Chapter 32 Heartbreak

7 3 0
                                    


"Ericka mag usap tayo." Mapungay ang mga matang bungad nito sakin.

"Wala na tayong dapat pang pagusapan Jp." Mabilis naman sagot ko dito tiyaka iniwas ko ang tingin ko sa kanya. 

"Please" 

"Bakit pa Jp ha? anong ipapaliwanag mo sakin? nakita ko na yung video na naghahalikan kayo ng Trixie na yun, anong idadahilan mo? Peke yung video Ha? edited? "

"Just let me explain Love."

"Hindi na kailangan Jp , at  sinarado ko na ang pinto pero mabilis na pinigilan niya yun hinawakan niya ang kamay ko."

"Love please just once, Let's talk."

"Pagod na ko Jp kaya kung pwede ba umalis kana!."

Hindi ito tuminag at lalong hinigpitan ang hawak sa mga kamay ko.

"Please Ericka please."

"Sabing ayoko na jp. "at nagumpisang tumulo ang mga luha sa mga mata ko.


 biglang dumating si Nick mula sa di kalayuan at biglang sinapak si Jp.


"Jp!!!! " Bigla ay naisigaw ko ang pangalan nito 


 Mabilis namang gumanti si Jp dito.


 Masyadong malakas ang naging suntok ni Jp na nagpatumba agad kay Nick.

"Tama na! " Malakas na sabi ko at pumagitna ako sa dalawa.

"Bakit Ericka? sino ba yang gago na yan?" Si Jp pa rin.

"Siya ang bago ko jp." hindi ko alam pero ayun ang biglang lumabas sa bibig ko.

"Ano? Nagbibiro ka ba Love? Tatlong araw pa lang tayong hindi nagusap tapos biglang may bago ka na? Hindi ako naniniwala."

"Totoo yun Jp kaya umalis ka na, wala ng dapat na ipaliwanag, wala na tayo."

"Nagbibiro ka lang diba? tatlong taon na tayo, hinding-hindi mo ipagpapalit yun."

"Tatlong taon? Kung pinahahalagahan mo talaga yung tatlong taon na relasyon natin hindi mo sana ginawa ang ginawa mo. "

"Pero isa lang yung malaking pagkakamali, and I promise na hindi ko na ulit gagawin yun."

"Pagkakamali o hindi It already happened. Nasaktan na ako. "

"Mahal mo ko diba?"

"Umalis ka na."

"Ganon lang ba kadali yun? nakalimutan mo na ba agad ako?" at tumulo ang mga luha mula sa mga mata nito.

Gusto ko siyang yakapin ng mga sandaling yun pero ayoko na talaga." Iba na ang mahal ko Jp."umalis ka na. At Pagkasabi ko non ay inakay ko na papasok si Nick.


Sa loob habang ginagamot ko ang sugat sa labi ni Nick.

"Mahal mo pa ba siya?" 

"Let's not talk about him Nick."

Ngumiti nalang ito ng timi.


Maya-maya ay nagsalita nanaman si Nick.

"Ericka."

"Ano?" medyo pabalang kong sagot

"Yung sinabi mo kanina do you mean it?"

"Anong ibig mong sabihin?"

"Me. being your new. Do you mean it?"

"Ah yun ba. That's just me spurting nonsense. Sorry kung nasabi ko yun.

"Ah ganon ba. hindi okay lang, I know you can't possibly mean that"

"Nick Let's not talk about anything-

"Then Don't, but what do you think about me bringing you to your school tomorrow?"

"Bukas?"


"Yes"


"Ok then, Ihatid mo ko sa school bukas"






Ms. Temper Meets Mr.Psycho And Crazy GuyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon