Chapter 7 Plan

43 4 0
                                    

"Eula hoy eula bakit tulala ka na naman dyan anong iniisip mo?" Si kristy.

"Ha ano?" napabalik ako sa reyalidad ng tanungin ako ni Kristy, nagtataka ito sa naging reaksyon ko. "Uhm bigla lang may pumasok sa isip ko. Dahilan ko dito, habang nakatingin parin ako kay Katrina.

Nakatingin parin sakin si Katrina at naglalakad na rin ito ngayon papalapit sakin, Hindi ko alam pero bigla nalang gumalaw ang mga paa ko at nagulat nalang ako dahil nakatayo na ako at pinagtitinginan ng lahat.(It's just like that time. Masyado akong na startled at kusang gumagalaw ang katawan ko kesa sa isip ko.

   Wala na akong ibang maisip na dahilan ng mga sandaling yun kaya naman "Ma'am pwede ho ba akong pumunta sa school clinic medyo nahihilo po ako" yun nalang ang mga salitang lumabas mula sa mga labi ko.

Mrs guevarra: "ok go ahead you're not the type to make stories just to skip classes " You have a grade to Protect."

"Thank you po ma'am" at dali-daling lumabas na ko ng Classroom ngunit nagpaalam muna ako kay Kristy.

Pagdating ko sa clinic ay nakakita ako ng silhouette ng isang lalaki na nakahiga sa kama, nagpaalam muna ako sa nurse bago ako humiga sa katabing kama nito.

Pumikit ako.

Gusto ko nalang munang ipahinga ang pag-iisip ko para ma ready ang utak ko sa mga mangyayari ngunit hindi pa man umaabot nang dalawang minuto ang pagkakahiga ko ay biglang malakas na tumawa ang taong nakahiga sa kabilang kama. Sa umpisa ay hindi ko muna pinansin pero lalo lang yung lumakas ng lumakas hangang sa mapuno na ako.

"Pwedeng bang tumahimik ka dyan nasa clinic tayo" malakas na sigaw ko. Akala ko ay tatahimik na ito pero nagulat ako nang gumanti ito ng sigaw sakin.

"Pakialam mo ba, wala namang nagbabawal na hindi ako pwedeng tumawa dito sa clinic" pasigaw na sabi din nito.

"Wala nga pero mahiya ka naman, ang mahal ng bayad ng magulang mo dito para lang magtatawa ka lang dyan" pasigaw pa rin na sabi ko.

"Ano bang pakialam mo sa buhay ko ha" sigaw parin nito.

"Wala, naaawa lang ako sayo. at napabuntong hininga ako. "bakit ba kasi nakipag sigawan pa ako sayo, sayang lang ang laway ko sa mga katulad mong wala pakialam sa pagaaral." medyo mahinahon ng sabi ko..

"Ano? nasasayang lang ang laway mo sakin bakit sino ka ba ha? pasalamat ka at babae ka kung hindi sinapak na kita."

"Hindi na ako magsasalita" nasabi ko nalang.

"Mabuti naman epal ka kasi" sigaw nanaman nito

Blag.

Napatigil kami ng kalabugin ni Nurse Annie ang desk nito. "Kayong dalawa gusto nyo na bang lumabas?"

"Sorry po Nurse Annie nadala lang ako ng emosyon ko. mabilis na sagot ko

Pero iba naman ang sagot ni Cj. "Lalabas na po ako Nurse Annie mababadtrip lang ako dito." at tumayo na ito.

Pagkaalis ni Cj ay tyaka lang lumapit sakin si nurse annie.

"Ikaw lang ang nakasagutan nya na sya ang unang umayaw ah"

"Hindi ako sure kung maipagmamalaki ko ho yon nurse annie"

Ngumiti ito "Oo nga pala kamusta ka na nahihilo ka pa ba?"

"Oho kaya nga ho ako nabwisit kay Cj dahil ang ingay-ingay niya at gusto kong magpahinga"

"Ganon ba? sige magpahinga ka muna dyan take your time Eula" at umalis na din ito

Kristy pov
Nagtaka ako nang biglang napatahimik si Eula nang makita nya ang transfer student na si Katrina Guevarra.

  Napatingin naman ako kay Katrina at nakatingin din ito kay Eula habang nakangiti.

  Dun pa lang ay naghinala na ako na magkakilala ang dalawa pero isa lang ang Katrina na naikwento sakin ni eula.

Ayoko sanang mag jump agad sa mga konklusyon, gusto ko munang siguraduhing tama ang hinala ko,pero nang biglang tumayo si Eula kanina ay na kumpirma ang hinala ko.

"Ma'am pwede ho ba akong pumunta sa school clinic medyo nahihilo po ako" nasabi na lang ni Eula. Nagpaalam ito sakin bago ito umalis at hindi ko na rin sya kinulit na mag stay dahil alam kong nagdadahilan lang sya.

Tinusok tusok ko ang pagkain ko ng tinidor.

   Recess na pero wala parin si Eula, wala tuloy akong kasama, Tumingin-tingin ako sa paligid at baka sakaling dumating na si Eula pero wala paring bakas kahit anino niya.


Naisipan ko nalang na kunin sa bulsa ko ang phone ko at nagsuot ng earphone. At habang namimili ako ng kanta ay biglang may lumapit sakin, at nagulat ako sa nakita ko. Si katrina.

Katrina: "pwedeng makiupo?"

kristy: "oo naman ok lang"

Katrina:" may itatanong lang sana ako sayo totoo bang close kayo ni eula?"

kristy: "oo naman hindi lang kami close we're best friends"

Katrina: "ganun ba so can you tell me what she's like, is she really bad tempered?"

Kristy: "Oo masungit sya pero mas gusto ko yun kasi hindi siya plastic, by the way bakit ka nga pala tanong ng tanong tungkol sa kanya?"

Katrina: "Uhm wala naman, curious lang ako, narinig ko kasi na sya ang pinakamatalinong studyante dito."

Kristy: "kung ako sayo hindi nako mag-aabala, wala namang interesanteng pangyayari sa buhay ni Eula"

Mag sasalita pa sana si katrina nang biglang lumapit si Cj samin at inabutan kami ng tig isang coke na nasa can.

Ayaw ko sanang tanggapin pero mapilit si Cj kaya naman kinuha ko na. Napilitan din si katrinang tanggapin yun.

Hawak na namin yung inumin pero hindi parin umaalis si Cj. "Bakit nandito kapa?" Tanong ko kay Cj.

"Buksan mo na." sabi nito samin, At dahil alam kong mangungulit lang ito lalo ay  binuksan ko na ang akin.

  Sunod naman nitong kinulit si Katrina, at kahit ayaw ni katrina ay napilitan din ito tulad ko pero.

Pagkabukas na pagkabukas nito nun ay mabilis na tumalsik sa muka nito ang laman ng coke.

  Napatingin na lang ito kay Cj na mabilis na lumakad palayo.

Katrina: "Ma- mauna na ko Kristy magpapalit lang ako ng damit at maghihilamos" mahina at medyo nauutal na sabi nito.

Kristy: "Sige ok lang go ahead"

Ms. Temper Meets Mr.Psycho And Crazy GuyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon