Chapter 17~ Mr. Know It All

2.7K 59 0
                                    

Third Person's POV

Isang napakalakas na putok ng baril ang narinig mula sa kawalan. Lumingon si Kyzer sa pinanggalingan ng tunog. Nakatayo sa harap niya si Maxene, walang emosyon ang mukha nito, napakalamig ng mga mata nito. Hawak hawak niya ang baril. Balak nga talaga ni Maxene ang patayin si Kyzer.

Imbes na manginig sa takot ay ngumisi si Kyzer. "What is it now, two-faced lady?" nangaasar na tanong nito sa kaniya. "So you really want to kill me, huh?"

Napalitan ng takot ang kaninang walang emosyon niyang mukha. "Hindi ko ito ginusto, Kyzer. Hindi ako ganito kasama!" wala sa sariling sambit niya. Napahawak siya sa kaniyang ulo kasabay ang pag-upo niya sa lupa. Nabitawan niya ang baril na hawak niya.

Natigilan si Kyzer. "Anong ibig mong sabihin?"

"Pag hindi ko ito ginawa, mamamatay ako. Pag hindi ko ito ginawa, pati pamilya kong walang kinalaman madadamay. Pero di ko kaya. Di ko kayang pumatay." Luha. Kusang tumutulo sa mga mata niya. Mga matang halo halo ang emosyon. Hindi akalain ni Kyzer na iiyak sa harap niya ang isang Maxene.

"Ibang klase ang kalaban niyo." Tinitigan niya si Kyzer sa mata. "Magaling ang kinakalaban niyo," pag-uulit niya.

Ang pagkagulat niya ay napawi. Ito ay napalitan ng malamig na tingin. Alam na niya ang nangyayari. "Alam ko. Hindi ako tanga, Maxene. Alam ko ang bawat galaw ng kalaban namin. Hinahayaan ko lang ang sila." Tinitigan niya ang mga mata ni Maxene. "Iba rin ang kinakalaban niyo kaya mag-ingat din kayo."

--------

"Kailangan ko lang manipulahin ang emosyon niya upang tayo ang sundin niya." Ngumisi si Grace saka tinignan ang kaharap. "Tama ba, Niel?"

"Ikaw, Grace. Kung iyan talaga ang gusto mo, sige lang." Ngumiti ng tipid si Grace saka tinignan ang chess board nito. Katahimikan ang nanaig sa kanilang dalawa. Nag-iisip ng kung anong pwedeng gawin upang siya ang manalo sa laro.

Zoe. Pawn? Seriously? You really underestimated me, huh? Ciel is my knight and I will definitely kill your king by using him. Napangisi na lamang si Grace. Hindi niya akalain na si Ciel na minsang umayaw sa pagpatay sa king ang mismong gagawa nito nang di niya napapansin.

Napangisi si Zoe sa kabilang banda. Ang pawn ang ni-move niya sapagkat ito ay ang babaeng kasama niya ngayon. "Dalawa lang ang tao sa mundong ito: Ang manggagamit at nagpapagamit. Wag kang mag-alala, Ria. Hindi kita gagambalain. Gawin mo ang gusto mo. Ginagamit lang kita," tanging bulong niya sa isip. Tinawagan niya ang babae kasabay ang pagngisi nito. Hindi ako tanga, Ria. Alam ko ang ginagawa mo.

Binasag ng katahimikan ang pagtunog ng cellphone ni Niel. Nagising sa pagmumuni si Grace saka tinitigan ito. "May balak ka bang sagutin yan?" tanong niya dito.

Tinignan ni Niel ang phone screen niya, lumaki ang mga mata nito. "Grace. I think I'll go now. See you," sabi niya saka nagmadaling lumabas sa opisina ni Grace. Tumaas ang kilay niya. Kakampi ba siya o hindi?

"Zoe," bungad ni Niel sa phone.

"What took you so long?" naiirita na tugon ni Zoe sa kabilang linya.

"Sorry, Zoe. May ginawa lang ako," palusot niya.

"Ria. I know what you are doing. You're with Grace, right?" Kahit hindi siya nakikita ni Niel, alam niyang nakangisi ito.

"Yes. I'm with her. But I'm not a traitor, Zoe. I'm spying her, for you," sabi niya sa kausap.

"Oh. Why didn't you tell me in the first place?"

"U-Uhhh. Do I have to?" Kinakabahan si Ria sapagkat nahuli na talaga siya sa akto.

Tumawa siya ng mahina. "No. You have your own private life. I don't have the right to interfere. Take care," sabi niya saka niya pinutol ang koneksyon.

TEQ2: 10 Ways To Become EmotionlessTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon