Chapter 3 Fall

47 4 0
                                    

Habang naghihintay ay nakaramdam ako na tila may mga mata na para bang nagmamasid sa akin.

Tumingin ako sa paligid pero lahat naman ng kaklase ko ay pawang nakayuko rin tulad ko kaya naman kinabahan ako,pero mas pinili kong wag nalang pansinin at yumuko nalang.

Nakampante ang loob ko nang ibigay na ang test papers, mabilis na natapos ko ang math subject at tingin ko ay mataas din ang magiging score ko dito. Ngunit habang hinihintay ko ang ibang matapos ay naramdaman ko na naman na parang may nakatingin na naman sa akin.

Hindi ko napigilan ang hindi suriin ang paligid ko. Halos lahat sila ay gumagawa pa maliban kay Carlo ang laging second best si Tommy ang top 3 ng klase at si Bea ang currently 4th place sa school namin, Sinubukan kong wag nalang ulit pansinin ngunit lalo lang akong kinabahan.

Yumuko ulit ako dahil baka mawala rin itong nararamdaman ko kapag ginawa ko yun pero imbis na mawala ay tila lalo pang nag-iba ang pakiramdam ko at hindi ko na napigilan ang sarili kong tumayo.

Nagulat sa akin si mrs cabrera at tinanong ako kung bakit." May i go out ma'am.yun lang ang salitang lumabas sa bibig ko.

Nang makalabas na ako nang room ay mabilis akong tumakbo pababa. Pero biglang umikot ang paningin ko. naalala kong hindi pa pala ako kumakain kanina. napakapit ako sa hawakan ng hagdan para hindi ako mahulog. tyaka ako umupo doon upang magpahinga.

Hindi nagtagal ay nakaramdam ako ng mga yabag papalapit sa akin at biglang nabalot ng takot ang buong katawan ko. Napatayo at lumingon ako pero hindi ko na nakita kung sino man yun dahil mabilis na tinulak ako nito at nagdilim na ang paningin ko.

Ms. Temper Meets Mr.Psycho And Crazy GuyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon