Chapter 43 Missing

6 3 0
                                    

Pagdating namin sa pinanggalingan na stage nila Ericka ay nakita agad namin ito kaya naman sabay-sabay na kaming bumalik sa classroom.

Nang makarating kami sa classroom ay nag-uumpisa ng magturo si Mrs.Cabrera kaya naman nag-si-upo na kaming lahat sa sari-sarili naming mga upuan. at habang nagtuturo si Mrs. Cabrera ay hindi parin maalis sa isipan ko ang pangyayari kanina. He can go in and out in this school. at alam kong isa lang ang ibig sabihin non. Isa sya sa mga estudyante sa school na to. Isa pa he can always watch my every move. at isa lang ang paraan para gawin yun. ang maging kasama ko sa klase. kaklase ko ang stalker ko.

At bigla kong naisip ang ipinakitang picture sa akin ni Bea. matangkad ang lalaking nakuhaan niya sa picture. at isa lang ang taong may kaparehong katawan sa stalker ko kundi si Carlo lang. Pero imposible hindi ko na ulit paghihinalaan si Carlo. dahil alam ko sa sarili ko. na hindi siya si Tin.

Natapos ang klase ay nagpaalam na ako kay kristy na pupunta na sa library pero sinabi nitong sasama ito sakin.

"Ano namang gagawin mo dun besh?" tanong ko.

"Mag-aaral. sagot nito. Isasama ko si Tommy."

"Sure ka ba diyan?"

"Oo naman." at tinawag nito si Tommy.

Pagdating namin lima sa library ay inumpisahan ko ng turuan si Cj. Halos nakakakalahati na kami sa itinuturo ko sa kanya ng makaramdam ako ng pangangailangang umihi kaya naman nagpaalam akong aalis saglit. at lumabas ng library para pumunta sa pinakamalapit na Comfort Room.

Pagtapos kong umihi ay tumayo na ko sa toilet at binuksan ang pinto ngunit ayaw na nitong bumukas. biglang namatay ang mga ilaw sa loob ng C.R. at biglang tumunog ang phone ko.

(Don't worry Noelle i'm not going to hurt you. cause we still have 1 week till the main event so i'm going to just lock you up here. also nilagyan ko ng acoustical foam ang gilid ng pinto para walang makarinig sayo kahit pa magsisigaw ka diyan. at tumawa ito. Please stay locked there dear Noelle.)

At pagkatapos na pagkatapos kong basahin ang phone ko ay bigla iyong namatay kahit mataas pa ang percentage ng battery non.

Biglang may tumunog mula sa kabilang toilet room.

(If you wondering about what just happened. I just sent a virus in your phone so you can't call anyone for help. Now you're going to feel what just exactly happened to my cousin because of you. And if you're wondering who she is. I'm going to tell you face to face. So please come to the main event. Tin.)

Ms. Temper Meets Mr.Psycho And Crazy GuyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon