Chapter 25 Knowing Secrets

9 3 0
                                    

Kinabukasan


   Pagpasok ko palang sa loob ng gate ay sinalubong na agad ako ni kristy, napag-usapan na kasi namin na hihintayin nya ako sa labas ng gate kagabi.


Habang naglalakad ay nadaanan namin ang mga babaeng nakasagutan ko ng kahapon at mabilis na nagsi-alisan ang mga ito ng makita ako.

Nang dumating kami sa classroom ay agad akong tinawag ni Mrs. Cabrera.

"Eula the principal is asking for you." napatingin ako kay kristy at ngumiti ito kaya naman dumiretso na ako sa principal's office.

Pagpasok ko ay imbis na ang principal ay si Cj lang at nakita ko sa loob.

"Nandito ka na? wala pa yung principal dito eh." at ngumiti ito ng nakakaloko. mababasa mo agad ang pagkainis sa mukha nito.

"Sabi ko na ganyan ang magiging reaksyon mo eh kaya naman i'm planning on declining the offer. "

"Talaga? eh anong mangyayari sa pagkavaledictorian mo? at tyaka baka ma kickout ka pa pag hindi mo sinunod ang principal?"

"Una sa lahat Cj this doesn't have anything to do with my becoming a valedictorian, pangalawa imposibleng ma-kickout ako dito sa school na to, hindi mo ba alam na almost 50 percent ng achievements ng school na to ay lahat sakin? if you say montello high my name is the first to come out kaya it's a big loss kung tatanggalin ako kaya imposible yang sinasabi mo."

"Kung ganon sabihin mo sa kanya yan pagdating nya ng maniwala ako sayo."

"Talagang sasabihin ko yun noh, I cant even stand you for a day paano kita tuturuan? "


Pagdating ng Principal ay umupo na ito sa harap namin ni Cj kaya naman mabilis na nagsalita na ako.


"Sir i'm really sorry, pero i'm going to decline your offer. "

"Bakit naman Ms.Mendez?" Takang tanong nito.

"I'm not really close with Cj and i don't think being friends with him going to ever happen kaya naman i've decided na tanggihan nalang ho kayo."

"It seems you already made up your mind Ms.Mendez."

"Ganon nga ho sir."

"If that's the case. then you can go."

"Salamat po" at at dumiretso na akong umalis.


"Cj hindi mo ba talaga naiintindihan ang sinasabi ko? your grandfather is going to come here in saturday ang he said he's going to take you to the states. Kaya naman sinabi ko sa kanya na maganda ang score's mo sa nakaraang exam at hindi sya naniwala. he said you need to retake the exam with him here.

"Bakit naman sa tono ng pananalita mo eh parang ayaw mo akong umalis? concerned ka na ba sakin ngayon?"

"I'm not gonna say anything, go to your class for now at sa bahay nalang tayo mag-usap."


"Ano besh tinanggihan mo na? " Agad na tanong ni Kristy sa akin pagdating ko. 

"Oo naman syempre delikado at baka magalit pa sakin ang parents niya kapag bumagsak parin siya kahit na tinuruan ko na diba kaya naman wag na lang. "

"Tama yan besh ililibre nalang kita mamaya."

"Sige lahat ng needs ko ah simula sa pc rent tyaka food and drinks."

"Oo na. at ngumiti ito."

"Teka besh tama ba yung rinig ko kanina na sa sabado na dadating si Mr. fake husband?"

"Oo daw sabi ni papa kaya kelangan ko daw paghandaan, lels ayoko nga bahala sila sa buhay nila. "

"Weh eh pano pag pogi? yung may abs "

"Pake ko sa abs hindi ko naman yun syo-syotain eh fake lang naman. "

"Anong walang pake eh paano pag mukhang paa? "

"Grabe ka naman paa talaga?"

"Oo noh. baka hindi ka umabot ng ten days wahahahaha"


Recess na nang dumating si Cj, Hindi ito nagpakita sa klase simula ng iwan ko sya don sa principal's office. Napatingin ito sakin at saktong nakatingin naman ako sa kanya kaya nagkatinginan kami. Malamig na titig ang sinalubong nito sa mga mata ko. madalas na ganon din ako dati at alam kong marami kaming similarities kaya ako na ang nag-iwas ng tingin dahil baka mabasa nya ang pag-aalala sa mga mata ko. Alam ko na ayaw nya rin ng kina-aawaan ng ibang tao. pagkaiwas ko ng tingin ko ay inilibot ko na rin ang mga mata ko at napansing wala si Ericka at Carlo kaya naman tinanong ko si kristy.

"Besh nasan si Ericka at tyaka si Carlo?"

"Absent si ericka ngayon besh tapos si Carlo naman nasa library nag-aaral na-naman siguro."


Kinabukasan. Pagpasok ko ng classroom ay bigla akong hinarang ni Cj sa pintuan.

"Hoy Eula payag na ako. itutor mo na ko."

Ms. Temper Meets Mr.Psycho And Crazy GuyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon