Chapter 41 Do anything

4 3 0
                                    

Napakaraming mga tao sa loob ng school pero pakiramdam ko ay ako lang mag isa ang naglalakad sa kahabaan non. naramdaman ko na dati noong pagkabalik ko sa school galing sa ospital pero ibang-iba ang pakiramdam ko ngayon dahil alam ko na ngayong araw ay may ibinabalak siyang masama sakin. huminga nalang ulit ako ng malalim at ipinagpatuloy ang paglalakad. Oo natatakot ako pero this will not end kapag hindi ko hinarap ang takot ko. kaya naman kailangan kong magpatuloy at alamin kung sino ba talaga ang taong gustong manakit sa akin at para na rin patigilin siya.

"Besh." malakas na bati sa akin ni Kristy." Kanina pa kita hinihintay bakit ngayon ka lang? "

"Tinatamad lang kasi akong maglakad ng mabilis kaya binagalan ko." pilit ang ngiting sabi ko.

"Tssss tinatamad mabagal ka lang talaga maglakad". at ngumiti din ito.

Recess.

Simula pa kaninang umaga ay nakadikit na ako kina Ericka dahil natatakot akong mag-isa. alam kong kaduwagan to pero ito palang ang maisip kong paraan para maibsan ang takot ko. nagsabi na rin ako kay Cj na pass muna kami ngayong tanghali at mamayang gabi ko na sya i-tututor. at habang nag uusap kaming lima ay lumapit sa amin si Jp.

"Bal if i do something embarrassing here magkakabalikan ba tayo? Si Jp kay Ericka.

"I don't think simply shouting that you love me in front of the people here will make my heart move towards you again Jp." timing sabi ni Ericka.

"It's not that." nakangiting sabi nito at hinawakan nito ang mga kamay ni Ericka at dinala sa harap ng stage.

That night.

 Noong dinalaw ni Ericka si Jp sa ospital.

"She left?" tanong ng mommy niya sa kanya.

"Yes ma umalis na siya." malungkot na sagot ni Jp.

"Anong sinabi niya?"

"Sabi niya kailangan nya daw ng time. "

Ngumiti ang mommy niya." of course she need's time dear. Ericka understands now that always accepting your apology backfired. other boyfriend's can't even go out without the girls consent pero ikaw you always go out kahit na hindi ka niya pinayagan. kaya naman she wants you to comeback to how you two 1st met. ligawan mo ulit siya. pero hindi na gagana ang ginawa mo dati kaya naman tutulungan kita ngayon. she likes kpop right?"

"Uhm yes ma . baliw na baliw sya sa kpop. nagsasalita na nga yan ng korean mag-isa."

"Don't criticize kpop now kiddo. right now it's the key to her heart."

"What ma kakanta ko ng kpop? ayoko nga baka maging weirdo ako sa paningin ng mga tao."

"Then dance. Mas acceptable and less embarrassing ang dancing kaysa singing kaya sumayaw ka. magaling ka namang sumayaw eh pati nga kumanta. "

"Pero ni wala nga akong alam diyan sa kpop na yan eh."

"I happen to know about that kiddo. I also know her favorite song as of now at tingin ko magandang ayun ang sayawin mo. Don't forget to give me a gift after you get her back. " at iniwan na siya ng mommy niya.







Ms. Temper Meets Mr.Psycho And Crazy GuyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon