Chapter 51 Determined part 2

6 3 0
                                    

     Habang naglalakad ako sa isang madilim na eskinita ay nakarinig ako ng mga yabag papalapit sa akin.

Lumingon ako sa pinanggalingan ng yabag nayon ngunit walang bakas ng tao doon kaya naman itinuloy ko na ang pag lalakad ko.

Ngunit hindi pa ko nakakahakbang ay nakarinig muli ako ng mga yabag ng paa.

lumingon ulit ako ngunit hindi na katulad kanina ay may nakatayo na sa harapan ko at alam ko na ang stalker na yun. Hawak-hawak nya parin ang kamerang pero hindi ko na maintindihan kung anong tunog o salita ba ang lumalabas mula doon.

Kusang tumakbo ang mga paa ko palayo sa lugar na pinanggagalingan ko. Hanggang sa mahulog ako sa isang madilim na butas. Nang magkamalay ako ay nasa loob na ako ng Restroom at maya-maya ay bumukas na ang pinto.

Akala ko ay tapos na ngunit imbis na sina Carlo at Cj ay ang stalker ang iniluwa ng pinto. hawak nito ang martilyong ginamit ni Cj sa pagsira ng pinto. tumayo ito sa harap ko ngunit hindi ako makagalaw. At aktong ihahampas na nito ang martilyo sa akin ng biglang.

Napabalikwas si Eula mula sa pagkakatulog niya. mabilis siyang tumayo at pumunta sa kusina para uminom ng malamig na tubig.

Nahimas-masan lang siya ng maubos niya na ang isang basong tubig. Basang-basa ng pawis ang buong katawan niya.

Parang totoo ang lahat ng nangyari. Nanginig ang buong katawan ko sa takot. Sa unang pagkakataon. gusto kong wag na lang ituloy ang binabalak kong paglaban kay Tin.

Napabuntong hininga ako. tumingin ako sa oras. 8:30 na pala. pero imbis na maligo na ay naisip kong bumalik na lang sa pagkakahiga ko. parang gusto ko nalang ihinto ang lahat. titigil nalang muna ko sa pag-aaral. kesa naman may mangyari pang masama sakin.

Pinilit kong matulog pero kahit anong pilit ko ay hindi talaga ako makatulog.

kaya naman tumayo nalang ako para gumawa ng mga gawaing bahay.

halos ginawa ko na ang lahat ng bagay para pampalipas oras ngunit punong-puno pa rin nang pangamba ang isip ko. Nang mapatingin ako sa phone ko at napansin na 10 A.M. na pala ay tyaka ko lang naisipang mag-text kay Kristy.

(Besh hindi muna ako makakapasok ngayon.) At hindi pa nakakalipas ang ilang minuto ay may nag text na din sakin ngunit imbis na si Kristy ay ibang tao nag text.

(Don't even think about backing out now Noelle. Or i might kill her.) at nag send ito ng picture ni Kristy habang nakaupo at may takip ang mga mata pati bibig.

Napabuntong hininga ako. May duda na akong ganito ang pwedeng mangyari pero naduwag pa rin ako.

Wala na talaga yatang atrasan to. Hindi ko napapatawad ang sarili ko kung may mangyayaring masama kay Kristy dahil sa akin.

"This is the main event" Nasambit ko nalang.

Baka patayin niya ko pero let's see. Let's see who'll die first"  matapos non ay tumayo na ko. at  kinuha ko na lahat ng bagay na hinanda ko para sa araw na toh

Ms. Temper Meets Mr.Psycho And Crazy GuyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon