Czarina's POV
"Hindi ko siya pinatay!" sigaw ko sakanila. Ni minsan hindi ako pumatay ng tao. Saka best friend ko mapapatay ko?! Sinong tanga ang gagawa nun?! Siya ang unang taong naging totoo sa akin. Mapapatay ko ba ang taong ganun? Gago pala sila eh.
"Ikaw ang nakahawak ng kutsilyo nang dumating kami," sabi nung pulis. "Tingin mo hindi ka namin palalampasin?"
Naiyak na lamang ako. Sinong maniniwala sa akin? Ako yung huling humawak ng kutsilyo nun. Ako yung napagbintangan. Ako mismo ang hahanap sa totoong salarin.
Ngumisi yung pulis. "Masyado ka pang bata para makulong," dagdag niya. Dumating agad sila Mommy saka ako yinakap.
"Anong nangyari?!" bungad sakin ni Daddy. Ang mga mata niya ay puno ng pag-aalala.
"Nakapatay po ang anak niyo. Siya ang huling nakahawak sa kutsilyo nang dumating kami dun," paliwanag ng pulis.
"Hindi. HINDI AKO ANG PUMATAY! HINDI KO MAPAPATAY ANG KAIBIGAN KO! Hindi ko kaya..." sabat ko.
"Ba't hindi kayo maniwala sa bata? Hinding hindi papatay ang anak ko lalo na kung walang malalim na dahilan," malamig na saad ni Mommy. Ang kaniyang mga mata ay walang emosyon. Ganito siya pag malapit nang mainis.
"S-Siya ang nakahawak sa kut-"
"Is that reasonable enough para maipakulong siya?" pagputol ni Mommy sa pulis. "Paano nga kung hinawakan niya ang kutsilyo nang nakalayo ang tunay na salarin? Hindi kayang pumatay ng anak ko lalo na pag kaibigan niya."
"P-Paano kung siya ang salarin?"
"Hindi magsisinungaling ang anak ko. Kilala namin siya. Tuwing may ginawa siyang kasalanan, hindi niya ipagkakait na sabihin sa amin yun," saad ni Daddy na seryosong nakatingin sa mga pulis. Si kuya naman nakapamulsa na nakatingin sa akin. Ngumiti siya sakin sabay sabing, "Everything's gonna be alright, sis."
Dumating ang mga kaibigan nila Mommy saka mga anak nila. Puno ng pag-aalala ang mga mata nila.
"Anong nangyayari dito?" seryosong tanong ni Tita Bianca.
"They're accusing my daughter. Nakapatay daw siya," walang emosyong tugon ni Mommy.
"There's no way she could kill someone!" depensa nila kay Czarina.
"Wala pa kayong sapat na ebidensya para sabihin na si Czarina nga ang pumatay."
"Hinding hindi magagawa ni Zar yun!"
Tuluy-tuloy ang pagtulo ng luha ko. Walang tigil. Ganito pala ang pakiramdam nang mapagbintangan. Ganito pala ang-
"Zar. Kanina ka pa lutang diyan. Tara na. Kain na tayo." Nagising ako sa realidad saka napatingin sa mga kaibigan ko. Andito kami ngayon sa school. And yeah. Lunch break na. Si Max nakadungaw sa labas ng bintana. May malalim na iniisip. Tingin ko nag-iisip siya ng paraan para makipagkaibigan sa lahat...? Kasi sinabi niya sa akin nung sumabay siya sa amin palabas ng school. Sabi niya gusto niyang maging kaibigan ang lahat ng kaklase namin. Napangiti nalang ako.
She tried so hard to cope up with our classmates but they are afraid of her. Well, I can't blame them. She really is scary. But she's really kind. I wish they could see that.
"Hoy Monzia Czarina Nightshade! =____=" Clayton
"Tuliro. Di malaman ang gagawin at~" Kenzie
"Sasama ka ba Zar?" Dominic
"Gutom na akoooooo~" Yves
"Czarina. Sagot." Bryle
"I'm not hungry," tugon ko.
BINABASA MO ANG
TEQ2: 10 Ways To Become Emotionless
AcciónI was betrayed because I was kind. They thought it's ok with me if they hurt me because I always smile. Telling them it's fine but the truth is I'm not. Yeap. I have many friends. But they are not real. They're just there when they need something. I...