Chapter 15 Stalker

22 3 0
                                    

Bago kami magsi-uwi kahapon ay napagusapan namin ni kristy kung anong gagawin namin kinabukasan at napagdesisyunan na namin na magkita ng alas dos para manuod ng sine, at ngayon ay nandito na ako sa isang mall at hinihintay sya.

Maya-maya ay dumating na din si Kristy at dahil medyo matagal pa ang movie ay naglibot-libot muna kami at nagtingin tingin ng mga damit, nang  hindi sinasyadyang nakasalubong namin ni Kristy sina Carlo at Ericka.

"Kamusta buti naman at nakauwi ka ng maayos kagabi" nakangiting sabi ni Carlo.

"Oo nga eh salamat sa pag aalala".

"Gusto nyo bang mag meryenda? treat ko." si Carlo pa din.

Sasagot sana si Kristy pero inunahan ko na siya. "Wag na salamat nalang sa offer nagpapalipas lang kami ng oras ni kristy manonood kasi kami ng movie".

"Ah ganon ba sige next time na lang" at nagpaalam na sila carlo.

"Grabe besh ah kayo lang ba ang tao kanina at hindi manlang ako nakasingit sa usapan nyo, tyaka ano yung tungkol kagabi? diba tayo ang magkasama kagabi? "

"Hay nako wag ka na ngang madaldal dyan at bumili ka na lang ng popcorn at mag uumpisa na yung movie. "

"Tssss iniiiba yung usapan eh oo na bibili na"

Naguumpisa pa lang ang palabas ay nakakatakot na agad ang mga nangyayari sa movie, kaya naman nakatutok lang ang mga mata ko sa palabas.

Lumipas ang mga minuto at biglang tumunog ang phone ko pagkabukas ko ay nagulat ako sa nakita ko.

Mga kuha namin ni kristy habang nanonood ng sine, biglang nanginig ang mga kamay ko at muntik ko nang mabitawan ang phone ko. Napatingin ako kay Kristy, gusto kong sabihin sa kanya ang mga nangyayari pero biglang nagbago ang isip ko nang mapansin ko ang ekspresyon ng mukha nya.

Naalala ko na matatakutin nga pala si Kristy at ako lang ang dahilan kung bakit sya nanonood ng horror movie ngayon na insidious 3, napalingon nalang ako sa lugar kung saan kami kinuhaan ng litrato ng misteryosong taong yun ngunit puro mga nanonood lang ng movie ang mga tao dun. Kailangan naming umalis ni Kristy. Maaari kaming saktan ng taong yun katulad ng ginawa nito sa akin kaya naman mabilis na hinila ko ito palabas.

"Bakit tayo lumabas eula anong problema?" Takang tanong ni Kristy

"A-ano kasi naiihi na ako kaya magpapasama ako sayo" dahilan ko.

"Ikaw magpapasama sa cr?"

"Oo ayoko kasing umihi ng magisa nakakatakot kasi eh"

   Makalipas ang ilang minuto ay nakampate na kong lumabas ng Rest room.

"Ang tagal mong umihi besh ah ilangmiligrams ba laman niyan? "

"Lakas ng tama mo noh, sa totoo lang  napapangitan lang ako sa palabas kaya hinila na kita ang boring kasi.

"Ganon ba sa tingin ko nga rin boring yung movie hindi ko lang sinasabi sayo"

"Gusto mo maglibot libot nalang tayo tyaka gusto mo bang kumain? nagugutom na din kasi ako eh "

"okay sige ikaw ang bahala "

5:30 na ng napagdesyisyunan naming  dalawa na umuwi. At Dahil anong oras na rin naman ay napagpasyahan nya na sa iskinita nalang dumaan para makauwi agad.

Medyo matagal na rin akong naglalakad ng makaramdam ako na tila ba may nakasunod sa akin.

Ngunit dahil madilin ay wala naman akong nakikitang kahit na ano.

Binilisan ko ang lakad dahil nag uumpisa na din akong matakot.

Pero habang naglalakad ay nakakita ako ng isang batang maliit na binubully ng dalawang batang hamog na mas malaki dito. Biglang nagbalik sa isip ko ang mga alaala ng pambubully sa akin ni Katrina at nag init bigla ang dugo ko.

"Hoy tigilan nyo nga yan, maliliit lang ba ang kaya nyo?" Sigaw ko sa mga ito na nagpatakbo sa dalawang batang hamog palayo.

Nilapitan ko ang bata." Okay ka lang ba?" tanong ko sa dito at tanging tungo lang ang naging sagot nito.

"San ka ba nakatira, gusto mo hatid na kita sa inyo?" umiling naman ito at tyaka lang nagsalita ma-marunong p-po a-akong umuwi m-mag isa, timing sabi nito.

"Ganon ba sige umuwi ka na"

Nang hindi ko na makita ang bata ay tyaka lang ako nag umpisang maglakad.

At nang ihahakbang ko na ang mga paa ko ay bigla akong makarinig ako ng tunog ng camera .

Click

Napalingon ako sa pinanggalingan ng tunog at nanginig ako sa nakita ko.

Isang taong nababalot ng itim ang nakatayo  sa dilim habang hawak ang isang itim na kamera.

May pinindot ito sa hawak nito at biglang may malakas na tunog na lumabas galing dito.

"I'm always watching you noelle i always am and always will" ang sabi ng tila robotic voice mula sa speaker nito.

At matapos ang tunog na yun ay nag umpisa na itong lumakad papalapit sa akin.

Tyaka lang biglang gumana ang mga paa ko at tumakbo ako ng sobrang bilis  ng dire-diretso. Lakad takbo ang ginawa ko at wala akong ibang inisip kundi ang makalayo sa taong yun.

Lumingon ako sa likod ko upang tingnan kung may nakasunod pa sa akin. At hindi sinasadyang may mabangga ako sa harap.

At nagulat ako nang makita ko kung sino.

Si Carlo

Ms. Temper Meets Mr.Psycho And Crazy GuyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon