Chapter 11~ Accused Killer

2.5K 72 5
                                    

Third Person's POV

"SEINAAAAAA!"

Isang nakabibinging tili ang narinig mula kay Seina. Si Czarina ay nagimbal. Tila nabigla sa bilis ng pangyayari. Ngunit ang kaniyang mga mata ay napako kay Seina.

Dugo.... Napakaraming dugo. Nanigas si Czarina sa nakikita. "C-zar-in-a," nanghihinang bulong ni Seina.

Tumakbo paalis ang salarin. Nakita niyang ngumisi ito. Oo. Nakita niya ang mukha nito. Iniwan niya ang kutsilyo sa likod ni Seina. Napaluha si Czarina saka nanghina. Doon palang bumalik sa realidad si Czarina. Tumakbo siya papalapit kay Seina saka sinalo ang pagkakahulog nito. Tinanggal niya ang kutsliyo mula sa likod ni Seina saka niya yinakap.

"S-Seina," bulong niya kasabay ang pag-agos ng luha niya.

Sobra niyang sinisisi ang sarili niya sapagkat wala siyang ginawa kundi ang sumigaw kanina. Hindi niya naprotektahan ang kaibigan niya.

"Zar. Don't cry. A-Alam kong mangyayari ito ngayon k-kaya lumayo ako sayo," nanghihina niyang bulong. Hinaplos niya ang mukha ni Czarina saka ngumiti ng pilit. "I told you, right? May problema kami pero sinabi ko na maayos din, hindi ba?" pagpapatuloy niya.

Walang ginawa si Czarina kundi umiyak. Walang lumalabas sa bibig niya kundi ang hagulgol niya. Si Seina ang unang taong tumanggap sakaniya hindi dahil sa pera. Siya ang unang taong naging totoo sakaniya.

"Zar, I need to sleep," bulong ni Seina. Konti nalang pipikit na siya. Ang kaniyang kamay ay nakahaplos parin sa pisngi ni Czarina. Hinawakan ito ni si Czarina. Wala siyang pakialam kung puno na ito ng dugo. Wala siyang pakialam.

"Please, don't die. Marami ka pang gustong tuparin na pangarap diba? M-Maaabot mo lahat yun. Please Seina. Tatagan mo ang loob mo." Kinausap niya nang kinausap ang kaibigan. Ngiti lang ang naging tugon ni Seina.

"It's too late. Sa puso ako sinaksak. Nararamdaman ko.... ang unti unting pagbagal ng pintig nito." Tinanggal niya ang pagkakahawak niya sa pisngi ni Czarina. Pero kinuha muli ito ni Czarina at inihaplos sa pisngi niya.

"Seina. Wag mo akong iwan," pagmamakaawa niya. Dahan dahang umiling si Seina.

"Kailangan ko nang matulog, Zar." Pagkasabi niya nun ay pumikit siya. Bumigat ang kamay nito kaya nabitawan ni Czarina ang kamay niya.

"S-Sei?" tawag niya sa kaibigan.

"Seina?!" Yinugyog niya ito ngunit hindi na siya sumasagot. Humagulgol siya nang humagulgol.

"Wala akong nagawa," paulit ulit niyang sambit. Nakapa niya ang kutsilyo sa sahig. Kinuha niya ito at tinitigan.

"Hahanapin ko kung sino ang pumatay. Hahanapin ko at papatayin ko. Buhay ang kinuha, buhay din dapat ang kapalit," bulong niya saka hinawakan ng mahigpit ang kutsilyo.

Tilian. Bulungan. Panghuhusga. Mga taong nakapaligid sakanila. Mga taong walang alam sa nangyari.

"Mamamatay tao," sabi nung babae.

"Hindi ko po siya pinatay!" depensa ni Czarina sa sarili. Hindi niya alam na hawak hawak niya pa ang kutsilyo.

"Baliw ka ba? Ikaw ang may hawak ng kutsilyo!"

"T-Tinawagan ko na yung pulis," sabi pa ng isa.

Napuno ng bulungan ang lugar. Walang nagawa si Czarina kundi tanggapin lahat ng sinasabi nila.

Tama. Wala siyang nagawa nung mga panahong sinaksak ang kaibigan niya. Ibig sabihin nun, siya din ang may kasalanan.

Ilang segundo pa'y dumating ang mga pulis. Binuhat nila si Seina at inaresto si Czarina. Hindi siya umimik. Sinisisi niya ang sarili niya. Siya ang may kasalanan. Pero hindi siya ang pumatay.

TEQ2: 10 Ways To Become EmotionlessTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon