The Last

2.3K 56 8
                                    

Third Person's POV

Sa ospital na pagmamay-ari ng mga Nightshade sila nagpunta. Si Raphaela ang nagtatanggal ng bala sa katawan niya. Lahat sila, kinakabahan sa maaaring mangyari kay Zoe. Hindi akalain ni Kyzer na magiging isa si Zoe mismo sa mga chess pieces niya. Mali. Hindi niya akalain na may iba pang magmamanipula sa kanila. Ngunit naalala niya ang sinabi ni Zoe. Alam niya na delikado ang buhay niya. Pwede naman niyang maniobrahin ang kalalabasan ng laro pero pinili niyang isakripisyo ang buhay niya.

"Tita Zoe, you want me to take over your place? Do you really need to-" Hindi natapos ni Kyzer nang tumabi sa kaniya si Czarina.

"Kuya. Mabubuhay siya, 'diba?" bulong nito. Hindi niya matanggap na may mamamatay dahil sa kaniya. Sinalo ni Zoe ang bala na dapat para sa kaniya. Siya ang may kasalanan. Dapat hindi na siya nagsalita. Sana tumahimik na lang siya.

Hindi umimik si Kyzer. Ayaw niyang sumagot ng oo o hindi nang walang kasiguraduhan. Ayaw niyang umasa ang kapatid. "Let's wait for it, sis." Bumuntong hininga siya. Umaasa rin kasi siya na mabubuhay pa ang tita niya. Pero nakita niya na kritikal na ang lagay niya. Malapit kasi sa vital organs niya tumama ang bala.

Lumabas si Xander, namumula ang mga mata niya. "Wala na. Pumanaw na siya," sabi niya. Mahirap tanggapin dahil matalik niyang kaibigan si Zoe. Sinabi rin ni Zoe sa kaniya na may masamang mangyayari sa kaniya at kung mayroon nga, tatanggapin na lang daw niya. Sinabi niya pa na si Kyzer na ang bahala sa kompanya ng mga Nightshade at siya ang magiging Zoe sa susunod na henerasyon.

Walang umimik. Puro hikbi amg maririnig sa kanila, puno ng kalungkutan. "Hindi. Hindi pwede!" Nagulat sila sa inasal ni Czarina.

"Dapat ako na yung namatay! Para sa akin yung bala na tumama sa kaniya! Hindi dapat siya ang namatay... ako dapat." Napaluhod siya kasabay ang paghagulgol niya. Siya ang dahilan kung bakit namatay si Zoe.

"Poprotektahan kita."

"Bakit may kailangan pang mamatay para sa akin?" bulong niya. "Tita, bakit kailangan mong mamatay?"

Mas lalong naging mabigat ang nararamdaman ng bawat isa sa kanila dahil sa inasal rin ni Czarina. Hindi nila matanggap. Hindi nila inaasahan.

Si Angelo, sinusubukang magpakatatag para sa pamilya. Ayaw niyang makita nilang mahina siya. Oo. Nakatatandang kapatid niya iyon. Ni hindi niya pa nasabi kung gaano niya kamahal ang ate niya. Nawala na lang ng basta basta. Hindi nila napaghandaan.

"Ang sakit. Ang sakit sakit," bulong ni Czarina kasabay ang pagsuntok niya sa dibdib niya. "Mas masaklap pa pala itong nangyari ngayon kaysa nung ako ang pumatay."

Hindi nila alam kung paano siya patitigilin sa pag-iyak. Masyadong masaklap ang nangyari sa kaniya. Hindi makaimik si Angelo.

Hindi maipaliwanag ni Grace ang nararamdaman. Siya ang pulu't-dulo ng lahat. Kung hindi niya nilabanan ang kaibigan, kung hindi siya nagpakatanga at hindi nahulog sa patibong nito, sana buhay pa si Zoe ngayon. Sana naging maayos ang lahat. Sana noon, napansin niya na laro lang ang lahat. Kilala niya kasi si Zoe, kapag nasimulan na, tatapusin niya ito kahit anong mangyari. Tumulo ang mga luha niya. Puro pagsisisi at konsensya ang naramdaman niya. "Zoe," sambit niya saka tuluyang napahagulhol. Hindi niya matanggap na wala na ang kinilala niyang kaibigan. Siguro kapag hindi niya pa alam ang dahilan, nakangisi siya ngayon saka sasabihing, "Buti nga sa'yo. Panalo ako." Pero hindi ganun ang nangyari e. Parehas silang natalo sa larong sinimulan ni Zoe.

Niyakap ni Ciel ang ate. Hindi maipagkakailang mahal pa rin niya ito. Magkasing-dugo sila. "Masakit palang makita kang ganiyan, ate," bulong pa niya. Hindi akalain ni Ciel na iiyakan ni Grace si Zoe dahil magkalaban sila. Siguro napagtanto niya din sa huli. Napatingin siya kay Czarina na umiiyak parin hanggang ngayon. Napahinga siya ng malalim. "That Monzia, blaming herself again."

TEQ2: 10 Ways To Become EmotionlessTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon