ilang buwan ang nakalipas simula nung nangyari iyon. Hindi na kami tabi sa klase o nagpapansinan man lang. Hindi na siya sumasama sa amin katulad ng dati. Oo. Wala na nga talaga. Totoo ang mga sinabi niya. Linoko niya ako.

Simula noon, wala na akong emosyong pinapakita. Manhid na rin ako at laging walang ekspresyon ang mukha. Sumasama na rin sa grupo namin sila Yui, Orie, Misaki at Maxene. Sinabi nila na may nagtakip ng ilong nila at nung nasinghap nila, nawalan na sila ng malay. Nilahad nila ang mga nangyari noon pero wala na akong pakialam since tapos na. Ang lakas ng loob nilang idamay ang mga kaibigan ko doon. Pero wala na akong pakialam, nanalo ako.

Tama si Mommy, katulad na niya ako: Laging walang ekspresyon sa mukha at madalas, malamig ang tono ng pananalita, walang kaemo-emosyon.

Narito kami sa aming classroom at oo, hindi na ako lumiliban sa klase. Hindi na nga ako katulad ng dati na laging walang gana mag-aral. Pero kasi dahil doon, dito ko na pinagtutuunan ng pansin ang hindi ko maintindihan na pakiramdam ko.

Nang pumasok ang guro, nagsalita si Bryle ng "Rise" kaya sabay sabay kaming tumayo. "Bow," sambit muli ni Bryle kaya sinunod namin.

"Good morning, Ma'am."

Nakita naming ngumiti siya saka pinaupo kami. "I want you to meet someone. She's a transferee-- no. She's not even new here. She came back; that's the exact word." Ngumiti ang guro saka pinapasok ang babae. Since wala na akong pakialam, hindi ko siya tinitignan.

Narinig ko ang bulungan ng mga kaklase ko. Nah. I could care less.

"Xyla Lockwood is my name, Ciel Sizon's girlfriend. It's good to be back."

Nanigas ako. Xyla, ang best friend kong isa. Girlfriend ng mahal ko. Tangina. Bakit nakaramdam ako ng kirot sa puso ko? Akala ko ba manhid na ako? Tangina. Bakit best friend ko pa?

Narinig ko ang bulungan sa ipaligid. Oo. Alam kasi nilang lahat na ako ang nililigawan ni Sizon pero nagtaka siguro sila kasi we grew apart. Ni tinginan, wala. Ang alam ko wala na akong pakialam pero bakit? Bakit pakiramdam ko nasasaktan ako?

Hindi ko siya tinitignan. Nanginginig ako sa sobrang pagkabigla. Hinawakan ni Zie ang kamay ko kaya napatingin ako sa kaniya. Ngumiti siya saka ginulo ang buhok ko. "ZarZar, pull yourself together. Show them you're strong enough to stand before them," bulong niya.

"Thanks, Zie." Ngumiti akong pilit saka binasa ang hawak kong notebook. Nakakasali na kasi ako sa honor rolls. Kahit napag-aralan ko na, binabasa basa ko pa rin para maukit sa utak ko.

Nasulyapan ko na tumabi siya kay Sizon saka hinalikan sa pisngi. Imbes na maghiyawan sila sa kilig, tumahimik sila saka ako tinignan. Napa-facepalm ako. "Jeez," sambit ko, "you guys are annoying. Tapalan ko kaya ng stapler yang mga mata niyo?" walang emosyon kong banta. Agad silang nag-iwas ng tingin.

Kinuha ko ang phone ko mula sa aking bulsa. Nakita ko ang text message galing kay Tita Zoe. Punta daw ako sa Principal's Office. Gusto daw niya akong makausap tungkol kay Sizon.

"I don't even care anymore." Tumayo ako mula sa pagkakaupo saka kinuha ang bag ko. Nasulyapan ko na nilalandi ni Xyla si Sizon. Tangna. Hinarap ko sila kaya medyo nagulat sila. "Ang silid na ito, ginawa para sa mga nag-aaral, hindi para sa mga naglalandian. Kung maglalandian pa kayo, lumabas kayo dito."

Nakita kong ngumisi si Xyla saka tumayo at tinignan ako deretso sa mga mata ko. "C'mon, Czarina. You're no fun at all. If you're jealous, show it," pangaasar niya.

Napataas ang kilay ko. "Wala sa bokabularyo ko ang salitang 'selos'. Why would I, anyway? H'wag kang assuming. Wala na akong pakialam." Tinalikuran ko siya at naglakad paalis. Bago pa magsalita ang guro namin, inunahan ko siya. "Babalik ako mamayang hapon. Tita Zoe sent me a text message saying that she needs to talk with me. Don't worry, di na ako tulad noon," sambit ko saka tuluyang umalis.

TEQ2: 10 Ways To Become EmotionlessTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon