Chapter 19 Another Friendship

11 3 0
                                    

Lunes.

"Besh anong oorderin mo?" tanong ko kay kristy.

"Gusto ko nang adobo besh eh ikaw?" sagot naman nito.

"Kakakain ko lang ng adobo kahapon besh eh, iisip nalang ako ng iba"

Pagkaorder ni kristy ng pagkain niya ay pumunta na ito sa spot namin at nang makaorder naman ako ng sakin ay sumunod na rin ako sa kanya, habang naguusap kami ni kristy ay may lumapit sa upuan namin at nang iangat ko ang tingin ko ay nagtaka ako sa nakita ko.

"Pwedeng makiupo"? Ang mahinhin na bungad ni Ericka.

Napaangat ang kilay ko nang makita ko itong umupo sa tabi ni Kristy.

"May space yung memory card mo kristy?" Tanong nito.

"Oo naman meron na ba yung hinihingi ko?" Nakangiting sagot naman ni Kristy.

"Syempre naman. akin na yung phone mo pasa ko sayo."

Hindi nagtagal ay naipasa na ang files kay Kristy at nagpaalam na samin si Ericka, tyaka ko lang tinanong si Kristy.

"Ano yun besh? Noong nakasalubong natin siya kasama si Carlo ni ha ni ho wala manlang kayong kibuan tapos ngayon may pa-pasa-pasa pa ng songs at pics? Sunod-sunod na tanong ko dito.

wait lang, isa-isa lang ang tanong besh? Nakatawang sagot nito.

Yesterday

Kristy.

Aaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaahhhhhhhhhhhhhhhhhhhhhhhhhhhhhhh sigaw ko sa harap ng electric fan, grabe mababaliw na ata ako dito. Bakit ba sakin nangyayari to"

Nag flashback lahat ng sinabi sakin ni Papa. Kristy you are grounded, hindi ka makakalabas, makakagamit ng phone, charger, internet at iba pang libangan hangga't hindi ka pumapayag sa offer namin.

At dahil nga doon ay grounded ako ngayon, at sa kinatagal ko nang nabubuhay sa mundo ay ngayon ko lang sinumpa kung bakit ba ako naging babae. maya-maya ay tumayo na ako. Buo na ang desisyon ko, hindi pumayag kundi tumakas.

Sumilip muna ako sa labas ng pinto ko bago dahan-dahang lumabas. at nakita ko agad ang yaya naming si aling cherry.

"Kristy bakit lumabas ka, baka makita ka ng daddy mo."

"Saglit lang ako yaya, may kukunin lang ako kay kuya bryle."

"Ok sige na basta bilisan mo at baka dumating ang daddy mo, teka may gusto ka bang kainin? ikukuha kita sa kusina."

"Uhm" napaisip muna ako bago sumagot. ok lang ho ako, di pa naman po ako gutom."

" Ganon ba oh sige dyan ka na at may ginagawa pa ako doon sa baba."

Pagkaalis ni yaya cherry ay mabilis na pinuntahan ko ang kuwarto ni kuya Bryle.

"Kuya bryle? mahinang tawag ko sa dito sabay katok sa pinto. kuya bryle hello, tumayo ka na dyan,kuya bryle."

Medyo matagal tagal na din akong kumakatok bago bumukas ang pinto.

"Ano ba yun ang aga-aga mong mangulit kristy."

"Anong ang aga-aga eh alos dos na ng hapon kuya."

Sabihin mo na kung ano yun at babalik pa ko sa pagtulog ko."

"Yung ladder mo pahiram."

"ha? anong ladder ang pinagsasabi mo kris?"

"Hindi mo ko maloloko kuya, may picture ka pa nga sakin na bumababa ka sa ladder eh."

"Wag ako kris, pero patingin ako ng picture"

binuksan ko agad ang phone ko at ipinakita sa kanya ang picture.

Napabuntong hininga nalang ito ng makita ang kuha ko sa kanya habang bumababa sa ladder na binili niya pa para lang tumakas 5 years ago.

" Diyan ka lang kukunin ko."

Sandali lang ito at bitbit na nito ang ladder na hinihiram ko.

"Sayo na yan." Medyo napipikit pang sabi nito.

"Ha? Bakit naman kuya?"

"Hindi ko na yan kailangan noh, ang tanda ko na, may trabaho na ko at mas kelangan ko na matulog kaysa gumala . Dyan ka na at matutulog pa ko".

Akmang papasok na ito ng bigla itong tumigil. "Ah kris maglagay ka ng note para hindi ka katukin" paalala nito bago isara ang pinto. At napangiti ako.

Pagdating ko sa com shop sa village namin ay puno ng tao. Iisa lang ang computer shop dito sa village namin dahil halos lahat naman ng tao dito ay may sariling laptop or computer sa bahay kaya naman ang tingin ko, mga tumakas lang din sa kanila ang mga taong naglalaro dito.

Tumingin ako sa paligid at napansin kong iisa lang ang bakante. binuksan ko agad ang cpu ng pc na yon pero since medyo matagal pa itong bumukas ay napatingin ako sa katabi ko at nagulat ako ng makilala ko kung sino.

"Ericka?"

Napatingin ito sakin ng marinig na binanggit ko ang pangalan nya. nagisip muna ito bago ako makilala.

"You're the one with Eula right?"

Tungo lang ang sinagot ko. tinignan nya ako mula ulo hanggan paa."

"Hindi ko naman siguro maririnig ang pangalan ko na pinaguusapan pagpasok natin sa lunes right?"

Anong ibig mong sabihin? tanong ko.

"Uhm how should i say it. Ms. Popular From montello high is crazy about weird kpop things that you cant even understand, something like that"

"Bakit mo naman hindi maiintindihan eh may eng subs naman ah."

"So you know at least that much, buti naman you're not that ignorant like those dumb people." Ay ibinalik na nito ang tingin nito sa pinanonood nito.

Dahil bukas na ang computer na i re-rent ko ay sinenyasan ko na ng open time hour ang bantay.

Sinulyapan ko ulit si Ericka bago ako umupo, at napansin kong nakatingin ito sakin.

"Bakit?" tanong ko.

" You're Kristy right?"

Tungo lang ang naging sagot ko.

" So kristy by any chance do you, also listen to kpop?"

Ngumiti ako." hindi eh,japanese song ang mga trip kong pakinggan mostly anime openings"

"Ah ganon ba."

"Pero yung isang pinsan ko mahilig din sa kpop at kdrama."

" Uhm Kristy i apologize for my rude behavior earlier, can you let it go?

"Ok lang yun ganyan din si Eula sakin noong una kaming magkita." at ngumiti ako.

at napansin kong napangiti din ito sakin.

Present

"So ayung yung dahihan?" Si Eula

"Oo kaya wag kang ano diyan besh"

" Eh bakit ka tumakas?"

" Uhm susunod ko nalang sayo sasabihin. "

Ms. Temper Meets Mr.Psycho And Crazy GuyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon