Chapter 3~ False Friendship

5.4K 109 12
                                    

Czarina's POV

"Hi Czarina!" bati ni Yui sakin nang makapasok ako sa room. Nakilala ko lang si Yui kahapon. Ngumiti ako sakaniya saka umupo sa upuan ko at dumungaw sa bintana.

"Good Morning Zar!" sigaw naman ni Orie. Napalingon ako sakaniya saka tipid na ngumiti.

"Anong iniisip mo Zar?" tanong nung nasa harap ko. Pangalan niya Misaki. Umiling ako saka ngumiti

"Saan yung mga kasama mong lalaki Zar?" tanong ni Yui saka lumapit sakin at umupo sa desk ko

Nawala ang ngiti sa labi ko. Sabi ko na nga ba. Kaya lang sila lunalapit sakin kasi malapit sakin yung mga crush nila. Ganito rin naman ang nangyari nung mga nakaraang taon.

"Di muna sila papasok. May inaasikaso sila." ngumiti ako ng pilit saka dumungaw muli sa bintana

"Anong inaasikaso nila?" tanong ni Orie

"Di ko din alam. Wala silang sinabi sakin." sagot ko saka lumingon sakanila

"Ah. Zar pwede favor?" sabi ni Yui. Tumingin ako sakaniya saka ngumiti "Ano yun?"

Let me guess... papakuha lang ng number tong babaeng to.

"Pwede pakuha ng number ni Kenzie? Alam mo namang crush na crush ko siya eh. Please?" nagpuppy eyes siya sakin

Thought so. Lagi namang ganito eh. Sanay na ako. Nakikipagkaibigan lang sila sakin kasi kailangan nila ako hindi dahil gusto nila.

Ngumiti ako "Di ko maipapangako. Alam mo naman yung mga yun. Masusungit. Pero I'll try."

Nakita ko ang saya sa mata niya. Napangiti ako. Ok lang sakin kahit ganito ang pakikitungo nila sakin. Makita ko lang na nakakatulong ako masaya narin ako. Ayos lang kung di sila totoo sakin. Ang mahalaga nakakatulong ako.

"Salamat Zar!" niyakap niya ako. Kumawala siya sa yakap saka bumalik sa upuan niya. Sakto namang pagdating ng teacher

"Good Morning students." bati nung teacher samin. Tumayo kami at sabay sabay din naming sabi "Good Morning Teacher." sila lang pala. ^u^

"You may take your sit." sabi nung teacher. Lahat sila umupo. Napangisi ako. Ginawa na ito dati ni Yves eh. Magaya nga. Ako naman binuhat ko yung upuan ko. Napatingin sakin yung teacher "What are you doing Ms. Nightshade?"

I smiled mischievously "You said we should TAKE our sit. I'm just doing what you asked us to do sir." sabi ko

Nagsitawanan lahat ng kaklase ko. Aww. Too bad wala sila Yves dito. Mas masaya pag andito sila. Sasamahan nila ako sa mga gagawin kong kagaguhan.

Namula sa inis yung teacher "Ms. Nightshade. Kahit ikaw ang anak ng principal ng school na ito papapuntahin parin kita sa Detention Room." utos niya sakin. Ngumiti ako ng malapad saka yumuko "I'm honored sir. Actually I don't mind at all." sambit ko saka kinuha ang bag ko. Umalis na ako sa room. Nakatingin sakin yung mga babae kong kaibigan. They feel sorry for me? Hah! Yeah right!

Kahit ako ang anak ng principal ng school dito nagpapakatotoo parin ako. Alam ni daddy ang ugali ko. Di ko kailangang magpakabait para lang sakanila. Sabi nga ni daddy "Isipin na nila kung anong gusto nilang isipin. Importante totoo ka sa sarili mo. Di ka nagpapanggap."

Suki ako sa detention room. Madami ngang nagbubulungan na teachers tungkol sakin eh. Kesyo anak daw ako ng Principal dapat daw di ganito ugali ko. Dapat daw mabait ako katulad ng kuya ko. Who cares?! I'm just being me.

Pumasok na ako sa Detention Room saka umupo sa upuan. Tinignan ako nung teacher na naka-assign dun. Nginitian niya ako "It's good to see you again Ms. Nightshade."

TEQ2: 10 Ways To Become EmotionlessTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon