Chapter 26~ Conquer Your Fear

1.8K 52 0
                                    

Czarina's POV

"Bakit kailangang gabi gaganapin ang huling pagsubok?" tanong ko sa mga kasama ko ngayong tanghali. Lumiban kami sa klase dahil pagod ako. Tinamad naman silang pumasok. Si Ciel naman, may pinuntahan daw. Napansin ko na may bumabagabag sa kaniya. Ayaw nga niyang sabihin sa akin.

"Kasi Zar ano, ganun kaimportante ang huling pagsubok kaya kung ako sa'yo, tatatagan ko ang loob ko!" sabi ni Yves saka inakbayan ako. Isinama niya ang bigat ng katawan niya kaya mabigat.

Bigla nila akong dinumog ng yakap. Nagulat ako kasi nakita ko na malungkot ang ekspresyon nila. "Guys," bulong ko.

"Zar, kahit anong mangyari hindi ka namin iiwan. Kaya you need to survive. Itong huling pagsubok, titirahin ka emotionally." Yves

"Tandaan mo na nandito lang kami para sa'yo."

----------

"Ang pinuno ng The Nobodies ay papasok dito sa madilim na bahay na ito upang kaniyang matapos ang lahat ng pagsubok. Tutal, sa lahat ng nakaraang pagsubok, hindi siya natalo, siya ang gagawa sa huling pagsubok!"

Ito ang hirap kapag kayo ang pinakamataas sa lahat ng gang e. Ni di kami mahilig makipagbugbugan. Sarap tadyakan. Daya nila.

Nandito kami sa harap ng papasukan kong bahay. Madilim na at nakita kong dim ang ilaw sa loob. Ni hindi ko alam ang huling pagsubok.

"Haharapin ni Ms. Nightshade ang kaniyang kinatatakutan. Nasa loob ang apat niyang kaibigan. Kailangan niyang mailabas sa loob ng isang oras ang mga kaibigan niya. Kung nag-exceed ang oras na nasa loob siya, talo siya."

Ang dali lang pala. Ilalabas ko lang sila. E bakit mukhang kinakabahan ang mga kaibigan ko? Haharapin ang kinatatakutan ko?

"Ms. Nightshade, your time starts now!" Agad akong pumasok sa loob ng bahay. Natigilan ako. Ang daming nakakalat na dugo. Nanginig ang katawan ko sa takot. Kaya pala. Biglang lumitaw sa isip ko ang senaryong hindi ko makalimutan kahit anong gawin ko. Buhay pa si Seina. Ibig sabihin, nakapatay ako ng inosenteng tao na walang kinalaman sa gulo. Nanlambot ang tuhod ko saka ako napaluhod. Namantyahan ang jogging pants ko dahil sa dugo na nasa sahig.

"Mamamatay tao!"

Tumigil ang pagtibok ng puso ko nang marinig ko iyon.

"Wala kang kwenta!"

Napapikit ako saka ko tinakpan ang magkabila kong tainga.

"Dapat sa'yo mamatay!"

"TAMA NA!" sigaw ko saka tumayo at nagsimulang tumakbo. Asaan ka Sizon? Bakit hindi kita naririnig? Sizon, kailangan kita.

Hindi ko na alam kung ano ang gagawin ko. Hindi ako pwedeng lumabas nang hindi kasama ang mga ililigtas ko. Tama. Ililigtas ko sila. Kailangan ko silang iligtas!

Hinanap ko sila sa bawat kwarto na madadaanan ko. Hindi ko sila mahagilap. Nandito pa lang ako sa unang palapag ng bahay kaya siguro nasa taas sila. Oo. Tatlo ang palapag ng bahay na ito: Madilim, maraming nakakalat na dugo, maraming nagbubulungan, maraming nanghuhusga. Hindi ko alam ang gagawin ko sa sobrang kaba.

Maiiyak na ako dahil pati ang hagdanan na aakyatin ko, maraming dugo. Dahan dahan ko itong inakyat. Paulit ulit na parang sirang plaka ang senaryo sa utak ko.

"Diba siya yung babaeng nakapatay sa anak ng mga Luna?"

"Oo, siya nga. Hindi ko alam na kaya niyang gawin iyon."

"Masama pala ang budhi niya. Akala ko hindi niya kayang gawin iyon."

Puro panghuhusga ang naririnig ko habang paakyat ako sa hagdanan. Unti unti akong nadudurog sa loob. Palakas nang palakas ang mga bulungan sa paligid. Lahat ng dadaanan ko napakaraming dugo. Napakalansa ng amoy. Tama sila. Mamamatay tao ako. Nakapatay ako ng tao na inosente. Nakapatay ako ng tao na ginamit lang rin ni Seina para masira ang buhay ko.

TEQ2: 10 Ways To Become EmotionlessTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon