Chapter 52 The New Transfer

4 3 0
                                    

Pagdating ko sa school ay naguumpisa nang magturo si Mrs.Cabrera. Hindi na ko nagpaalam at tuloy-tuloy na lang akong pumasok.

"Akala ko ba hindi ka papasok?" mahinang tanong sa akin ni Kristy pagkaupo ko.

"Wala akong magawa sa bahay eh." pagsisinungaling ko. "teka bakit nga pala hindi ako pinansin ni Mrs. Cabrera kahit late na ko?"

"Wala siguro sayo yung isip, wala pa kasi yung magta-transfer. kanina niya pa yata hinihintay. "

"Ah ganon ba." at napatingin ako kay Mrs Cabrera. halatado nga sa mukha nito ang pagkainis.

Maya-maya ay biglang may dumating na isang babaeng mukhang maid. at may ibinulong ito kay Mrs Cabrera. tyaka mabilis ring umalis.

At pagkaalis ng babae ay tumayo na si Mrs Cabrera sa harap.

"Attention class. your new classmate is here." at sinenyasan na nitong pumasok ang taong nasa labas ng pinto.

"Nanlaki ang mga mata ko sa nakita ko. Black jacket,black pants at black cap parehas na parehas din ang pangangatawan at ang tangkad nito.  nagninig ang buong katawan ko dahil iisang tao lang ang unang pumasok sa isipan ko. "Tin?"

"Good morning everyone i'm Nickolai Jensen. I'm looking forward to meeting you all." at nagsalubong ang mga mata namin.

Pero kung siya nga si Tin paano niya naman malalaman ang mga galaw ko?

Kailangan ay estudyante rin siya dito para malaman ang mga pasikot-sikot at mga blindspot dito kaya naman imposible na maging siya nga si Tin?

 Pero parang nakita ko na siya dati kaya naman pinilit kong alalahanin kung saan ko ito nakita pero walang pumapasok sa isip ko. kaya naman sinundan ko nalang siya gamit ang mga mata ko.

Lumakad ito papalapit sa pwesto ni Ericka at ibinaling nito ang tingin nito dito.

Nag ngitian ang dalawa at don ko lang naalala kung saan ko ba siya nakita. He saved us from the police station. that's why there's no way he's Tin. at nakahinga na ako ng maluwag.

"Nick?" bulalas ni Ericka.

"Oo ako nga." at ngumiti ito.

"Paanong?"

"Noong nakaraan pa kami nagsabi sa principal dito. Ngayon lang ako nagkatime pumasok. sa totoo lang nagulat din ako na dito ka pala nag-aaral at magiging kaklase pa pala kita. "

"Eh bakit hindi mo sinabi sakin?"

"I want to surprise you."

Napangiti na rin si Ericka sa narinig. ngunit mabilis na lumungkot ang mukha nito. "Sorry. "

"Don't be. i came here as a friend." at ngumiti ulit ito.

Naputol ang pag-uusap nila ng biglang nagsalita na si Mrs.Cabrera sa gitna. "Okay. enough chit chats. Lets' start the lesson for today."

Ms. Temper Meets Mr.Psycho And Crazy GuyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon