Chapter 6 Comeback and Flashbacks

82 4 0
                                    

Nakalabas din agad ako sa ospital pagkatapos naming magkaalitan ni Cj,at ngayon ay nakatayo na ako sa harap ng gate ng school namin. Mga 1 week din akong nawala.

Kinakabahan ako ngayon dahil marami akong na miss na activity at lessons pero mas kinakabahan ako dahil nandito lang sa school ang taong tumulak sakin.

Halos mga tatlong minuto rin akong nakatayo sa harap ng gate pero hindi ko maumpisahang ilakad ang mga paa ko nang may biglang umakbay sakin.

" bakit ayaw mo pang pumasok gaga ka."

Napangiti ako nang makita ko si kristy.

tyaka lang gumana ang mga paa ko. "tara na" sabi ko at pumasok na kami pareho sa gate ng school.

Papasok nalang kami sa loob ng room ng humarang si carlo sa harap ng pinto. hindi ko na siya pinaunang magsalita. "

Sayo ba galing yung bulaklak?" tanong ko.

"Oo sakin nga. i was feeling sorry dahil sa nangyari sayo tyaka gusto ko rin sanang makipag kaibigan . I want us to get along from now on. sabi nito tyaka inihayag ni carlo ang kamay nito para makipagkamay sakin.

Pero imbis na makipagkamay dito ay dumiretso lang akong lumakad papasok, Napasunod nalang sakin si kristy. at naiwan si carlo na nakalahad parin ang palad doon.

pagkaupo namin ay tyaka nagsalita si Kristy. "Grabe ka Eula ah you hate him that much?"

"Hindi naman besh ewan ko ba parang lahat ng sinasabi nya mahirap paniwalaan,- He looks like a great liar, masyado syang mabait sa ibang tao kahit hindi nya pa kilala, Sya rin lagi ang unang lumalapit at nanlilibre, kaya naman hindi ako naniniwalang ganyan talaga sya kabait, parang ang dami nyang tinatago basta wala talaga akong tiwala sa kanya."sunod-sunod na sabi ko.

"Grabe besh ang dami non ah" sabi naman ni Kristy.

"Basta besh ewan ko ba kung bakit ako gani- napatigil ang pagsasalita ko ng makita ko ang babaeng biglang pumasok sa classroom.

Napatingin din ito sakin at ngumiti ng nakakaloko.

"Ay oo nga pala besh may bago tayong classmate Katrina Guevarra ang pangalan" sabi ni Kristy wala itong kamalay-malay na magkakilala pala ang dalawa.

Pagkakita nya kay Katrina ay nag flashback lahat ng mga nangyari noon 6th grade palang sya.

" Wow ang galing naman ni Eula isang linggo palang sya nandito pero mas mataas na ang scores na nakuha nya kaysa kay Katrina."

"Oo nga sabi naman nang nasalikod nya"

hindi napigilan ni Eula na tumingin sa gawi ni Katrina seryoso lang ang mukha nito, napatingin din sa kanya si katrina. Nginitian nya ito pero irap lang ang naging ganti nito sa kanya

Mga isang linggo din bago nagbigay ng practice quiz ang teacher nila at doon nag umpisa ang lahat.

Nanguna nanaman sa unang mga quiz si Eula pero ng pangatlong quiz na ay biglang nagbago ang ihip ng hangin at tumabi sa kanya si Katrina.

Katrina: "paupo ako sa tabi mo ok lang?"

Eula: "oo naman nakangiting sabi ko"

at ibinigay na ang pangatlong practice quiz test papers.

Katrina: "wag mo munang lagyan ng pangalan"

Sumunod naman ako sa sinabi nya at hindi ko talaga nilagyan ng pangalan, Nagtaka ako at ang bilis nyang magsagot sa test at kahit tapos na akong magsagot ay hindi niya parin ako pinapasulat ng pangalan ko sa test papers, at nang maubos na ang time ay bigla nyang kinuha sa akin ang test papers ko at pinagpalit ang samin wala akong nagawa ng ipasulat nya ang pangalan ko sa test papers na sinagutan nya.

   Nagulat ang lahat ng i announce ang score ko sa pangatlong quiz, zero as in zero ang naging score ko.  Napatingin ako kay Katrina, nakangiti ito habang nakatingin sa akin, Hindi ko alam ang gagawin ko nang tawagin ako ni Ms Valdez at patayuin sa harap para tanungin kung anong nangyari.

  Walang mga salitang lumalabas sa bibig ko nung mga sandaling yun,mabuti nalang at biglang tumayo si Jessica

Jesicca: "ma'am nakita ko po si Katrina na pinagpalit ang test papers nila ni Eula"

Teacher:" totoo ba ang lahat ng sinasabi mo jessica?"

Jessica: "opo ma'am itanong nyo pa kay Eula"

Teacher: "Eula totoo ba ang sinasabi ni Jessica?"

   Tungo lang ang naisagot ko nun at dinala na kaming tatlo sa principal's office

  Pagdating ni Mr Guevarra sa principal's office ay natatarantang nagsalita ito

Mr Guevarra: ipagpaumanhin nyu po ms principal pero gusto ko hong malaman kung bakit nandito sa principal's office ang anak ko.

Principal: "she's been caught stealing her seatmate's test papers and she's already in 6th grade i think you need to improve your parenting skills Mr. Guevarra, also her reason is not acceptable she's just jealous because her seatmate is smarter than her. The other girl's mother will come here in a minute i think you should apologize to her on your daughters behalf.

Meeting ng mga parents

Mr Guevarra: "i am really sorry for my daughter's behavior Mrs Mendez can you accept my apology? i'll do anything and i'll also make sure for this not to happen again please Mrs Mendez."

Mrs Mendez: "don't worry Mr guevarra we don't need anything. now that you said you won't let it happen again then we're ok"

Mr guevarra: "thank you Mrs Mendez then just take my calling card if anything happens and i can help just call me."

kinagabihan

"Katrina alam mo ba ang ginawa" mo galit na sabi ni Mr guevarra pagkauwi nila galing sa school "tama na hon" awat naman ni Mrs guevarra

"Pagsabihan mo nga yang anak mo kung ano anong kabaliwan ang pinaggagawa sa school nya."

"Sige ako na ang bahala dito Carl "at umakyat na ng bedroom si Mr guevarra

Mrs guevarra: "Katrina naman kasi eh di ko tuloy alam sasabihin ko sayo matalino ka naman ano bang pinaggagawa mo alam mo namang mali yun eh."

Katrina: "but she's stealing it all away from me all my friends starts to talk to her even our teacher favor her so much."

Mrs Guevarra: "kahit na mali pa rin yun tignan mo tuloy ang kinalabasan mag aral ka nalang ng mabuti para mabawi mo lahat sa kanya"

Katrina: "yes mom"

Mrs Guevarra: "sige umakyat kana sa kwarto mo at matulog ka na ."

   Nang sumunod na araw ay hindi nakapasok si Jessica sinamantala naman ito ni Katrina upang makaganti nang umalis ang teacher nila ay mabilis na pinuntahan ni katrina si eula sa seat nito.

Katrina: "hi Eula"

Eula: "bakit ka nandito Katrina?

bigla nalang sinabunutan ni Katrina si Eula ng walang sabi-sabi.

Katrina: "kanina pa nangangati tong kamay ko sayo buti nalang at umalis na si Teacher, subukan mong magsumbong hindi lang to ang aabutin mo"

Diniinan pa ni Katrina ang pagkakasabunot kay Eula bago ito umalis at bumalik sa upuan nito.

Wala namang nagtangkang magsalita at baka sila naman ang mapag initan ni Katrina.

Ms. Temper Meets Mr.Psycho And Crazy GuyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon