Chapter 42 Love and Mystery

8 3 0
                                    

Umakyat ng stage si Jp pagkadala niya samin doon, at kinuha nito ang mikropono kay Jelo at tyaka ito nagsalita.

" Ericka Villanueva. This is for you." at biglang umakyat na rin sa stage sina Noel at Jelo at nag umpisang tumunog ang malaking speaker sa malapit.

Insert kard Rumor.

Simula palang ng performance nina Jp ay nagsigawan na agad ang mga tao. mga babaeng sinisigaw ang pangalan ni Jelo dahil ito naman talaga ang pinakagwapo sa tatlo. hanggang sa hindi ko namalayan ay natapos na ang performance ng tatlo. tyaka biglang tumunog ang phone ko mula sa loob ng bulsa ko. dali-dali kong kinuha ito tyaka tiningnan ang text message ng isang unknown number.

(Don't focus too much or i might kill you. Tin.) at nag send ito ng pic ko habang nakatingin ako ngayon lang sa stage. Biglang nanginig ang mga kamay ko dahil sa nabasa ko.

Pero imbis na tumakbo nanaman at magtago sa clinic ay pinilit ko na gawin ang iniisip ko upang matapos na to.  Kusang pinindot ng mga kamay ko ang call sa number na nag send sakin non at.

Ring ,Ring ,Ring ,Ring. narinig ko ang ring sa gitna ng mga tao. gumalaw ang mga paa ko papunta don sa tunog na yun at nagulat ako sa nakita ko.

"Bea?"

"Eu-eula?"

"I-ikaw si Tin bea?"

"Ha?"

Hinablot ko ang phone mula sa mga kamay nya. at tama nga ang hinala ko. si Bea ang taong natawagan ko.

"I-ikaw nga si Tin."

"A-ano bang sinasabi mo ha?"

"Pwede ba wag ka ng magdahilan!" Napasigaw na ko.

Hindi na rin ito nagsalita ng biglang tumunog ang phone ko.

(I can't believe you really did take my bait Noelle . You're already dead if i set a bomb in there.) at biglang may malakas na tumunog.

Nagsigawan at napatingala ang mga tao.

Fireworks

at tumunog ulit ang phone ko.

(Please be more careful Noelle . It's not even the main event.)

"Eula ano bang nangyayari sayo?" Si Bea.

"W-wala to. T-teka paano nga palang ikaw ang natawagan ko?"

"Ah may nakitext kasi sakin kanina. hindi ko naman alam na ikaw ang tinext non. kinuhaan ko pa nga sya ng picture habang naglalakad paalis eh."at ipinakita nito ang picture na sinasabi niya.

Nanlaki ang mga mata ko ng makita ko yun. Nakaitim na matangkad na lalaki at may hawak na camera . Hindi ako pwedeng magkamali . siya ang stalker ko. ang lalaking nasa picture ay walang iba kundi si Tin.

"O-ok ka lang?"

"Ha?"

"Mukha kasing namumutla ka."

"Ah eh w-wala toh."

"Sigurado ka?"

"Bbbbeeeesssshhhhh." Sigaw ni Kristy ng makita nya ako mula sa malayo. at tumakbo ito papunta sakin.

"Bakit bigla kang nawala?"

"Aahh eehh. May tinanong lang ako kay Bea." Dahilan ko.

Tumungo naman si Bea bilang pag sang-ayon sa sinabi ko.

"A-ano palang nangyari kanina?" ako naman ang nagtanong dito.

"Ayun pagkatapos ng sayaw eh nagsalita si Jp nang ganto." "Will you be mine again bal?" " Pag-iisipan ko pa nga. sagot naman ni Ericka. "

Tapos nagsigawan ang mga tao ng booooo. "Give him a second chance. "

At ayun na umoo na ulit si Ericka at biglang may fireworks na biglang lumabas kaya naman lalong nagsigawan ang mga tao.

"Ngayon lang ako nainggit besh. ang romantic pala ni Jp." nakangiting sabi pa nito.

Pero wala talaga sa sinasabi ni Kristy ang isip ko kundi sa nangyari kanina.

Tumingin ako sa direksyon ni Bea at napansin wala na ito. kaya namn niyaya ko na si Kristy na puntahan sila Ericka.





Ms. Temper Meets Mr.Psycho And Crazy GuyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon