Chapter 37 Feeling safe

5 3 0
                                    

(Eeeeyyy hindi naman ho siguro, tyaka nakamotor naman ho yun eh.)

(Pero hindi mo maipagkakaila na gusto kang saktan kung sino man yun.)

(Totoo naman ho yun,Pero pwede ho bang ako nalang ang magsasabi kay dad?)

("Oo naman.)

(Sige ho iba-baba ko na ho.) at tinapos nya na ang usapan nila.

"HHHHoooooyyyy. Carlooooooo." Malakas na tawag ni Eula sa kanya. "Hindi ka pa ba tapos dyan?" at nginitian ako nito.

Lumakad ako palapit sa kanila ni Cj.

Nakakangiti pa rin si Eula. Even when she knew it herself, That someone somewhere is trying to harm her or even kill her.

Eula's Pov.

Hindi ako makagalaw ng mga sandaling yun, Lalo na ng maramdaman kong masasalpok na ako ng motor na yun. Lagi akong nabwibwisit sa mga bida sa mga drama dahil kahit alam nilang masasagasaan na sila ay ni-hindi manlang sila gumagalaw upang umiwas. Pero ngayon alam ko na ang dahilan, Sobrang nagpapanic ang mga utak nila at hindi nila alam ang gagawin. Tulad ko ngayon. At kahit anong pilit ang gawin ko. Naghintay na lang ang katawan ko na tamaan ako ng peligrong yon. Nang biglang.

"Eula ok ka lang ? Hoy Eula." Paulit-ulit na tawag sakin ni Cj.

"HA?"

"Sabi ko kung ok ka lang. Bakit kasi nakatulala ka diyan dapat tinulungan mo kong murahin yung gago na yun. Huy bakit nakatulala ka nanaman diyan. Huy. Wala ka bang sasabihin kahit ano? "

At tumingin ako sa kanya, Magulo pa ang isip ko non. at ang unang sumagi sa isip ko ay kasama namin si Carlo. " Si Carlo? "

"Yun oh nasa likod mo." sagot nito.

napalingon ako sa likod ko at nakitang may kausap si Carlo sa phone niya.

Biglang kumunot ang mga noo nito. At hindi ko alam pero Nasiyahan akong panoorin ang mga pagbabago-bago ng expression sa mukha nito. At nang ibaba na nito ang phone nito ay tyaka ko siya tinawag.

"HHHHoooooyyyy. Carlooooooo." Malakas na tawag ko sa kanya. "Hindi ka pa ba tapos diyan?" at ngumiti ako.

Tinanong ako ng dalawa kung okay lang ako at nang sabihin kong wala namang masamang nangyari sakin ay ipinagpatuloy na namin ang pagpunta kay Kristy.

Pagdating namin sa internet cafe ay nasa labas na si Kristy at hinihintay ako.

"Oh besh kasama natin silang mag ice cream? " nakangiting bungad sa akin ni Kristy.

Tinignan ko ang dalawa. at tumungo ako.

Hindi na nakatanggi ang dalawa ng sabihin kong samahin nila kami.

Pagtapos naming kumain ng ice cream ay dumating na ang sundo ni Kristy.

"Una na ko besh" sabi sakin ni Kristy at niyakap ako nito.

"Ikaw HIndi ka pa ba uuwi?" tanong sa akin ni Carlo.

"Ngayon palang pupunta na ko sa sakayan." sagot ko dito.

"G-gusto mong ihatid na kita? I-i'm just worried dahil sa nangyari kanina." Offer nito sakin.

Napangiti ako. " Hindi na kailangan, Lagi naman akong umuuwi mag-isa at tyaka it's not like someone is trying to kill me." pabiro ngunit medyo na startle na sabi ko.

"Sigurado ka?" Ulit nito.

"Syempre naman" at pinilit ko ang ngumiti upang ipakita na okay lang ako.

"Ihahatid ka nalang namin sa sakayan." Biglang singit ni Cj.

Tinignan ko si Carlo at tumungo ito.

Wala na kong nagawa kundi ang pumayag.

Hindi pa nakakalayo ang jeep na sinakyan ko ay tumunog ang phone ko.

You sure know who to stick around with Noelle, you are pretty lucky today. Either way. Don't get nervous. Everything has a right time. And for you? It's the upcoming Monday. 

                                                           Sincerely Tin







Ms. Temper Meets Mr.Psycho And Crazy GuyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon