Epilogue

2.4K 57 0
                                    

Sampung taon ang nakalipas simula nung nangyari iyon. Maraming nagbago simula noong nawala si Tita Zoe. Maraming nagkabati, maraming nakangiti, maraming nawala ang galit. Kami ni Sizon? Eto, magkasama na sa iisang bahay, kasal na. Ewan ko ba. Siguro nga, para talaga kami sa isa't isa ni Sizon.

Tuwing lumilingon ako sa nakaraan, hindi ko maiwasang mapangiti. Nalagpasan namin ang pagsubok. Mayroon rin akong napagtanto, kapag ikaw ay nagmahal, kaya mong isakripisyo lahat para sa ikabubuti niya. Kaya mong isakripisyo ang sarili mong kaligayahan pati ang iyong buhay. Hindi ko rin alam pero nagpadala kami sa agos ng tadhana. Oo. Naging mga sunud-sunuran kami sa tadhana. Sinubukan naming tanggapin ang dapat para sa amin.

Tama kayo, naging manhid ako at EMOTIONLESS. Nawala ang kasiyahan, ang kalungkutan, ang galit. Nawala LAHAT. Nakalimutan ko kung paano sumaya pero tadhana nga naman, dumating ang best friend ko para subukin ang mga emosyon ko.

Oo. Gusto ko noon na maging katulad ng Mommy ko, but she made me realize na no one can ever control his feelings. Walang nasasanay sa sakit. Lahat tayo, kahit paulit ulit na masaktan, imposibleng masanay na tayo. Walang manhid. Lahat ng tao, emosyonal. Hindi man nila ipakita sa labas, pero sa loob, mahihina sila. Lahat tayo, mahina. Lahat tayo, nagpapadalos sa ating mga desisyon. Pero buhay nga naman, laging may leksyon para sa atin. Para matuto tayo.

"Mommy. Are you even listening to me?" Napatingin ako sa aking anak na lalaki. Bunso siya.

Napangiti ako. "Nathan, if you really want them to accept you, don't be so frank. You're hurting their feelings, nak."

Siya si Nathaniel Cielo N. Sizon. Lalaking ubod ng sungit at kung magsalita, deretso. Walang hinto. Hindi niya alam, nakakasakit na pala siya. Alam niyo na kung kanino nagmana.

Ngumuso siya. "But ate said I should be frank with my feelings because if I don't, I won't be able to express my thoughts. I don't want that, Mom."

"So you're better off alone, then?" Tumaas ang kilay ko saka ngumisi. "Oh well, friends will come and go. Some are worth it, some will betray you. That's life. Be yourself, always."

Nakita ko ang ngiti sa labi niya. "I am not alone! I'm with you, with dad, with ate, with my best friends! Although other people thinks I am a heartless kid."

Natawa ako sa sinabi niya. Heartless daw siya kasi kapag magsalita, nakakasakit pero totoo naman ang sinasabi niya.

"Li'l brooooo!" Yinakap ni Zarciel ang kaniyang kapatid ng sobrang higpit. "Did you missed ate?" tanong niya habang pinipisil ang pisngi ng kapatid niya.

"Yesh ate," nakangiting sagot ni bunso.

"Sinong nagsasabi na heartless ka? Tara, sapakin natin!" pag-aaya niya. Ni hindi niya ako pinansin. Sinapok ko nga.

"Aray ko, Ma!" Napatingin siya sa akin. "Sorry na po." Ngumuso siya saka ako yinakap.

Napangiti na lang ako. Siya naman si Zarciel Nathan N. Sizon. Kung umasta parang lalaki pero kung pag-fangirl sa mga anime characters dinaig pa ang bakla. Katulad ng kapatid niya, deretso magsalita. Pero napakatamis kung maglambing. Dadagain kami pag naglambing siya.

Umakbay sa akin si Sizon, este, Sizon na rin pala ako. Si Ciel. Yucks. Hindi pa rin ako sanay na tawagin siya sa pangalan niya. Ang korny. "Tara labas," pag-aaya niya sa amin.

"Where, dad?" Halata naman ang excitement sa mata ni Nathan. Bata nga naman.

"Pagkain!" Nagtatalon na sabi ni Zarciel. Napangiti na lang ako.

Ayokong maranasan nila ang naranasan ko sa pagpili ng kaibigan. Mahirap. Pero hindi naman maiiwasan iyon. Naalala ko rin ang paghihirap ko noong nasa sinapupunan ko si Zarciel. Akala ko, may mamamatay sa amin. Pero, salamat sa Diyos dahil nabuhay kami pareho. Milagro nga.

Yung iba? Ayun, may kaniya kaniya na ring pamilya. Busy na rin sila lagi kaya minsan na lang kami nagkikita. Sila mommy, nagbakasyon sa Japan kasama ang mga tita at tito ko. May sarili silang trip kaya h'wag na lang pansinin.

Mamamaalam muli ako sainyo. Sana nga, marami kayong natutunan. Kung wala man, pinasasalamatan ko pa rin kayo dahil sinubaybayan niyo ang kwento ng buhay ko. Sige, paalam!

"Tara!" Sabay sabay kaming lumabas na pamilya. Sa paborito naming pagkainan, kung saan man iyon, bahala na ang sasakyan.

---------

Tapos naaa! (*-*)/ Hahaha! Kung may tanong man kayo, feel free to comment. Alam kong sabaw pero, gusto ko nang tapusin para wala nang problemahin pa! XD Siguro, dadagdagan ko ng After Story pag trip ko lang.

Guys, thank you so much for voting. Pati mga nagcocomment. Mehehe. Di ko ineexpect na may magbabasa sa mga sinulat ko pero salamat pa din talaga. Kahit matagal akong mag-update, mahal ko kayo. Haha. Kung nag-expect kayo masyado sa story na ito pero na-disappoint, sorry guys. Di kinaya ng cerebral cortex ko. Mehehe. Guys, tapos na. Magdiwang tayo! \(*-*)/ Ang rason kung bakit hindi na November 10, tapos na kasi ang Naruto Manga. Haha. Minadali ko na rin, o well. LABYU GUYS!

SamanthaBruno

TEQ2: 10 Ways To Become EmotionlessTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon