Chapter 26 Finding Ms. Popular

10 3 0
                                    

   "Cj sa ayaw o sa gusto mo ay kailangan mo ng tulong ni Eula para hindi ka mapauwi ng lolo mo sa states, kaya naman bukas na bukas din ay kumbinsihin mo siya na i tutor ka.

Matalim na tinignan lang ni Cj ang ama.

"Okay let's make a deal, kapag naipasa mo ang ibibigay namin na exam sayo I'll give you anything you want."

" Anything dad?"

" Yes, Anything

   Biyernes. 

"Ano? akala ko ba eh ayaw mo,bakit biglang nagbago ang isip mo?"  naguguluhang tanong ko Dito.

"Wag ka nang maraming tanong basta turuan mo nalang ako tapos." Timing sagot nito. 

"Ayoko."

"Ha? bakit naman "

"Paano pag nag-tutor na ko sayo  tapos wala ka namang  natutunan, baka magalit pa ang mga magulang mo sakin at masira ang image ko sa school kaya wag na lang"

"Bakit ba iniintindi mo ang ibang tao? i-tutor mo ko yun na yun."

"Ayoko nga sabi, unang tingin ko palang sayo hindi ka na seryoso eh."

"Madali lang naman yun eh hindi ko lang sini-seryoso."

"Talaga lang ah  sige nga, anong mas malaki araw o buwan?"

"Araw  syempre ."

"Bakit araw ang sagot mo."

"Anong bakit? basta araw yun na yun nagtatanong ka pa kung bakit baliw ka ba?."

"Eh ilan ang buwan sa Venus?"

"Ewan ko."

"Sabi ko na eh,basic knowledge sa high school hindi mo alam."

"Baliw ka ba? magbasa magsulat at magbilang ang basic knowledge tyaka makakapaghanap kaba ng trabaho pag alam mo kung ilan ang buwan sa Venus ha? bobo ka yata eh."

"Oh my god grabe kang tao ka, walang mangyayari satin dito, ayoko, hindi kita tuturuan kakaiba ang takbo ng utak mo Cj."

"Dami mo pang sinasabi, natatakot ka lang naman na pagtinuruan mo ko eh baka ako pa maging valedictorian sa school na to."

"Ano ikaw valedictorian? alam mo ba yang sinasabi mo? tingnan mo nga ang score mo sa score ko ng maliwanagan ka."

"Eh bakit ayaw mo kong turuan." 

"Sige tuturuan kita. pero pag bumagsak ka sa susunod na exam ako mismo ang unang tatawa sayo."

"Baka bumagsak."

"Talaga lang ah"

   Lumapit si Carlo kay Kristy.

"Kristy kelan pa nag umpisang mag-usap yang dalawa?"

" Ewan, go ask her yourself" mabilis na sagot ni Kristy dito.





    12:30. Pagtapos kumain nina Eula at Kristy sa cafeteria ay sumaglit si Eula papunta sa principal's office para magtanong.

"Sir pumayag na po akong turuan si Cj, kailan po ba ako maguumpisa? "

"Sa lunes na ang umpisa Ms Mendez"

"At tyaka yung sa payment po sir, saan ko po yun kukunin?"

"Sa akin iha bakit kailangan mo na ba?"

"Ah hindi pa ho gusto ko lang pong malaman."

"So any other questions?"

"Ah wala na po aalis na po ako."

"Sige umuna ka na."

    Pagkalabas ko sa principals office ay bumalik agad ako sa canteen para puntahan si Kristy. 

"Besh pupuntahan ko si Ericka mamaya gusto mong sumama?" tanong sa akin ni Kristy pagkaupo ko.

"Uhm" Biglang pumasok sa isip ko na tinulungan na rin pala ako ni Ericka noong tinawag nito si Carlo para ihatid ako sa amin kaya naman tama lang na i return ko ang favor. "Oo sama ko"

   Pagtapos ng klase ay tinawagan na agad ni Kristy ang driver nila upang sunduin kami. At quarter to 6 na rin ng makarating kami sa tapat ng bahay nila Ericka.

Hindi naman kami nahirapan dahil nakita agad namin siya sa labas ng pinto nila habang tila may kausap sa phone.

Nilapitan ito ni Kristy.

"Ericka bakit hindi ka pumapasok? at tyaka bakit ganyan ang damit mo? hindi ba dapat eh Bts,Monsta X,Exo,at Got7 yang damit mo? bakit naging R breezy yan?"

"Sa loob na tayo mag-usap walang buhay sa sagot nito."

Ms. Temper Meets Mr.Psycho And Crazy GuyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon