Chapter 36 Realizition

8 3 0
                                    

"OK ka lang?" tanong ni Cj sa nakatulala pang si Eula." Hoy Eula." ulit na tawag ni Cj.

Ngunit tila walang naririnig si Eula at nanatili lang itong nakatulala.

"Hoy sabi ko kung okay ka lang" ulit ni Cj"

"Ha?" sa wakas at nahimasmasan na si Eula.

"Sabi ko kung ok ka lang? bakit ka kasi nakatulala diyan, dapat tinulungan mo kong murahin yung gago na yun. Si Cj pa rin.

Hindi parin nakatugon si Eula kay Cj.

Wala ka bang sasabihin na kahit ano?" Si Cj pa rin.

"Si-si Carlo?"

"Nasa likod mo, yun oh."

at napalingon ako sa likuran ko. may kausap sa phone si Carlo.

Carlo's POV

Simula ng sabihan ako ni kuya Art na mag focus sa pag-aaral ay halos gabi-gabi na ako sa library. Pero ngayong araw ay hindi ako makapag focus ng maayos, hindi dahil maingay sila Eula at Cj, kundi dahil pangalawang beses ko palang silang nakikita na magkasama ngunit parang matagal na silang magkakilala kung titingnan mo sila. Samantalang kahit wala pa naman kaming bad blood ni Eula ay halos hindi na kami nag-uusap. Oo may tiwala sakin si Eula, I even know some of her secrets already, ngunit tuwing magkikita kami nito ay halos hi and hello lang ang pag-uusap namin. Hindi ko alam kung bakit ganon pero i think i should start being talk active to her at least. Habang lumilipas ang mga oras na wala akong ginawa kundi ang sumulyap-sulyap sa dalawa habang nagbabasa ako.

Maya-maya ay tumunog ang phone ni Eula.

"Times up, tara na Cj." Narinig kong sabi ni Eula At tumayo na ang mga ito.

"Sabay na ako sa inyo"biglang nasambit ko at sabay-sabay na kaming tumayo.

Pinatay na namin ang ilaw at lumabas ng library. Laglabas namin ng gate ay bigla akong nakarinig ng tunog ng motor, napahinto ako para lingunin iyon, biglang humarurot yun papunta samin at muntik na akong mahagip. mabuti nalang at mabilis akong naka-iwas. Nagtuloy-tuloy ang mabilis na takbo na motorsiklo patungo kina Eula at Cj.

"Eulaahhhhh" sigaw ko ngunit walang boses na lumabas sa mga labi ko,malapit nang mabangga si Eula ng biglang.

Hinatak ni Cj si Eula papunta sa bisig nito.

Mabilis akong nakabawi sa pagkagulat ko. at isa lang ang pumasok sa mga sandaling yun.

That trash need's to learn his lesson. Tiningnan kong mabuti ang plate number nito, pagtapos ay mabilis kong inilabas ang phone ko para tumawag.

Maraming kakilalang mga opisyal si dad na kakilala na rin ako. kinontak ko ang kakilala ni dad sa LTO.

(Oh carlo bakit napatawag ka?)

(Uhm uncle pwede nyo po bang tingnan tong plate number na toh? WDW4ME.)

(Bakit para saan?)

(Plate number po yan ng isang baliw na muntik nang makasagasa sakin at ng kaibigan ko.)

(Sakto at nasa office pa ako sandali. Pwedeng pakiulit ang Plate number?)

( WDW4ME. yan yung plate number.)

(Sandali ah nagloloko yata tong computer ko at ayaw lumabas sandali lang.)

Inulit nito ang pag search ng plate number.

(Wala talaga. Peke ang plate number na binigay mo.)

(Peke ho?)

(Tama ka peke yun. at tingin ko kailangan tong malaman ng daddy mo kung muntik ka ng masaktan.)

(Bakit naman ho?)

(Kung peke ang plate number. Malaki ang posibilidad na planado ang gagawing pagsagasa sayo. Maaaring may taong gustong saktan ka o pumatay sayo.)










Ms. Temper Meets Mr.Psycho And Crazy GuyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon