Chapter 24~ Battle of Superiors I

2.9K 53 3
                                    

Third Person's POV

First Day of the Event

"Zar, sabi ni daddy ipasak mo ito sa tainga mo. Kailangan mo daw ito," sabi ni Tristian saka ibinigay ang earphone sa kaniya. "Maririnig mo kami dito kaya h'wag kang mabahala."

"Thanks Tristian. Tagal mong di nagpakita a," sabi ni Czarina saka ipinasak ang earphone sakaniyang tainga. Isa lang talaga siya at wireless kaya hindi halata.

"Nah. I've been busy. Hindi ko nga nalaman ang mga pagsubok mo e." Ngumiti si Tristian saka ginulo ang buhok ng pinsan.

Kumunot ang noo ni Czarina. "Busy saan?"

"I've been helping your brother solve the case," sagot niya.

Tama. Pero hindi rin iyon ang dahilan. Lagi niyang sinusundan si Maxene. Lagi niyang minamanmanan ang babaeng iyon dahil iyon ang sabi sa kaniya ni Kyzer. Pero kapag nagtanong si Czarina kung bakit nawala siya, ang isasagot niya tinutulungan niya si Kyzer sa kaso.

"Nah. Tristian. Anong alam mo dun?" natatawang sabi ni Czarina.

"Minamaliit mo ako ah. Mag-focus ka sa laban!" Binatukan siya ni Tristian pero mahina lang. Napailing na lamang si Czarina.

"Anong akala mo sa akin? Masyado mo ata akong minamaliit, Haruno. May dugo rin kaya akong Haruno!" pagmamayabang ni Czarina habang ngingisi ngisi.

"Hn. Langya ka, Czarina." Napangiti si Trisitan saka inakbayan ang pinsan. "Tandaan mo ito, kahit anong mangyari sa'yo, naririto lang kami."

Napangiti ng malapad si Czarina. "Alam ko iyon, insan."

"Andiyan na sila Yves. Magpalit ka na ng damit mo sa kwarto mo. Alam mo na ba ang pagkasunod-sunod ng pagsubok mo?"

"Hindi pa. Malalaman lang dun sa OF saka agad sisimulan ang una. Pero nung nagtrain ako, ganun din ata ang pagkasunod-sunod."

Tumango na lamang si Tristian. "Czarina, win this."

"Hoy kayo! Sinong nagsabi na magdaldalan kayo diyan? Isang oras na lang bago yung event! Czarina, magpalit ka na!" bungad ni Yohan sa kanila.

"Kailan ka pa naging ganiyan, Yohan?" natatawang biro sa kaniya ni Yves na kasunod niya lang kasama ang buong barkada.

"Oh Tristian!" Sinalubong nila ng apir ang kaibigan na nedyo matagal na hindi nagparamdam.

"Kumusta si Max-" Agad tinakpan ni Kyzer ang bibig ni Kenzie. Napataas ang kilay ni Czarina. "Czarina," tawag ni Kyzer sa kapatid,"magpalit ka na."

Agad nilang tinulak si Czarina papasok sa kwarto niya. Nagkibit balikat na lamang si Czarina saka pumasok sa banyo.

Sa sala naman tumambay ang magbabarkada. Inis na tinignan ni Yves si Kenzie. "Kenzie! Bakit ba kasi ang ingay mo?!" mahina pero may diin sa boses niya.

"Sorry na," mahinang bulong ni Kenzie.

"Hayaan mo na, Yves." Tumingin si Kyzer kay Tristian. "Kumusta siya?"

"Hindi niya ako napapansin tuwing sinusundan ko siya. May kasama siyang babae," sagot niya saka seryosong tumingin kay Kyzer, "tama ang hinala mo, Kyzer."

Nabigla silang lahat. "Ibig sabihin, buhay pa si Seina Luna." Napahawak si Kyzer sa hibla ng buhok niya sa kaniyang noo. "At yung Lieselotte na nabanggit ni Shayne Luna at si Seina ay iisa."

"Oo. Si Maxene, pakiramdam ko wala na talaga siyang intensyong gawin ang pinapagawa ng kalaban kay Czarina. Pakiramdam ko napapansin niya ako pero hindi niya ako pinapansin," saad ni Tristian habang nakatingin sa kaniyang mga kamay. "Ibinigay rin ni Maxene sa akin ang biodata ni Seina. Hindi ko rin alam pero ang sabi niya, 'Makakatulong ito. Totoo niya itong biodata, hindi ito fraud.' Kyzer. Ang buo niyang pangalan ay Seina Lieselotte Arugay Luna. May dalawa siyang kapatid, siya ang bunso. Yung sinabi mong Shayne Luna, ate niya iyon."

TEQ2: 10 Ways To Become EmotionlessTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon