Chapter 5~ Change For The Better

6.3K 103 1
                                    

Ciel's POV

"Ba't kaya ganun si Zar noh? Boyish siya pero ang daming umaaligid na lalaki sakaniya. Maraming nagkakandarapa sakaniya. Sabagay. Maganda naman siya." sabi nung babaeng di ko kilala. Napatingin ako sakanila. Why would I care anyway? I warned her about her other friends but unfortunately, she's stubborn. That's the first thing I hate about her: She's way too nice.

Napailing ako saka napangisi. Iba na talaga ang mga tao ngayon. Akala mo kung sinong mabait. Pag nakatalikod na sobrang sama na nila.

Nakita ko ang mukha nung babaeng laging nakakausap ni Monzia. Kaibigan niya ata? Halata sa mga mata niya ang inggit at galit. Napansin ko si Monzia na papalapit sakanila. Napagisi ulit ako. Huli kayo.

"Hmm? Si Zar? Ang pangit ng ugali nun. Akala mo kung sino. Porke anak ng Principal." May halong galit na sabi niya.

"Way to go. Ginalit mo si Lesbiana." umiiling na bulong ko.

Alam kong nahalata nung isa na may nakikinig sakanila kaya agad niyang dinepensahan si Monzia. "Grabe naman Yui. Di naman ganun si Za-"

Hn. What a pretender.

"Ganun na pala tingin mo sakin?" sabi ni Monzia saka lumabas sa likod ng puno. Minsan talaga tanga yang babaeng yan. =___= Sana pinakinggan muna niya. Masyado siyang nagpapadala sa emosyon niya.

Nabigla sila saka napatingin sakaniya. Lumaki ang mga mata nung babaeng inis na inis kanina. Napalitan ng takot ang kaniyang mga mata "A-Ah-"

"Idiots." bulong ko saka ko iniwas yung tingin ko. Madami nang nakatingin sakanila. Di na nila napapansin.

"So all this time plastic kayo sakin? Anong dahilan? Anong dahilan niyo para sabihan ako ng kung anu-ano sa likod ko?" seryosong saad ni Monzia. Maluha luha ang kaniyang mga mata. Nakaramdam ako ng kirot sa puso ko. Takte. Ano to?

"I warned you Monzia. I warned you." bulong ko

"Z-Zar. L-Let me ex-" sabi nung isa pang babae

"Dahil ba di ko kayang ibigay ang number ni Kenzie sayo kaya ka naiinis sakin Yui?! Alam mo ok lang namang ginagamit niyo ako eh. Ganun naman palagi, diba? Pero di ko akalain na kaya niyong sabihin yan sa likod ko! Akala ko tanggap niyo ako. Akala ko iba kayo sakanila. Pareparehas lang pala kayong lahat." Unti unting tumulo ang luha niya at tumakbo paloob sa bahay nila. Lahat sila nagbubulungan. Yung mga babae naman ay sobrang nabigla. Di nila alam kung anong gagawin nilang palusot? Nakaramdam ako ng inis.

Agad kong sinundan si Monzia. Di ko alam. Diba dapat wala akong pakialam? Buhay niya ito. Pero bakit ganito ang nararamdaman ko? Bakit parang gusto kong tulungan siya? Tss. Bahala na.

Nakita ko siyang nakadapa sa sahig. Lalapit na sana ako para tulungan siya pero naunahan ako. May bumunggo sakin. Si Sir Nightshade. Kasunod ang ate niya... nakaramdam ako ng inis. Oo pala. Kapatid niya si Zoe Nightshade. Muntik kong makalimutan. Nasa pamamahay ako ng mga Nightshade.

"ZAR! ANONG NAGYARI?!" sigaw niya saka inalalayan ang anak niya. May ibinulong si Monzia sakaniya. Naging seryoso ang mukha niya.

Umalis na ako dun. Ano pang maitutulong ko, diba? Sumakay na ako sa sasakyan ko saka pinaharurot ito. Ilang minuto pa'y nakauwi na ako.

Bumungad sakin si ate. Seryosong seryoso ang tingin niya. "What?" malamig kong sambit

"I need to talk to you."

"Kung yung sasabihin mo kaparehas ng sinabi mo sakin dati... wala akong balak pakinggan. My decision is final. You can't change my mind." malamig kong saad sakaniya saka linagpasan siya

TEQ2: 10 Ways To Become EmotionlessTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon