Chapter 14~ Sudden Change Of Plans

2.9K 67 0
                                    

Third Person's POV

Umusbong ang hiyawan sa buong lugar. Lahat nagagayak na makakita ng laban. Lahat nais mapanuod ang laban lalo na kapag sangkot ang grupo nila Czarina.

"Ok guys. Lima lang naman sila kaya dapat lima rin tayo. Sinong gustong lumaban?" Tumingin si Czarina sa mga best friends niya. Nagtaas ng kamay si Clayton, Yves, Dominic at si Tristian.

"Ayaw niyo talaga, huh?" sabi ni Czarina saka tinignan yung mga di nagtaas ng kamay.

"My tablet is more precious than this fight. Besides, I don't care about Maxene at all." Keezer

"I'm the class president. I should be the role model here, you know?" Bryle

"Nah. I'm cool. Tama muna pakikipaglaban sakin." Kenzie

"Tinatamad ako. Suportahan ko nalang kayo. =u=" Yohan

"Ok guys. Wish us luck," ngumisi si Czarina saka sila nag-group hug.

"We know you can do this, guys." sabi ni Yohan. Kumawala sila sa yakap.

"Kaya niyo yan," sabi ni Keezer saka tipid na ngumiti.

"Thanks mga brad." Clayton

Pumagitna ang dalawang grupo; Ang The Blood Phantom Gang sa kaliwa at The Nobodies sa kanan. Nagpalitan sila ng matatalim na tingin. Kating kating saktan ang isa't isa.

"Tell Orie, Misaki and Yui how much I hate them after this match. I would love to kill them with gratitude!" sarkastikong saad ni Czarina.

"Sis. Shut up," sita sakaniya ni Kyzer. Tinignan niya ang dalawang grupo. "Anong patakaran ng eskwelahan pag dito mismo sa school grounds gaganapin ang laban?"

"Students have to fight each other, and the one who loses has to obey the winner." Sabay sabay nilang nilahad ito. Ito ang patakarang ginawang legal ng principal na si Angelo Nightshade. Sa anong dahilan? Upang maging organisado ang paaralan. Walang biglaang away, walang biglaang bugbugan.

"Since alam niyo na, simulan na ito." Tinignan niya ang wristwatch niya. 10 seconds before 12. Pagkatapos ng sampung segundo, itinaas ni Kyzer ang kamay niya. "Let the fight... begin!"

Hinanda na ng dalawang grupo ang kanilang mga sarili. Tumahimik ang buong lugar. Ramdam nila ang tensyon nila.

"Ano ito?" nakangising sabi ni Clayton. "Magtitinginan na lang ba tayo? Hindi nakakamatay ang tingin." Lumapit siya sa isang lalaking kabilang sa grupo ng iba. "Ito ang nakakamatay!" Sinuntok niya ang mukha ng lalaki saka sinipa sa sikmura. Dun nagsimula ang rambulan nila. Lahat ng miyembro ng bawat grupo ay nagpapalitan na ng suntok at sapak. Naiwang nakatayo ang dalawang lider. Matalim na tingin ang binibigay nila sa isa't isa.

"So you are the great leader of The Nobodies." Panimula niya saka naglakad papalapit kay Czarina. "Ms. Czarina Nightshade. You're quite famous, you know?" Ilang metro na lang ang layo nila sa isa't isa. Nakatayo lang si Czarina, hindi umiimik. Walang emosyon ang kaniyang mga mata.

"So what if I'm famous? Matutulungan ba nun ako sa laban na ito? Hindi naman, diba?" Ngumisi si Czarina saka kinuyom ang kaniyang kamao. Isa sa pinaka-ayaw niya ay ang sinasaktan ang mga taong malapit sakaniya. Kaibigan man ang turing niya sa mga ito o hindi, basta malapit sakaniya, hindi dapat pinagdidiskitahan.

Ngumisi nalang ang lalaki saka sinugod si Czarina. Isang suntok ang pinakawalan niya ngunit nakaiwas agad ang dalaga saka umikot papunta sa likod ng kalaban. Tinuhod niya ang likod nito kaya napadapa ang kalaban. Dinaganan niya ito saka ngumisi. "You call yourself a leader? Are you fucking kidding me?"

Ginalaw ng kalaban ang kaniyang katawan kaya nawalan ng balanse si Czarina mula sa pagkakaupo nito sa likod niya. Napaupo ito sa sahig. Agad tumayo ang kalaban saka sinuntok ang mukha ni Czarina. Umiwas agad si Czarina ngunit naabot parin ng kamao niya ang mukha nito pero hindi ganun kalakas. Itinaas ni Czarina ang kaniyang paa at itinama niya sa tagiliran ng kalaban. Napaupo na rin siya. Tumayo si Czarina saka lumebel sakaniya; walang sawang sinuntok ang mukha ng kalaban. Napahiga na ang kalaban pero di parin tinitigil ni Czarina ang pagsuntok. Nandidilim ang kaniyang paningin. Dun niya binuhos lahat ng galit niya.Wala na ang awa sakaniyang mga mata. Hindi na talaga siya katulad ng dati.

TEQ2: 10 Ways To Become EmotionlessTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon