Chapter 20~ Just Play Along With Me

2.5K 59 5
                                    

Third Person's POV

"Kyzer. Pinapatawag ka ng Principal." Napatingin si Kyzer sa guro saka tumayo. Yumuko siya bilang respeto saka tuluyang umalis.

Habang siya ay naglalakad sa corridor, maraming napapatingin sa kaniya. Hindi niya na lamang ito pinansin. Kilala siya na isang striktong presidente. Kahit pa pinakasimple o pinakamaliit na bagay, napapansin niya at ito ay sinisita niya. Marami ngang nagsasabi na sayang ang kagwapuhan niya kasi ang sungit sungit niya. Wala siyang pakialam sa mga iyon. Responsibilidad niya ang linis at estado ng paaralan. Walang kinalaman ang pagiging masungit niya 'roon.

"Is this about the case? As far as I remember, I've already said what I know. What gives?" bungad niya sa kaniyang ama pagkapasok na pagkapasok niya sa opisina nito.

"My sister wants to talk to you, Zer." Seryoso siyang tumingin kay Kyzer saka binaling ang tingin sa binabasang records.

Kumunot ang noo niya. "Tita Zoe? Why?"

"Because my son is amazingly good at figuring things out. She is actually amazed too." Ngumiti na lamang si Angelo saka tinignan ang kaniyang anak na nakakunot parin ang noo.

"Should I be happy now?"

"Pfft. It's your choice." Umiling siya. "My son is weird," bulong niya.

"I heard you, dad."

"Kyzer."

Napatingin silang mag-ama sa babaeng kararating lang. Ganun pa rin ang itsura niya ngunit tumanda ng kaunti ngunit maganda pa rin.

"Yo, sis." Tumayo si Angelo saka agad nilapitan ang ate niya. "I'll go now."

"No. You stay." Tinignan ni Zoe ang kaniyang pamangkin saka ngumiti. "Hello, Kyzer. Shall we talk?"

Tumango si Kyzer bilang sagot. Si Angelo naman ay bumalik sa kaniyang upuan at pinagpatuloy ang pagbabasa ng mga records. Si Kyzer at Zoe naman ay umupo sa couch na nasa loob rin ng opisina ng Principal.

"What gives, Tita?" tanong niya rito.

"I never thought that you can solve the case logically." Nakita nanaman ni Kyzer ang pumormang ngisi sa labi ng kaniyang tita. Nakakakilabot.

Medyo kumunot ang noo niya. "Well, tita. It's kind of natural. I've gathered all the facts that I know na related sa case at nakakabuo ako ng isang theory. So for me, it's natural."

"Sinabi ko sa mga magulang niyo na amin lang ito. Ngunit mahusay ka. Kakailanganin kita. Kakailanganin ko kayo. Well, except for Czarina and Ciel. Kailangan ko ang tulong ng The Nobodies. Ikaw na ang bahalang magsabi sa kanila. Payag ka ba?"

"Except for Czarina and Ciel?"

"Yeah. Si Czarina ang trump card ko at si Ciel ang trump card ng kalaban ko kaya sila lang dapat ang hindi masabihan nito. Para sa kanila ito."

"In the first place, tita. Bakit mo iniwan si Grace?" Hindi na napigilang magtanong ni Kyzer.

"Iniwan ko siya para magkrus ang landas ni Ciel at ni Czarina. Yun lang yun."

"A-Ano? Pero bakit?"

Tumawa ng mahina si Zoe. "You know, this is not some kind of story na tandhana ang pinaiiral. Itong istoryang ito, ako ang nagmamanipula. Kontrolado ko ang mga nangyayari at mangyayari. Surprised?" Ngumisi nanaman siya. Natigilan si Kyzer. Hindi niya lubos akalain na ganito ang tita niya. Hindi niya akalain na hindi lang siya ordinaryong tao. Iba siya. Ibang iba.

Naalala niya lahat. Iniwan niya si Grace. Sinadya niyang malugi ang kompanya nila para lang 'roon? Sinadya niya na magalit si Grace sa kaniya para magkrus ang landas ng kapatid niya kay Czarina? Planado lahat ito? Ngunit paano? Walang normal na tao ang kayang gumawa nun.

TEQ2: 10 Ways To Become EmotionlessTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon