Chapter 14 Message

24 3 0
                                    

10:pm

"Eula matulog ka na alas diyes na".

"Oo ma tinatapos ko lang tong binabasa ko".

8:00 am

"Eula gumising ka na dyan".

"Bakit ma anong oras na ba?" Mahinang sabi mo habang nagpupunas ng mata

"Alas otso na kaya bumangon ka na dyan"

"Ma naka set kaya sa 8:30 yung alarm ko"

"Basta tumayo ka na dyan at babalik na ako sa pagtulog ko"

"Opo ma"

Pagkalabas ni mama ay tyaka lang ako tumayo,at lumabas na din ng kwarto ko para kumain

Mag uumpisa pa lang akong kumain ng biglang bumalik ang mama nya at may inabot sa kanya

"Ano to ma?"

"Make up yan"

"Hindi pa nga nangangalahati yung huling bigay mo sakin ma ah"

"Mura lang kasi yan basta ayan na ang gamitin mo babalik na ako sa pagtulog ko"

"Thanks ma sleep well"

Pagdating ko sa school ay napansin kong wala pa si Kristy kaya nag nag open ako ng phone at mabilis na nag text dito.

Breaktime na bago ko nahawakan ulit ang phone ko dahil sa dami ng mga pinagawa, agad na nag check ako ng messages para makita kung nag reply na ba si kristy napangiti ako ng makitang may reply na nga ito

Kristy: besh sorry ah absent ako nagka problema kasi dito same reason nung nakaraan wag ka mag alala ok na naman punta nalang ulit ako dyan pag uwian

Pagtapos kong basahin yun ay tyaka lang ako pumunta ng Canteen para kumain.

Umorder na ako sa counter ng mga pagkain tyaka pumunta sa paborito naming mesa, umupo na ko at nag umpisang kumain at nakakailang subo pa lang ako nang biglang tumunog muli ang phone ko at napaisip kung bakit nag text uli si Kristy.

Pero nagtaka ako dahil imbis na si Kristy ay isang unknown number ang nag text sa akin at dahil bored ako ay naisipan kung buksan yun.

Ngunit imbis na maaliw sa mga ako ay takot at kaba ang naramdaman ko ng makita kung ano ba ang laman ng message.

Picture ko ito habang nasa bibig ko pa ang kutsarang hawak ko ngayon at siguradong hindi pa ito umaabot ng tatlumpung segundo,

nasa ilalim ng picture ang mga katagang

I'm always watching you noelle, i'm looking forward to the day i can tell you who i really am, your close friend TIN

Tumingin ako sa direksyon kung saan nakapawesto ang kumuha sa akin ng litrato ngunit wala namang tao doon kahit isa.

Biglang nganginig ang mga tuhod ko, naisip ko na noon pa na pwedeng mangyari ang mga ganito sakin, pero hindi ko inaakala na iba pala ang pakiramdam kapag nangyayari na ito ng totoo, Kusang gumalaw ang mga paa ko at nag umpisa akong maglakad, naghanap ako ng lugar kung saan hindi ako madaling makikita at nakarating ako sa school clinic, doon aysinalubong ako ng nakangiting si Nurse Annie

Nurse annie: oh Eula bakit naparito ka masakit na naman ba ang ulo mo?

"Hindi naman ho Pwede ho ba akong magpahinga sandali dito Nurse Annie?

Nurse annie: Oo naman take your time Eula

Pagkasabi noon ni Nurse Annie ay humiga na ako tyaka pumikit, inalis ko ang lahat ng bagay sa utak ko hanggang sa hindi ko na namalayan at nakatulog na pala ako.

Nagising ako sa yugyog sa akin ni Nurse Annie

Nurse Annie: Eula alas sais na na hindi ka pa ba tatayo? kanina pa kayo nag uwian

Napabalikwas ako ng tayo sa narinig ko. Alas sais na pala, siguradong kanina pa ko hinihintay ni kristy at nakakatatlong call na pala ito, ang huli ay text nito sa akin na malapit itong dumating. nasa com shop niya nalang daw ako hihintayin. Mabilis akong lumabas ng school clinic at nang nasa hallway na ko ay napansin kong madilim na ang langit, puro patay na rin ang ilaw sa school kaya medyo nakaramdam na rin ako takot.

Binilisan ko ang lakad ko at hindi pa ako nakakalayo ng biglang may kumalabog sa likod ko, napahinto ako at lumingon pero wala naman akong nakitang tao, kinabahan ako lalo at mas binilisan ko pa lakad ko tyaka ko naramdaman na parang may mga yapak mula sa likod ko, hindi na ako nagdalawang isip na tumakbo.

"Hoy eula"

Napahinto ako ng marinig kong may tumawag sa pangalan ko

"Bakit ka tumatakbo" pasigaw pa na sabi nito

"Pagkarinig ko ng boses na yun ay tyaka lang ako lumingon ulit sa likod ko .

Si carlo lang pala

Tumakbo na rin ito para makalapit sakin

At nang makalapit na ito ay inulit nya ang tanong nya sakin

"Bakit tumatakbo ka eula?"

(I'm the miss temper i need to look tough)"Umm wala naman medyo na startle lang ako sa kalabog kanina"

"Matatakutin ka pala Eula?"

"Syempre hindi naman noh.medyo madilim lang kaya hindi mo mapipigilan na ma startle, teka, bakit nga pala nandito ka pa kanina pa nag uwian ah"

"Wala naman galing lang ako sa library at ngayon ko lang naisipang umuwi"

"Ah ganun pala teka uuwi ka na rin diba? Sabay na tayong lumabas, hehe"( accept my offer para may kasama akong lumabas boi)

"Uhm Sure let's go"

Nang makalabas kami ng school ay inaya ako ni Carlo na kumain ng snack sa malapit na mini stop pero humindi ako dahil kailangan kong puntahan agad si kristy.

Busy ito sa paglalaro ng dota nang makarating ako.

"Kanina ka pa besh? sorry ah nakatulog kasi ako sa clinic kaya late na akong nakarating " Agad na sabi ko rito.

"Ok lang besh alam ko naman ang dahilan eh"

" What? Paanong alam mo ang dahilan besh?"

Kanina kasi nung alas singko palang eh tawag ako ng tawag sayo tapos saktong lumabas si Cj at siya ang nagsabi sakin na nasa clinic ka kaya nag text nalang ako sayo na dito na kita hihintayin.

"Ah kaya pala walang nang gising sakin kahit na hindi ako nagpaalam"

Matapos naming mag bonding saglit ni Kristy ay dumating na rin ang sundo nito kaya naman nag si uwian nakami pareho.
At habang nasa biyahe ay tyaka lang pumasok muli sa isip ko ang nangyari kanina.

Ang taong kumuha sa akin ng litrato habang kumakain kanina, malakas ang kutob ko na ito rin ang taong nagtulak sakin sa hagdan. Tin yung ang tawag nito sa sarili nito. And i have never heard that name before.

Ayokong ipaalam kay mama na may baliw na tao na nanggugulo sakin sa school, at ayoko ring huminto nang pag aaral lalo na at malapit ko nang maabot ang Valedictorian title kaya isasarili ko nalang muna to, siguro kay kristy ko nalang to sasabihin tyaka ako magpapatulong hanapin kung sino ba talaga ang taong to na nanggugulo sakin.

Ms. Temper Meets Mr.Psycho And Crazy GuyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon