Chapter 50 The Wedding

7 3 0
                                    

   Hindi makatulog si Kristy ng gabing yun. Alam niyang peke lang ang kasal pero hindi niya maiwasan ang mag-alala. "everything is not real". Paulit-ulit na sabi ko nalang sa sarili ko para mabawasan ang pag-aalalang nararamdaman ko.

Tumayo ako at bumaba sa para uminon ng malamig na tubig sa kusina. at habang umiinom ako ay tinawag ako ni kuya Bryle.

"Oh Kris bakit hindi ka ba natutulog? Kinakabahan ka ba?"

Tungo lang ang tanging naging sagot ko.

"Wag kang mag-alala hindi naman tunay ang kasal nyo. kaya matulog ka na at baka magka eye bags ka pa. "

On Wedding day.

Kasama ko si Eula sa loob ng kotse. nasa loob na sila mama,papa,lolo at ang iba pa at ako nalang ang hinihintay pero hindi ko maigalaw ang mga paa ko palabas ng kotse.

"Besh tayo na, sisiw lang yan." Pangpalakas ng loob na sabi sakin ni Eula.

"Parang ayaw ko ng ituloy besh." kinakabahang sagot ko.

"Ano ka ba. kayang-kaya mo yan eh. pag-ako nabwisit sayo hahampasin kita nitong hiniram kong high heels. "at tumawa ito.

"Sa harap ka lang para makita kita ah. "

"Syempre naman. tara na at baka hinihintay na tayo sa loob."

Bumaba na ko ng kotse. at lumakad papunta ng simbahan. at nang nasa pinto na ko ay napahinto ako.

Huminga ako ng malalim at lumingon sa likod ko.

Nakatingin parin sakin si Eula. sumenyas ito na pumasok na ko sa loob kaya naman dumiresto na ko.

Hindi nagtagal ay dumating na ang kakilalang pari ni papa at kinausap ito kaya naman nilibot ko ang paningin ko sa loob. at nagulat ako ng makita ko doon si Jp. mabilis ko itong nilapitan.

"Anong ginagawa mo dito?"

"Wow ganda mo ngayon ah. kasama ko si Ericka. at bigla itong umupo sa upuan ng organ. ako ang tutugtog dito. "

"Ha? I-ikaw? marunong ka ba?"

"Oo naman. at pagsagot nito ay biglang dumating si Ericka."

"Surprise." nakangiting bati nito.

"Paano nyo nalaman to?" nagtatakang tanong ko.

"Sinabi sakin ng parents mo umpisa palang. plano talagang i-surprise ka." nakangiting sagot nito. " tyaka si Jp ang tutug-tog nitong organ. "

"Seryoso?"

"Oo naman. pinag practice ko pa nga yan. gusto mong malaman ang tutug-tugin niya?"

"Ano?" tanong ko.

"Wedding dress ni Taeyang."

"Weh? kabisado niya?"

"Syempre naman. kakabisaduhin niya yan dahil sakin." at tumawa ito ng mahina. "sabi niya kakayanin niya daw lahat para sakin eh. ahhahaha magdusa siya. "

"Maya-maya ay nagumpisa na ang seremonya. "

Insert wedding dress by taeyang


Hinatid na ko ni papa sa altar. Habang naglalakad ay napatingin ako kina mama sunod kay kuya Bryle at kay Eula. Huling sumagi ang paningin ko kay Tommy na nakatayo na sa harap kanina pa.

Pagdating ko ay nagkatinginan kami ni Tommy. at napahinga ito ng malalim. Napangiti ako mukhang mas kabado pa ito sakin. Una itong tinanong ng pari.

"Lalaki tinatanggap mo ba si Kristy perez bilang iyong kabiyak at sumusumpang mamahalin siya sa hirap at ginhawa?"

Huminga ulit ito ng malalim bago magsalita." Opo father."

At bumaling naman ito sakin. "At ikaw babae tinatanggap mo ba si tommy rivera bilang iyong kabiyak at sumusumpang mamahalin siya sa hirap at ginhawa?"

"O-opo father." medyo nauutal pang sagot ko.

At bumaling ito sa mga bisita. "Kung sino man ang tumututol sa kasalang ito ay tumayo at magsalita. "

Biglang tumayo si papa. "Father sandali lang at iihi lang ako."

At nagsitawanan kaming lahat.

Napangiti ako napansin siguro ni papa na kinakabahan ako kaya naman nagpatawa ito upang mabawasan ang kaba namin.

"Wala ?" nasabi ng pari.

"Kung ganon oras na para sabihin ko to. I now pronounce you husband and wife. "at bumaling ito kay Tommy." you may now kiss the bride. "

Unti-unting lumapit ang mukha ni Tommy palapit sa mukha ko . kaya naman hindi ko napigilan ang hindi pumikit.

at naramdaman kong dumampi na ang mga labi niya sa labi ko.

Nanginig ang buoung katawan ko. parang may mga kuryente ang labi ni tommy. na dumaloy sa buong katawan ko.

"Mabuhay ang bagong kasal." narinig kong sigaw ni Ericka. at sinundan na rin ng iba pa.

Napatingin ako kay Tommy. nakangiti ito. nabalot ng saya ang pakiramdam ko. pero mabilis itong napalitan ng lungkot. pakiramdam ko ako na ang pinaka masayang babae sa mundo. bago ko maalala na peke lang pala to.

Ms. Temper Meets Mr.Psycho And Crazy GuyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon