Chapter 2 Exam

75 4 0
                                    

The day of the exam

"Hoy Eula bakit tulala ka na naman diyan? Tanong ni Kristy sakin.

"Wa-wala naman besh medyo kinakabahan lang ako dahil sa naisip ko na Last year na natin dito at kailangan kong i keep ang pagiging 1st placer ko upang maging valedictorian, ayokong masayang ang lahat ng effort ni mama upang tustusan ang mga bayarin dito. malungkot na sabi ko.

'Ano ka ba Besh. wala yan. kayang-kaya mo yan lagi mo naman siyang natataasan diba? Ikaw pa ba? Pagpapalakas ng loob sakin nito.

Napangiti naman ako sa ginawa nito
Kaya naman medyo napanatag ang loob ko.

Natigil ang pag-uusap namin ni Kristy nang tawagin kami ng nakaupo sa harap upang ibigay na ang test papers.

Break time

Habang nakapila kami ni Kristy sa canteen ay napangiti ako dahil habang nagsasagot ako kanina ay tila napakadali sa akin ng mga tanong sa exams. Maya-maya ay ibinigay na ang pagkain ni kristy kaya naman umuna na itong pumunta sa paborito naming mesa. hindi naman lumipas ang ilang minuto at ibinigay na rin ang sa akin.

Lalakad nalang ako papunta sa mesa na inuupuan namin ni kristy ng biglang may sumagi sa hawak kong tray. Natapon halos lahat ng mga pagkain pati na rin ang juice sa baso at nagmantsa na ito sa uniform ko. Nag init agad ang ulo ko ng mga oras na yun at sunod-sunod nang lumabas ang mga maiinit na salita sa bibig ko.

"Bulag ka ba ano bang problema mo ha" sigaw ko.

"I'm sorry. sagot nito. Nagulat ako ng makita kong si carlo ang nasa harap ko pero imbis na tumigil ang bibig ko ay lalo lang itong naglabas ng maaanghang na salita .

"So ganyan ka pala are you doing this para masira ang pagkoconsentrate ko sa exam? nakakaawa ka. balita ko puro review na ang ginawa mo. masyado kang try hard. sa totoo lang hindi na ako nag review kagabi dahil alam ko naman na ikaw lang ang taong makakalaban ko dito. masyado kang mababa para sakin hindi tayo magkalevel". at pagtapos non ay walang lingon na akong umalis.

Dumiretso ako sa restroom. pagdating ko don ay tyaka ko lang napansin na wala pala akong dalang extrang damit. Nasa locker ko pa pala ang mga iyon at nakalimutan kong kumuha bago pumunta dito. Papalabas na sana ako ng saktong nakita ko sa malayo si kristy na papunta na dito at may dalang p.e uniform na nasa plastic. kasama na rin ang mga sabon at shampoo .

Pag bukas ko ng plastic ay napansin kong dalawa ang p.e uniform. "Bakit dalawa dinala mo besh?" Tanong ko.

"Ah ayan ba baka kasi mailang ka kasi ikaw lang ang iba ang suot kaya ako na rin sabay na rin tayong maligo"

Napangiti ako. " Thanks besh the best ka talaga ".

" Alam ko naman yun." nakangiting sagot nito

Pagdating namin ni Kristy sa classroom ay napatingin agad ako sa seat ni Carlo. Nakayuko ito, sigurado akong napahiya ito at nagpapalamig lang ito ng ulo kaya nakayuko, naalala ko nanaman ang mga pinagsasabi ko, hindi parin ako makapaniwala sa mga nasabi ko dahil sa pagkakabangga nya sakin. napabuntong hininga ako" bwisit kahit kailan itong matalim na dila ko lagi ang nagpapahamak sakin.

Napayuko nalang ako at hinayaang lumipas ang oras upang ilibing sa limot ang mga iniisip ko at ibaling sa mga susunod na mga exam.

Ms. Temper Meets Mr.Psycho And Crazy GuyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon