Third Person's POV
"Are you sure about this, Zar? Di ka pa handa eh. Yang nararamdaman mo-"
"Onii-san." Pagputol ni Czarina sakaniya, "You trust me, right? I can manage this."
Hindi parin ma-convice si Kyzer ang kapatid. Nagaalala siya sa kapatid niya. "B-But still-"
"Ba't di nalang ikaw ang lider ng grupong ito, kuya? Nung una dapat ikaw talaga eh. Pero pinasa mo sakin kasi ayaw mo. I'm just being responsible, onii-san. This has nothing to do with my situation right now. I can handle this."
"Zar. Your emotions are not stable right now and you think you can handle it? Yes. I believe in you. You know that. But you can't handle this by yourself." Kyzer looked miserable. Ayaw niyang mapahamak ang kapatid niya... ayaw niyang mangyari ang nangyari noon.
"Fine. Sumama kayo. Pero wag kayong mangialam sa laban. Laban ko ito." Seryosong sabi ni Czarina saka tumingin sa harap ng salamin. Napakaseryoso ng mukha niya. Makikita mo ang galit sa kaniyang mga mata. Desidido siyang baguhin ang personalidad niya. Lahat ng sinabi ni Ciel sakaniya ay tumatak sa kaniyang utak. Pagtitiis at determinasyon... dapat taglay niya ang mga ito para magbago.
Napapikit si Kyzer ng mariin. Iniisip niya kung bakit napaka-stubborn ng kapatid niya. Napahinga siya ng malalim, "Oo. Di kami mangingialam basta pag may nangyaring masama, kahit pigilan mo kami, mangingialam kami."
"Oo." Ngumisi si Czarina saka pumasok sa walk-in closet ng kaniyang ina. Kinuha niya ang katana saka ito hinaplos. Sword Duel ang magaganap. Labanan ng dalawang lider. Minsan lang sumabak sa laban si Czarina dahil ayaw niya masyado ang labanan. Lagi niyang iniisip, maraming masasaktan. Saka lang siya sumasabak pag siya ay nasa mood makipag-away o kaya kung may nanghamon sakanila.
"Sis. There will be blood. Are you really sure?" Pangungumbinsi ni Kyzer sa kapatid.
"I know I hate blood. But that doesn't mean it can stop me from fighting, right?" Sabi ni Czarina sakaniya saka inilagay ang katana sa likod niya.
"Bahala ka na nga. Ang hirap mong kumbinsihin." Masungit na sabi ng kuya niya saka umalis. Natawa ng mahina si Czarina. Mabilis talaga magbago ang mood ng kaniyang kuya.
Lagi silang sinasanay ni Raphaela sa pakikipaglaban simula nung bata sila. Kaya lumaki silang matapang. Pero ang kahinaan nila ng kuya niya ay pareho... at ito ay pamilya. At parehas silang ayaw mapahamak ang isa sakanila. Napangiti nalang si Czarina.
"Onii-san." Sabi ni Czarina sa sarili niya, "Sorry for disobeying you again. Ayoko lang na mapahamak ka. Pati sila mommy at ang buong barkada."
----
Agad tumakbo si Czarina palabas ng bahay nila. Inunahan niya ang kuya niya pati ang buong barkada. Alam din ito ng mga magulang nila kaya aware sila sa laban ni Czarina na magaganap mamaya.
Sumakay agad siya sa motorbike ng kuya niya at nagsuot ng helmet saka pinaharurot ito. Sa Open Field magaganap ang laban. Ang lupang iyon ay binili ng pamilya ni Raphaela para sa gang nila. At dahil ang grupo nila Raphaela noon ang pinakamataas sa iba, bumili ng lupa ang ama ni Raphaela at pinaubaya ito kay Raphaela. At si Raphaela naman pinaubaya niya sa mga anak niya ang lupang iyon.
Dun gaganapin kung may labanan sa bawat lider o agawan ng mataas na pwesto. O kaya kung may gustong lumaban sa pinuno ng The Nobodies.
Nakarating agad si Czarina sa Open Field. Maraming naghihintay na ibang grupo dun. Medyo nagtaka si Czarina kasi usually di lang isa ang nanghahamon sakaniya.
Natahimik ang buong lugar nung pumasok siya hawak hawak ang katana niya. Napakaseryoso ng mukha niya. Walang bahid na kasiyahan. Puno ngayon ng galit ang mga mata niya.
BINABASA MO ANG
TEQ2: 10 Ways To Become Emotionless
ActionI was betrayed because I was kind. They thought it's ok with me if they hurt me because I always smile. Telling them it's fine but the truth is I'm not. Yeap. I have many friends. But they are not real. They're just there when they need something. I...