Chapter 40 Determined

6 3 0
                                    

Lumipas ang mga araw.

  Nakalabas na ng ospital si Jp noong miyerkules pa at ngayong lunes na daw papasok ulit. Hindi na naman hinatid si Ericka ng lalaking nakilala namin sa police station simula pa nang martes.
At noong nakaraang sabado naman ay napagkasunduan na ng pamilya nila Kristy at Tommy kung saan gaganapin ang fake wedding nila na exclusive lang for family members and close relatives. matatapos ko na ring i-tutor si Cj dahil math and science nalang ang natitirang subject na ituturo ko sa kanya.  Nagboluntaryo naman sina Carlo at Cj na ihatid ako gabi gabi sa sakayan ng jeep para lang masiguro na hindi na mangyayari sakin ang insidente noong nakaraan. at kahit na ano naman ang gawin ko ay hindi parin ma-alis sa isipan ko ang mga sinabi sa akin ni Katrina noong nakaraan lang. paulit-ulit itong pumapasok sa isip ko. "Tumingin-tingin ka sa paligid mo tyaka mo sabihin sakin na ako lang ang may galit sayo." at dahil don ay gumawa ako ng listahan ng mga tao na maaaring may lihim na galit sa akin.

1st Kristy ( sa totoo lang kaya lang nandito sa listahan ang pangalan ni kristy ay para humaba ang listahan hahaahha.

2nd Ericka( sa buong tatlong taon ko dito sa school ay hindi ko pa nakitang may nakaaway si Ericka. mayroon siyang mga natarayan pero lahat naman yun ay may kasalanan sa kanya. she's just like me kaya naman. 0% ang chance na may galit siya sakin.

3rd Katrina( sa totoo lang siya lang ang alam kong maaaring manakit sa akin pero wala akong makitang dahilan para itanggi niya ang tungkol sa daga. kaya naman wala talaga sa kanya ang isip ko ngayon.

4th Carlo( alam ng lahat ng estudyante sa buong school na mabait si Carlo. sa buong 3 years na nag-aral ako dito ay ako lang ang nakaaway nito. pero sa totoo lang paulit-ulit akong nananaginip tungkol sa stalker ko noong nakaraan. pero sa panaginip ko nakalabas ang mukha ng stalker ko na yun. at wala yung iba kundi si Carlo. pero syempre imposible naman yun. tumakbo ako ng mabilis na mabilis palayo sa stalker na yun at hinihingal pa ko nun noong mabangga ko siya na ni hindi manlang tinuluan kahit isang pawis kaya logicaly speaking imposibleng maging si Carlo yun at convince naman ako.

5th Cj( arogante, mayabang, feeling matalino, pero kahit ganon siya hindi siya ang tipong gagawa ng mga ganitong bagay. at hindi pa rin nawawala sa isip ko ang pagkakaligtas niya sakin ng araw nayon.

si Cj na ang panghuli at sa totoo lang tingin ko wala talagang naitulong sakin ang ginawa ko. dahil alam ko na wala sa listahang to ang taong hinahanap ko. kaya naman kailangan ko siyang hanapin. kailangan ko siyang makilala dahil alam kong hindi to matatapos ng ganon-ganon nalang. huminga ulit ako ng malalim. you can do it Eula. nasabi ko nalang sa sarili ko tyaka ako humakbang papasok ng school.

Ms. Temper Meets Mr.Psycho And Crazy GuyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon