Third Person's POV
Biglang yinakap ni Ciel si Czarina nang makita niya itong umiiyak. "It's alright. I'm here," bulong niya.
"Ikaw kasi e. Pinapunta mo ako dito tapos ganito maririnig ko?" naiiyak na sambit ni Czarina.
"I overheard them awhile ago. They were talking about you," sabi niya saka kumawala sa yakap. Ginulo niya ang buhok ni Czarina saka ngumiti. "And you should hear it."
Napangiti na lamang si Czarina saka tumingin sa kanila. Hindi niya alam dahil gulung-gulo pa rin siya pero isa lang ang pumasok sa isip niya; she'll give it another try, another chance, another trust and risk her heart for them.
"Napanaginipan ata kita kagabi, Ciel," biglang sabi ni Czarina.
Namula si Ciel saka tumingin sa ibang direksyon. "Actually Monzia, that's not a dream," bulong niya.
"Not a dream? Mukha kasing panaginip e." Tinignan niya si Ciel saka ngumiti. "Papasok na ako," sabi niya.
"Hm. So you really want to kiss me, huh?" bulong ni Ciel pero narinig ni Czarina.
Lumaki ang mga mata ni Czarina. "NO WAY!" depensa niya sa sarili niya.
Napatingin sa kanila ang mga estudyante na nagsisilabasan. Napangisi si Ciel. "Ano bang nangyari sa panaginip mo kasama ako?"
Iniwas niya ang tingin niya kay Ciel. "W-Wala naman." Napailing na lamang si Ciel saka tinulak papasok sa silid si Czarina. Sisigawan pa sana niya si Ciel kaso inunahan siya. "I'll wait for you outside," sabi niya saka umalis.
"Czarina?" Yui
"K-Kanina ka pa diyan?" Orie
"Narinig mo ba pinag-uusapan namin?" Misaki
Natigilan si Czarina. Ayaw niyang lumingon. "Oo. Ako si Czarina. Oo Kanina pa ako dito at oo. Narinig ko ang pinag-uusapan niyo."
"Z-Zar. Hindi ko alam ang sasabihin ko," naiiyak na sabi ni Yui. Hindi pa rin lumilingon si Czarina.
"Buong akala ko ginagamit niyo lang ako. Pero sa narinig ko, inutusan kayo ni Tita Zoe. Bakit niyo ginawa in the first place?" walang emosyon niyang saad.
"We can't help it, Zar. Para kaming nahipnotismo nung mga panahong iyon. Napansin mo ba? Ngayong taon lang tayo nagkakakilala. Ngayon ka lang namin naging kaklase." Orie
"Yui. Sabihin mo sa akin, naiinggit ka ba talaga sa akin? Naiinis? Nagagalit? Isampal mo sa akin ngayon ang tunay mong nararamdaman. Makikinig ako," sabi ni Czarina, hindi pa rin lumilingon.
"Totoo, Zar. Nainggit ako sa'yo. Kahit hindi ka nag-aaral, ang tataas ng nakukuha mong puntos sa mga pagsusulit, ang bait bait mo. Pero hindi naman iyon eh. Ni minsan hindi ko pinangarap maging katulad mo dahil ikaw yan eh. Ikaw si Czarina at matagal ko nang tanggap na hinding hindi ako magiging tulad mo. Ginawa ko iyon, ginawa namin iyon dahil sinunod namin si Tita Zoe," saad ni Yui. "Hindi ako naiinis, hindi ako nagagalit. Kailangan lang naming gawin iyon, para sa'yo."
Napapikit si Czarina, fighting the urge to cry. "Para sa akin? Alam niyo ba na dahil sainyo kaya ko gustong magbago? Dahil sainyo kaya naging miserable ako. Pinaniwala niyo ako na ginamit niyo ako. Bakit hindi niyo sinabi agad? Tapos saka niyo lang sinabi na hindi totoo lahat ng iyon, na pagpapanggap lang iyon ngayong nagbabago na ako? Nasa kalagitnaan na ako ng pagbabago ko, guys. Naguguluhan na ako." Lumingon na siya saka ngumiti ng matamis. "Hindi ko na alam kung dapat ko kayong paniwalaan o hindi pero napag-isip isip ko na dapat ko kayong patawarin."
Yumuko si Czarina. "Pasensya na," bulong niya saka tumakbo palabas.
"T-Teka!" Pipigilan sana ni Misaki kaso pinigilan siya ni Orie.
BINABASA MO ANG
TEQ2: 10 Ways To Become Emotionless
ActionI was betrayed because I was kind. They thought it's ok with me if they hurt me because I always smile. Telling them it's fine but the truth is I'm not. Yeap. I have many friends. But they are not real. They're just there when they need something. I...