Chapter 22 Ms. Temper and Mr. Psycho

13 3 0
                                    

Humanda ka na Eula, Nasabi ko sa sarili ko habang dahan-dahang bumubukas ang pinto ng kotse.

Ipinosisyon ko na ang mga paa ko sa pagtakbo

Habang unti-unting lumalabas sa pinto ng kotse ang isang lalaki. At nagulat ako nang makita ko kung sino ito.

"Carlo?"

Ngumiti ito ng makita ako.

" Bakit nandito ka? wag mong sabihing? "

"Tinawagan ako ni Ericka na puntahan ka dito, ayaw mo daw kasing magpahatid sa kanya " nakangiting sabi nito.

"Dapat pala nagpahatid nalang ako, hindi ka na sana naabala. " nahihiyang sabi ko.

"It already happened, tiyaka gusto ko ring tulungan ka sa mga nangyayari sayo ngayon sa school, about the gossips actually, get on"

Pagkapasok ko sa loob ay tinanong agad ako nito.

"So Eula, have you seen the pictures na kumakalat sa buong school?"tanong nito sakin.

"Oo naman. Ako kaya ang unang nakakita noon bago yun kumalat.

"So, you knew it already? Kung ganon? Bakit wala kang ginagawa? Kagaya ng hanapin yung nagkalat ng pictures?" Si Carlo pa rin.

"Hindi ko alam, pero sa totoo lang Carlo" ang mga pictures na yon, hindi pa yon ang pinakamalalalang nangyayari sakin ngayon. At si hindi ko malamang dahilan ay nginitian ko ito.

"You're as tough as you look Eula, it's impressive na hindi mo manlang gagantihan ang taong naninira sayo."

"Wala lang talaga akong oras para makipag away pa sa taong yun. I don't want to be as childish as her."

"Her? "

Ow fuck nadulas nanaman ako, paano ako makakalusot nito. "Uhm, Her, syempre Her diba? Boys wont resort to that kind of trick, haha.

"Well you got a point but-"

"Dito nalang ako sasakay nalang ako ng jeepney," putol kk sa sasabihin nito.

"Are you changing the subject?"

"Hindi ah, ayoko lang maabala ka masyado.

"You're just embarrassed na baka malaman ko kung saan ka nakatira?"

"Anong ibig mong sabihin?"

"That house in the picture. i remember we passed by that house noong hinatid kita."

"So alam mo na pala."

"It's ok Eula if i were you i'd do the same."

"Hindi mo na kailangan pang i comfort ako. "

"I'm serious Eula, i'll do the same at tyaka, hindi ba mas maganda yun? they can't look down on you just because of your financial background, you're so much better than all of them, like they can't even accomplish things that you already did"

"Magaling ka palang magpalakas ng loob, you're nice"

"Ikaw lang eh."

"So anong itatawag ko sayo. Mr. Nice guy?"

"Wag yun, nakakasawa na, gusto ko ibang kind of character naman, like light yagami"

"That psycho?"

" Uhm, yes that psycho"

"So ako si Ms. temper at ikaw si Mr. psycho, pretty messed up pairing. "

"Sounds nice haha"

Nang makarating na kami sa street namin ay mabilis na pumarada ito. At since hindi kasya sa isang maliit na eskinita ang kotse niya ay iniwan niya ito sa isang kanto.

"Salamat" hindi ko napigilang lumabas mula sa bibig ko ang mga salitang yun ng maihatid na nito ako aa tapat namin.

"It's nothing Eula, go inside gabi na" muli at nakangiting ganti nito.

"I will, pero mag iingat ka sa eskinita maraming mga butas diyan at tyaka wag kanaring magtagal at baka mapagtripan ka ng mga tambay"

Ngumiti ito sakin tyaka nagsalita.

" Sila ang dapat mag-ingat sakin, I'm Mr.psycho right? " and afer that ay ngumiti ulit ito. As if as he meant it. And i knew somehow, na hindi nga ito nagbibiro.

Ms. Temper Meets Mr.Psycho And Crazy GuyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon