Ciel's POV
"Aish," sambit ko habang sinusubukang alisin ang ulo ni Monzia sa braso ko. Tulog pa rin siya hanggang ngayon. Napangiti na lang ako. Para siyang anghel matulog, ang bait. Pero pagkagising, siya nanaman ang pinaka-stubborn na kilala ko. Manhid na ang braso ko kaya iniangat ko muna ang ulo niya.
Gabi na. Wala na ang araw. Alam ng mga kabarkada ni Monzia na nandito kami natutulog. Ni-text ako ni Yves na pinaalam na daw nila kami. Kababasa ko kaninang pagkagising ko. Nang naalis ko ang ulo niya sa braso ko, sinubukan kong buhatin siya. Napapikit ako sa sobrang bigat niya.
"Iuuwi na kita sainyo," bulong ko sa kaniya.
Aamin na ako. Oo. Gusto ko talaga siya. Siguro simula nung nakita ko siya. I was just denying it in the first place. Nung nahuli ko siyang nakatingin sa akin, hindi mali. Nung nakita ko siyang nakadungaw sa bintana na katabi ko. Nung nakita ko siya sa harap ng bar ng kaibigan kong si Wade. Nung hinalikan ko siya sa pisngi. Nung nagpasama ako sa kaniya na i-tour niya ako dito sa eskwelahan. Lahat ng iyon.. hindi ko kinalimutan. Since then, nahulog na talaga ako sa kaniya. Gusto ko siyang protektahan. Gusto ko siyang yakapin. Gusto kong makita yung totoong ngiti niya. Ayokong mapahamak siya. Ayokong mapahamak kami.
Totoo ang sinabi ko sa mama niya. Walang halong biro yun. Si Monzia, ilang beses ko siyang sinabihan noon: Paano kung papatayin ko siya. Bakit niya ako pinagkakatiwalaan kahit minsan pa lang niya akong nakausap. Lahat ng iyon sinagot niya ng walang hesitayon. Mas lalo akong umatras sa plano.
Siguro kung sinunod ko ang ate ko na wag siyang lalapitan, matagal na siyang patay. Kaso hindi ganun eh. Nung una ko siyang nakita, naging hesitant ako. Sinubukan kong lumayo pero I just can't leave her alone. Napansin ko ang pagbabago niya. Kung dati, makarinig siya ng bulungan tungkol sa kaniya, bigla siyang manginginig, bigla siyang iiyak. Pero kanina nung narinig niyang pinag-uusapan niya, walang reaksyon.
Nadungisan na ang kamay niya. Nadungisan na ng dugo. Siguro pati sa dugo, takot siya. Alam kaya ng mga makakalaban niya iyon? Ako ang kinakabahan para sa kaniya sa mga mangyayari.
"Hmm," daing niya. Napatingin ako sa kaniya habang naglalakad papuntang bahay nila.
"Shh. Monzia, sleep." Minulat niya ang mga mata niya saka ako tinignan sa mata. Ngumiti siya ng tipid. "Pati ba naman sa panaginip ko ikaw pa rin ang nakikita ko?" mahinang sabi niya.
"B-But Mo-" Natigilan ako sa paglalakad. Idinampi niya ang labi niya sa labi ko. Ilang segundo ang lumipas, pakiramdam ko bumagal ang pag-ikot ng mundo kasabay ang mabilis na pagtibok ng puso ko.
"Sa panaginip, hindi ka dapat nagsasalita," bulong niya nang magkahiwalay ang labi namin. Ipinikit niyang muli ang mga mata niya at tuluyang nakatulog.
Napako ako sa kinatatayuan ko pero agad bumalik sa realidad. Naglakad muli ako papuntang bahay nila. Hindi ko alam pero abot langit ang ngiti ko ngayon. Ibang klase talaga ang babaeng buhat buhat ko ngayon.
Nakarating kami sa bahay nila. Hindi ko naramdaman ang pagod dahil sobrang bilis pa rin ng tibok ng puso ko. Baka nga pati itong mukha ko namumula. Tangna. Ang bading. Nakita kong naghihintay si Zoe Nightshade sa harapan ng bahay nila. Sumeryoso ang ekspresyon ko. Siya ang dahilan kung bakit nagbago ang ate ko.
Nang makita niya ako, sumilay ang ngiti sa labi niya. "Hello, Ciel," bati niya sa akin. Tinignan ko lang siya. Agad lumabas si Kyzer saka kinuha sa akin si Monzia.
"Thanks, bro. See you tomorrow," sabi niya. "And by the way, gusto kang makausap ni Tita ko."
Tinignan ko si Monzia hanggang sa mawala sila ni Kyzer sa paningin ko. Tinignan ko ang kalaban ng ate ko. "What do you want?" malamig kong sambit.
BINABASA MO ANG
TEQ2: 10 Ways To Become Emotionless
ActionI was betrayed because I was kind. They thought it's ok with me if they hurt me because I always smile. Telling them it's fine but the truth is I'm not. Yeap. I have many friends. But they are not real. They're just there when they need something. I...