Chapter 44 Found

6 3 0
                                    

"15 minutes na ah ang tagal naman ni Eula." Nasambit ni Cj dahil sa sobrang pagkainip.

"Sandali at tatawagan ko." Si kristy.

kinuha ni Kristy ang phone niya sa bulsa at agad na idinial ang number ni Eula. nakailang tawag ito ngunit tila nakapatay ang phone ni Eula dahil sa hindi manlang ito nag ri-ring.

" Ano ba  bakit hindi ko matawagan tong si Eula". Nasabi nalang ni Kristy bakas sa mukha ang pag-aalala nito.

"Baka naman low batterty lang yun wag ka masyadong mag-alala Kris". Si Tommy.

"Hindi pwedeng mangyari yun Tommy ni hindi niya nga ginagamit ang phone nya kung hindi pang text at hindi siya mahilig mag games. Since 1st year kaibigan ko na sya at hindi ko pa siya nakikitang malowbat kahit isang beses. "

"You mean she might be missing right?" Si Carlo.

"It's not that. it's just. at napabuntong hininga si Kristy. kanina pa siya parang wala sa sarili. ni hindi ko siya makausap ng maayos kanina dahil laging lumilipad ang isip niya. maybe not pero tingin ko kailangan natin siyang hanapin."

Napaisip si Carlo sa sinabi ni Kristy. at bigla niyang naalaa ang tungkol sa muntik ng pag-sagasa kay Eula." tara let's go search for her." at napatayo na si Carlo sa pagkakaupo niya.

Magkakasama nilang pinuntahan ang pinakamalapit na C.R sa Library. Kinatok nila yun. "Eula andyan ka?"

Ngunit walang sagot mula doon. Sinubukan nilang buksan ang pinto ngunit tila nakalock yon dahil hindi bumubukas kaya naman sumigaw nalang ulit sila.

" Eula andyan ka ba? Ngunit tulad ng una ay wala paring sagot mula kay eula kaya naman umalis na sila para maghanap sa ibang restroom.

Nang hindi parin nila mahanap sa pangatlong C.R na napuntahan nila ay napagdesyisyunan nilang maghiwa-hiwalay. Si Cj at Carlo at si Kristy at Tommy ang magkasama.

Nilibot nila ang buong school ngunit hindi parin nila makita si Eula kaya naman naisip ni Carlo na magtanong sa guard.

"Kuya naalala mo yung babaeng laging kasama namin? Napansin nyo ho ba syang lumabas?"

"Wala pang lumalabas dito simula kanina. " sagot naman ng guard.

"Ganon ho ba?"

"Oo ."

"Sige ho salamat."

At tinawagan ni Carlo si Tommy para sabihang magkita-kita nalang sa library at baka nandon lang si Eula at hinanap rin sila.

Ngunit nang magkita-kita silang apat sa library ay walang kahit na anong bakas ni Eula ang nakita nila.

Tinawagan ulit ni Kristy si Eula. Ngunit hindi parin ito matawagan kaya lalong nabalot ng pag-aalala si Kristy. " Anong gagawin ko. Nasan ka ba na Eula." Nasambit ni Kristy.

" Napuntahan na natin lahat ng C.R right?" tanong ni Carlo.

"Oo naman." Si Cj.

"Kung ganon nasan naman kaya siya?"

At Biglang napaisip si Carlo." Pumasok ba kayo sa lahat ng C.R. na pinuntahan nyo Tommy?"

"Oo naman." sagot nito.

"Ganon din naman ang ginawa namin ni cj ah. "Nang biglang naalala ni Carlo na hindi pa pala lahat ng C.R ay nabuksan na nila dahil mayroon pang nag-iisang C.R. na hindi nila nabubuksan.

At yun ay ang pinakamalapit na C.R dito.

Biglang napatakbo sa labas si Carlo.

"Hoy saan ka pupunta." Si Tommy. at napasunod nalang silang tatlo dito.

Kinatok ulit ng kinatok ni Carlo ang C.R at sumigaw na rin sya ng sumigaw ngunit tila wala talagang tao sa loob.

"Ito nalang ang hindi natin nabubuksang C.R imposibleng magkamali ako." si Carlo.

"Kailangan natin ng susi." si Cj.

" Kukunin ko ang susi ng cr sa guard." Pagboboluntaryo ni Tommy.

"Sasama ako." Si Kristy.

At sabay ng bumaba sina Tommy at Kristy.

Sinipa naman ng sinipa ni Carlo ang pinto kaya naman gumaya na si Cj.

Nang makarating na sina Tommy at Kristy sa baba ay agad nilang hiniram ang susi ng C.R na malapit sa library.

"Sandali lang" ani ng guard . At kinuha nito ang susi sa bulsa nito ngunit wala na ito doon. " Alam ko may nanghiram sakin nun kanina at naalala kong binalik niya na eh. at hininap na nito sa lahat ng bulsa nito ang susi ngunit hindi na talaga ito makita.

Tinawagan ni tommy si Carlo.( Nawawala ang susi sa C.R na yan Carlo.)

(Ano? Kung ganon tama nga ang hinala ko. Nandito si Eula sa loob. at may nagkulong sa kanya.)

" Ano daw?" tanong ni Cj kay Carlo.

"Nawawala yung susi sa C.R na toh."

"Fuck! ibig sabihin kailangan natin tong sirain."

"Wala ka bang pwedeng gamitin Cj? "

Nag isip ng malalim si Cj. Hanggang sa may naisip na ito." Sandali lang ako. paakyatin mo na rin sila Kristy. "

Halos saglit lang ay bumalik na si Cj sa kinaroroonan ni Carlo at may dalang malaking maso.

"Saan mo nakuha yan?"

"May tulong din pala toh." nakangiting sabi ni Cj at hinampas na nito ang pinto.

Pagkasira ng pinto ay tinawag ulit nila si Eula.

"Eula andyan ka ba?" sigaw nila pareho.

Napaangat ang ulo ni Eula ng marinig ang boses nila Carlo at Cj.

"Eula andyan ka ba?" sigaw ng dalawa.

"Oo nandito ako sa toilet"  Sigaw ko na rin.

Pagtapos ay narinig kong hinahampas na nila ang pinto ng matigas na bagay. Hanggang sa masira na yun at bumungad sakin ang dalawa.

Akala ko hindi na ako makakalabas. Sobrang natakot ako. Nabalot ng saya ang pakiramdam ko. Ngunit biglang nagumpisang tumulo ang mga luha ko.

At noon din dumating si Kristy at mabilis na lumapit sakin tyaka ako niyapak ng mahigpit.

Pagkayakap niya sakin ay naramdaman ko ang mga luha nito mula sa balikat ko.



Ms. Temper Meets Mr.Psycho And Crazy GuyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon