Chapter 49 Hangover

5 3 0
                                    

Nagising si Cj ng makaramdam siya ng lamig sa buong katawan niya.

" Tumayo ka na nga diyang bata ka at alas dose na." napadilat si Cj at nakitang basang-basa na siya ng tubig habang nagdadak-dak naman ang lolo niya.

" Shit. Lo ano ba toh."

" Hindi ka ba naturuan ng dad mo ng maayos ha? alam mo bang habang may bisita kayo ay hindi dapat pwedeng mag-inom. Nang ginawa yan ng daddy pati narin ng tito mo ay pinaluhod ko sila pareho sa asin alam mo ba yun. maswerte ka at iba na ang panahon ngayon at yan lang ang ginawa ko sayo. maligo ka na at bumaba para kumain." pagkasabi non ay sa wakas umalis na ang lolo niya.

Pagpunta niya sa hapag-kainan ay ang dad niya lang ang nandon kaya naman tinanong niya ito kung nasaan ang lolo niya.

"Nasa kwarto mo pinapalitan yung foam na binasa niya. buti binuhusan ka lang non ng tubig. alam mo bang pinapaluhod pa kami non sa asin tuwing nag-iinom kami. "

"Sinabi niya nga ho." napapakamot ng ulong sagot niya dito.

"Huy huy". nagising si Tommy sa yug-yog sa kanya ni Kristy. "Tumayo ka na dyan at kakain na tayo. "

"Ha?"

Napangiti si Kristy sa reaksyon ni Tommy. "hindi na kita tatanungin maligo ka na diyan at bumaba." at lumabas din ito agad.

Nang makaupo si Tommy sa mesa ay agad siyang sinalubong ng galit na tono ng papa ni Kristy. "Bakit naglasing ka kagabi ha? Alam mo namang kasama mo si Kristy Diba?" Anong klaseng lalaki ka?

"Tsss tama na nga yan. ikaw din naman ganyan dati eh hindi naman kita sinumbong noon." Singit ng mommy ni Kristy.

"Oo nga dad tyaka wag mo na syang tanungin wala naman yang naaalala dahil lasing yan. "

"Sige ikaw ang magkwento samin kung anong nangyari."

"Hindi ko rin alam eh. Basta kasama niyang uminom si Carlo. "

"Carlo gutierez?" tanong ni Bryle.

"Oo bakit?"

"Ah wa-wala sige ituloy nyo lang"

At bumaling si Kristy sa papa niya. "Pa inimbitahan ko si Eula sa wedding."

"Ano? Alam mo namang hindi pwede diba?"

"Alam niya simula umpisa palang dad kinuwento ko sa kanya. tyaka ok lang naman kay Tommy. Di ba Tommy?"

At napatungo nalang siya." Eh isasama ko si Carlo. kristy. "

"Oo naman isama mo siya para may kasama ka din."

Cj.

Habang kumakain ay nagsalita ulit ang daddy ni Cj.

"Cj. Alam mo bang nasukahan mo ang kotse ng lolo mo?"

"Ha? Suka? ano ka ba naman dad kumakain tayo suka gusto mong pag-usapan."

"Hindi pa yun nalilinis kaya bilisan mong kumain diyan at ikaw ang paglilinisin namin ikaw ang sumuka non kaya ikaw ang mag linis. at tumayo na ang dad niya pagkasabi nito non.

Carlo.

" Ma hindi ko maalala kung bakit ako uminom kagabi.

"Hindi mo maalala? "

"Yes ma. "

Napangiti ang mommy niya." Hindi ko tuloy alam kung ano ba talagang dahilan at hindi mo maalala. paulit-ulit ka kasing nauntog kagabi."

"Nauntog?"

"Oo. sa unang pinto palang natin nauntog kana tapos sa pinto ng kwarto mo. Siguro mga limang tatlong beses kang nauntog ng paulit-ulit. hawakan mo yang ulo mo at baka makahanap ka pa ng maliliit na bukol. wahahhahaha. "

Tyaka nya lang nasapo ang ulo niya.

"Wag ka na uling mag-lalasing kung ayaw mong maranasan ulit yan." tumatawa paring sabi ng mommy nya.

Ms. Temper Meets Mr.Psycho And Crazy GuyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon