Chapter 13~ Strong Bond

3.1K 70 4
                                    

Third Person's POV

"Pero Lieselotte. Pag lumabas ka, m-maaring-"

"Maaring ano? Kaya ko iyon ginawa noon para masira ang buhay niya. Alam mo yun ate, hindi ba? Ayoko sakaniya. Masama bang sirain ang buhay ng taong ayoko?" Isang nakakabinging katahimikan ang nanaig.

Masama iyon. Sobrang sama. Kung ayaw niya ang isang tao, gagawa siya ng paraan para masira ang buhay nito.

"Dahil lang... ayaw mo sakaniya?" Hindi makapaniwala ang ate niya. Ang buong akala niya mabuti ang kapatid niya.

Ngumisi si Lieselotte saka tumingin sa ate niya. "Do you hate me now, sis?"

"No. I will never hate you, sis." Nakangiting tugon niya sa kapatid. Lies... lahat ng iyon ay pagsisinungaling.

Ngumiti na lamang si Lieselotte saka tumalikod at naglakad palayo.Nawala ang ngiti sa labi ng kaniyang ate. Ibang Lieselotte na ang kaharap niya. Simula nung nangyari iyon, nag-iba siya.

-----

"You really trust him that much, sis?" tanong ni Kyzer kay Czarina.

"Instincts, bro. Nararamdaman ko na mapagkakatiwalaan siya," sabi ni Czarina. Naglalakad sila papuntang eskwelahan. Napagdiskitahan nilang maglakad kaya gumising sila ng maaga kasi medyo malayo ang bahay nila sa paaralan.

"Paano kung hindi pala dapat siya pagkakatiwalaan?"

"Then it's my fault. May magagawa pa ba ako, bro?" Bumuntong huminga si Kyzer. Hindi na siya umimik pa. Napangiti na lamang si Czarina. Ilang minuto silang tahimik.

Naalala ni Kyzer si Maxene. Ang kaniyang malalamig na mga mata. Ang walang emosyon niyang mukha. Kinabahan si Kyzer nung mga panahong kinausap niya ito.

"Si Max. Pinagkakatiwalaan mo ba siya?" Kaswal na tanong niya sa kapatid.

"Hmm. Partially...? There's something about her that makes me want to avoid her. But whenever she talks to me, it feels like she's real. But I don't trust her fully."

Ngumiti si Kyzer ng tipid saka ginulo ang buhok ni Czarina. "You've changed."

Napangiti na lamang si Czarina ng tipid. Siguro nga may pinagbago siya.

"Anong ginagawa niyo dito kayong dalawang masungit?" bungad ni Yves sakanila saka sika inakbayan. Napaismid si Czarina saka sumabat, "E ikaw? Anong ginagawa ng unggoy na tulad mo dito?"

Napangisi na lamang si Kyzer. Di niya kasi ugali ang tumawa. Napanguso naman si Yves saka nagcross arms. Tila napikon sa sinabi ni Czarina. Dumaan ang grupo ng kalalakihan sa harap nila. Napalitan ng ngisi ang kaninang nakanguso na si Yves. "Guys. May pagt-tripan lang ako. See ya." Sinundan niya yung grupong iyon saka pinatid yung nasa pinakahuli. Nadapa yung lalaki samantalang humagalpak sa tawa si Yves. Napatingin lahat ng estudyante sakanila. Napuno ng bulungan sa lugar. Hindi naapektuhan si Czarina kapag iba ang usapan nila kaya ayos lang.

"Isa siya sa The Nobodies, hindi ba?"

"Oo. Yung pinakamalakas ang trip sakanila."

"No wonder. Pinatid niya yung lalaking dumaan lang sa harap niya."

"Masama talaga ugali nila."

Alam nilang walang pakialam si Yves pero nainis si Czarina ng sobra. Hindi nila kilala ang mga miyembro ng The Nobodies.

"Don't just mindlessly judge us as you please." Malamig na sabi niya saka matalim na tinignan ang mga estudyante roon. Natahimik ang mga nagbubulungan. "You don't know us."

TEQ2: 10 Ways To Become EmotionlessTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon