Chapter 45 Bad justice

6 3 0
                                    

"Bakit umiiyak ka rin ha?"naluluha pang tanong ko kay Kristy.

"Bawal ba ha? Eh nag alala ako sayo eh.?" sagot naman nito habang umiiyak parin.

"Ok lang ako besh". at ngumiti ako para narin tumigil na rin siya.

"Ano bang nangyari ha?"

"May nag lock sa kanya sa loob." Si Carlo na ang sumagot.

"Pe-pero bakit? mataray si Eula pero she never did anything bad kahit kanino."

"Hindi rin namin alam." sagot naman ni Carlo.

"Hindi ba dapat nating i-report sa police to? baka sa susunod kung ano nang gawin ng baliw na yun kay Eula." nag-aalala paring sabi ni kristy.

"Hindi na kailangan besh". ako na ang sumagot.

"Pero "

"I'm okay besh. kailangan ko lang ng pahinga."

Teka lowbat ka ba Eula? biglang singit ni carlo.

Oo ayaw nang bumukas kanina eh.

At dahil sa nangyari ay napagdesisyunan namin na sa susunod nalang ituloy ang pagtuturo ko kay Cj at umuwi nalang.

"Wag ka na munang mag jeep at ihahatid na kita." Si kristy.

"Ako nalang." Biglang singit ni Carlo." May pupuntahan din ako dun malapit sa kanila eh."

"Sure ka?"

At tumungo ito.

"Ikaw besh okay lang ba sayong si Carlo nalang ang maghatid sayo para mapabilis ka?"

"Ok lang sakin." sagot ko.

"Sigurado ka ha?"

"Oo sigurado ako"

At bumaling naman si Kristy kay Carlo. "Siguraduhin mong safe makakauwi si Eula . Magkakagyera pag may nangyaring masama diyan."

"Don't worry." sagot nito at inaya na ko nitong sumakay sa sasakyan.

Nabalot ng katahimikan ang buong kotse dahil parehas silang hindi mahilig mag-usap pero nabasag din yon ng malapit na sila sa bahay nila eula.

"Salamat kanina Carlo. Alam kong ikaw ang nakahanap sakin diba?"

"Hindi mo na kailangang magpasalamat."

"Still i want to thank you Carlo. kung hin- naputol ang sasabihin ni Eula ng napatingin ito sa labas.

"Ihinto mo Carlo."

Mabilis na nag preno si Carlo. binuksan agad ni Eula ang pinto at lumabas don.

"Hoy anong ginagawa nyo kay Biboy". biglang sigaw ni Eula pagkalabas nito.

"Ano bang paki mo ha ang tanda-tanda mo na nakikisali ka pa dito." sabi ng isang batang mga nasa labing dalawa ang edad.

"Hoy gusto mo ng kutos?" at bumaba si Carlo mula sa sasakyan.

Nang makita ng dalawang bata si Carlo ay mabilis na nagsitakbo ang mga ito. At Nang makaalis na ang mga batang hamog ay tyaka ko lang kinausap si Ciboy.

"Bakit ba inaaway ka na- naman ng mga batang yun ha Biboy?"

"Ewan ko po ate eula. basta pag dumadaan ako dito lagi nalang nila akong inaaway. "

"Eh bakit dumadaan ka pa dito eh lagi ka na nga nilang inaaway ha?. "

"Dito lang po kasi ang bilihan ng gamot. Pinapabili kasi ako ni mama ng gamot eh."

"Halika samahan ka na namin. alok ko sa bata at hinatid namin ni carlo si biboy papunta ng botika pero sarado iyon.

Nabalot ng takot ang mukha ng batang si Biboy nang makitang sarado ang botika. "Ano pong gagawin ko? Papagalitan ako ni nanay pag hindi ako nakabili ng gamot ate Eula. "

"Samahan ka namin bumili sa mall gusto mo?"

"Sa mall po?"

"Oo sa mall bili din tayo ng jolibee." at nginitian ni carlo ang bata.

Pagdating nila sa mall ay malaki na ang biniling gamot ni Carlo. Bumili din ito ng vitamins para hindi madaling magkasakit ang bata tyaka sila dumiretso sa jolibee.

Anim ang binili nito na take out dahil mukhang nagmamadali na si Biboy. At hinatid narin namin ito sa bahay nito. Ibinigay ni Carlo ang apat sa bata bago ito pumasok at umalis na sila. At ibinigay sakin ni Carlo ang isa pa pagkahatid nito sakin.

"Salamat dito ah pati na rin sa pagtulong mo kay Biboy." Nakangiting sabi ko. Halos nakalimutan ko na ang pangyayari kanina.

"Ikaw din kung wala ka baka hindi ko siya natulungan. "

At nagpaalaman nalang kami at pagtapos non ay umalis din agad ito.

Naglalakad ang batang si Jun jun pauwi sa kanila ng biglan syang harangin ng dalawang madungis na bata.

"Hoy akin na yang pera mo." Malakas na sabi ng mas malaking bata.

"Wa-wala po akong pera."

"Anong wala." at bigla siyang sinuntok nito. "akin na sabi eh."

"Pe-pero wala talaga." at sinuntok ulit siya nito.

Nang biglang may isang malaking lalaki na dumating.

Hoy kanina pa kayong dalawa kayo ah. At sinapak nito ang batang nangaaway sakin.

"Masakit ba? nanlilisik na sabi ni Carlo sa batang lalaki.

Pero walang naging tugon ang batang lalaki. kaya sinuntok ulit ni Carlo ang batang yon.

"Uulitin ko. masakit ba?"

At naluluhang tumungo ang bata.

"Kung ganon bakit mo to ginagawa ha? sagutin mo."

Ngunit walang naging sagot ang bata kundi ito.| Ayoko na po hindi na po ako uulit."

"Sigurado ka?"

"Opo."

Tyaka pinaalis na ni Carlo ang dalawang bata.

"Hoy anong pangalan mo." Tanong sakin ng matangkad na lalaki.

"Jun Jun po" sagot ko.

"Gusto mo ng jolibee?" At kinuha nito ang pagkain sa kotse nito at ibinigay sa akin.














Ms. Temper Meets Mr.Psycho And Crazy GuyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon