Chapter 17 Issues part 1

18 3 0
                                    

Sabado ng gabi

CJ.

Anong oras na ah bakit bukas pa yung ilaw? naitanong nalang ni Cj sa sarili nya habang binubuksan ang gate nila

Tinignan nya ulit ang oras sa phone niya, Alas onse na ah dapat patay na ang ilaw at natutulog na si daddy.

Kahit nagtataka ay dumiretso parin sa paglalakad niya si Cj . Pagbukas nya ng pinto ay bumungad agad sa kanya ang madilim na mukha ng daddy nya,  ngunit hindi nya ito pinansin at dumirediretso lang siya paakyat ng hagdan na tila lalong nagpadagdag sa galit nito.
Biglang sumigaw ang dad niya sa galit.

"Cj kelan mo ba ititigil yang pagrerebelde mo ha "

Hindi sya nagsalita at tinignan nya lang ito ng matalim at humakbang na ulit paakyat

"Bumaba ka nga rito cj!" galit nang sabi nito

"Bakit ba umaarte kang may concern ka sakin ha, wala naman diba? dahil kung may concern ka talaga edi sana buhay pa si mommy ngayon!

Hindi ko napigilan ang emosiyon ko sa mga oras na yun.

Pak.

Nagulat ako nang bigla akong sampalin ni dad,  napahapo nalang ako sa kaliwang pisngi ko na tinamaan


Linggo 2pm.

Tok! tok! napatakip ng tenga si Cj ng marinig ang mahinanong katok ni aling sofia sa pinto ng kwarto.

"Cj Dadalan kita ng pagkain maya-maya at dapat ay nakatayo ka na. Ang sigaw nito sa labas ng pinto.

Maya-maya ay dumating na ulit si Aling Sofia at kumatok nanaman, kaya naman napabalikwas na ng  bangon si cj para buksan ang pinto

"Mabuti naman at tumayo ka na dyan kanina pa ako pabalik-balik dito"

"Pasenya na kayo Aling Sofia wala pa kasi akong ganang kumain eh"

"Anong walang ganang kumain? ni almusal wala kapang kain. alos dos na oh tapos wala kang gana, ay nako magkaka ulcer ka niyan, basta kainin mo na yan babalik ako pag tapos mo para ligpitin yan" .

"Wag na ho aling sofia ako na po ang magbababa nito ituloy nyo nalang ho yung  ginagawa nyo"

"Mabuti naman kung ganon, oh sige bababa na ako para maglinis"

Pagtapos kong kumain ay ibinaba ko na ang pinagkainan ko pero nakasalubong  ko agad si dad sa sala.

"Dalin mo muna yan don tapos ay pumunta ka rito at may sasabihin ako sayo" malamig na sabi nito sakin.

Kahit ayoko man ay bumalik ako para kausapi  si dad,  umupo ako sa kaharap na upuan nito.

"Cj kinausap ko ang lolo mo at napagdesisyunan na namin na dun ka nalang pagaralin, sinasabi ko to sayo para malaman ko ang pananaw mo dito at kung gusto mo naman ihahanda ko na ang flight mo papunta doon next week"

"Hindi naman masyadong halatang pinapaalis mo na ako dito, ha dad? "

"Wag na nating pag awayan to kung ayaw mong umalis isa lang ang kailangan mong gawin, magtino ka "

"Magtino? bullcrap I'm going to stay here at walang magbabago sa attitude ko" Galit na sabi ko tyaka padabog na umalis.


Eula.

"Eula bumili ka nga ng isang tray ng itlog sa divisoria at wala na tayong stack, tyaka bumili ka na din ng kalahating kilong manok at mag a-adobo tayo"

"Wow ma himala ah puro gulay lang tayo nung nakaraan bakit biglang mag a-adobo tayo?

"Ah wala naman namiss ko lang kumain ng karne. sige na at bumili ka na eto ang listahan at pambili.

Iniabot na sa akin ni mama ang listahan at agad na lumabas na ako bg pinto.

Click. click. "Ano manong maganda ba ang kuha mo sa kanya? Nakangising tanong ni Katrina sa na kinuha niyang professional photographer.

"Yes po ma'am Katrina

"Good ngayon sundan naman natin sya sigurado akong maraming interesanteng bagay ang makukuha ko sa kanya."

Ms. Temper Meets Mr.Psycho And Crazy GuyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon