Chapter 30~ Defying the Odds

2.4K 60 3
                                    

Third Person's POV

Hindi na pumasok si Czarina pagkatapos nilang mag-usap ng kaniyang nanay. Mugtong mugto ang mga mata nito sa kaiiyak at alam niya sa sarili niya na hindi nakatulong iyon sa kaniya.

"Fudge," tanging bulong niya sa sarili niya. "Kung alam ko lang na walang kwenta ang pagbabago ko, di ko na sana ginawa."

Nakatulala siya sa kisame ng kaniyang kwarto habang iniisip ang mga nangyari kanina. Nagising siya sa realidad nang may kumatok sa pintuan ng kwarto niya.

"Sis," sabi ni Kyzer mula sa labas.

"Pasok, bro." Umupo mula sa pagkakahiga si Czarina kasabay ang pagbukas ng pintuan ng kaniyang kwarto. Pumasok ang kaniyang kuya at umupo sa higaan nito.

"Kailangang malaman mo ang katotohanan, sis." Napakunot-noo si Czarina. Wala siyang ideya sa sinasabi ni Kyzer.

Tumingin si Kyzer deretso sa mga mata ng kapatid niya. "It's about Ciel," dagdag niya.

Iniwas ni Czarina ang tingin niya sa kaniyang kuya. "Hindi na dapat natin siya pinag-uusapan, kuya. Masakit masyado."

"He loves you so much, Zar."

Napatingin si Czarina sa kaniya. "Kuya, siya na mismo nagsabi sa akin na hindi niya ako minahal. Nanggaling mismo sa kaniya, kuya." Ayaw na niyang umasa pa. Ayaw na niyang masaktan pa. Sa totoo lang, hanggang ngayon, nasasaktan pa rin siya dahil akala niya mahal siya ni Ciel at walang halong kasinungalingan iyon. Nasanay siya na laging nandiyan si Ciel para sa kaniya.

"Ginawa niya iyon, para sa'yo. Alam mo ba na kung hindi siya lumayo sa'yo, Zar, mamamatay ka?" Hindi umimik si Czarina, bagkus ay hinintay niyang magpaliwanag ang kuya niya. Alam niya kasi na maraming alam si Kyzer.

Bumuntong hininga si Kyzer at sinabi lahat ng nalalaman niya sa kapatid: Ang plano ni Grace, ang pagkakasangkot ni Czarina sa mga plano ng kalaban, ang tunay na dahilan ni Ciel. Hindi niya mabasa ang emosyon sa mga mata ni Czarina. Simula noong nagbago ang kaniyang kapatid, mahirap na siyang basahin.

Natigil si Kyzer sa pagsasalita nang tumulo ang luha ng kaniyang kapatid sa kaliwa nitong mata. "Kailan?" bulong niya.

Kinagat si Czarina ang kaniyang labi hanggang sa dumugo ito. "Kailan ko sinabing protektahan niya ako? Kailan ko hiniling sa kaniya na gusto ko ng normal na buhay? Una pa lang, hindi na normal ang buhay ko! Simula noong pumatay ako, hindi na naging normal ang buhay ko." Humagulgol si Czarina. Sa pangalawang pagkakataon, umiyak muli siya. "A future without him means nothing to me," mahinang bulong niya kasabay ang pagyuko niya.

Niyakap siya ni Kyzer. "Sshh. Why don't you tell him how you really feel, sis?"

Pumorma ang ngisi sa labi ni Kyzer saka niya binaba ang tawag. Narinig lahat ng iyon nila Xyla. Oo. Planado lahat ng ito ni Kyzer at Xyla. Ang kailangan na lang nila ay si Ciel.

Hindi naman na alam ni Czarina ang gagawin dahil sa mga nalaman niya. Akala niya hindi talaga siya minahal ni Ciel. Hindi na niya alam kung ano ang dapat paniwalaan, kung sino ang dapat kampihan. Iyon ba ang dapat niyang ipaglaban? Kailangan niya ba talagang ibuwis ang buhay niya para sa pagmamahalan nila ni Ciel? Ano nga bang mas importante sa kaniya? Ang buhay niya o si Ciel?

Maraming tanong ang nilikha ng isip niya kaya mas lalo siyang naguluhan. Tumayo siya sa kaniyang kama at tumakbo palabas ng kaniyang kwarto. Hindi niya alam kung saan siya pupunta. Gusto niyang manakit ng tao dahil sa sobrang pagkalito. Ano ang kailangan niyang gawin?

Nagulat si Kyzer sa biglaang pag-alis ng kapatid niya. Napangisi na lamang siya. "Well, life can be unpredictable sometimes, so is my sister," bulong niya sa  sarili kasabay ang paglabas niya sa kwarto ng kaniyang kapatid. Wala siyang balak habulin si Czarina dahil kailangan din niyang mapag-isa. Sa mga nalaman niya ngayon, talagang maguguluhan siya.

TEQ2: 10 Ways To Become EmotionlessTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon