Chapter 29 Stairs of shock

8 3 0
                                    

   " Sino yan Ericka?" tanong din ni Carlo saktong pagkalabas nito ng kotse. "at tyaka bakit umiiyak ka?"

"Ah wala to Carlo."

   Inilibot ni Carlo ang tingin nito sa paligid at nakita nito sila Eula. "nakalabas na sila?"

"Oo at dahil yun dito kay Nick. Siya ang naglabas sa inyo sa police station" baling ko sa apat.

"Paano?" tanong ni Carlo.

"Well, hindi ko rin alam" sagot ko

"Kung ganon we should go" si Carlo parin.

 Uhm tingin ko nga. at napatingin ako kay Nick. "Aalis na kami thank you ulit."

"Sabi ko naman sayo hindi mo na ko kailangan pasalamatan" at ngumiti uli ito.

" Nick, do you still want my number? I mean after you saw my behavior kanina i guess you won't but I'm still offering it to you. "

" I'll take it" sabi nito. Tyaka iniabot nito sakin ang phone niya para i type ko ang number ko.

"Aalis na kami" paalam ko ulit ito bago ako sumakay sa sasakyan ni Carlo.

"Ok go ahead, ingat" pahabol nito. At humarurot na ang sasakyan paalis.

   Pagkalayo ng kotse ay tinanong agad ako ng apat kung anong nangyari at kung sino nga si Nick"

"Nakausap ko sya kanina sa dance floor ". Umpisa ko at ikinuwento ko na sa kanila ang totoong nangyari.

"So siya na ba ang ipapalit mo kay jp?" Si Camille.

"Ok naman sya." singit naman ni Eula.

"Oww never ka pang nag comment ng ok sa isang lalaki besh ah" Si Kristy.

 "Enebe kayo kinikilig ako."

"Gaga ang landi mo." si Nicole naman.

   Sa tapat ng school nagpababa sina Camille at Nicole samantalang dumiretso naman si kami papunta sa bahay nila Eula.

Nagtaka naman si Kristy" alam mo ang bahay nila Eula, Carlo? "

"Oo hinatid ko na kasi si Eula sa kanila noong nakaraan lang ayaw kasing magpahatid ni Eula kay Ericka noon eh. Nahihiya  siya kaya tinawagan ako ni Ericka para ako na ang maghatid kay Eula."

"That when noong dinalaw ka namin ni Eula sa inyo kaso wala ka" sabi ko naman.

Tungo naman si Eula bilang pag sang ayon.

"Kung ganoon alam na ni Carlo at Ericka na hindi ka mayaman?" Si Kristy.

"Si Carlo palang ang nakakaalam pero ngayon alam na din ni Ericka" sagot ni Eula.

"Ah so-sorry besh hindi ko ala- "

"Ok lang besh kaibigan naman natin si Ericka kaya ok lang na malaman nya na ang tungkol don, tyaka hindi na rin naman yun sikreto."

   Pagdating namin sa bahay nila Eula ay bumaba na ito pati na rin si Kristy habang nagpaiwan na kami ni Carlo sa loob ng kotse.

   Eula.

 Habang naglalakad kami ni Kristy ay natanaw na namin si Mama na nag aabang sa labas ng bahay.

" Bakit ngayon ka lang bata ka". Medyo may galit ng bungad ni Mama.

Si Kristy naman ang sumagot sa tanong ni Mama.

" Uhm may project kasi kaming ginawa tita, sorry at hindi kami nakapagpaalam manlang, wag nyo po sanang pagalitan si Eula."

"Hay nako kayo talagang mga bata kayo tataas ang presyon ko sa inyo."

"Sorry po talaga tita" si Kristy parin.

"Oo na hindi na ako galit." sabi naman ni Mama.

"Sa totoo nga po nyan hindi parin po ako umuuwi pero nandyan po sa labas ng eskinita ang driver namin."

"Ganon ba salamat sa paghatid kay Eula Kristy ah umuwi ka na at baka magalit na rin ang parent's mo sayo."

"Sige ho uuna na po ako. "

"Mag-iingat ka iha"

Kristy.

   Sabado 12 noon.

Kahit na ayaw kong magbihis ay pilit pa rin akong pinagbihis ng maganda ng mommy ko.

"Ma bakit kailangan pa nito eh peke lang naman yun di ba" medyo inis na sabi ko.

"Kahit na, kailangan presentable ka parin noh kailangan maganda ka malumanay na sabi nito.

"Bilisan mong mag ayos at naghihintay na sila sa baba." Narinig kong sigaw ni kuya mula sa di kalayuan.

"Oo na ayan na nga oh ." Sabi ko bago ko suotin ang dress na inihanda ni Mommy.

Pagkasuot ko ng Gown ay napahinga ako ng malalim, nasa baba na ang mga bisita namin more specifically ang magiging fake husband ko at ang pamilya nito.

Sobrang kaba ang bumalot sa buong katawan ko habang humahakbang pababa ng hagdan at nakayuko din ako dahil gusto ko na may element of surprise ako pagkakita ko dito.

  Pagkatapos kong makababa ng Hagdan ay iniangat ko na ang tingin ko upang makita kung sino nga ang taong susurpresa sakin at talagang na surprise ako sa nakita ko.

"Tommy?" bulalas ko sa pangalan nya.

Kri-kristy? at mukhang parehas pa kami ng reaksyon.

Ms. Temper Meets Mr.Psycho And Crazy GuyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon