Chapter 34 Confusion.

7 3 0
                                    

Bigla kong nabitawan ang phone ko dahil sa nabasa.

" Bakit besh?" tanong ni Kristy sakin kahit na medyo nasusuka pa ito. Dadamputin dapat nito ang phone ko pero inunahan ko na ito.

"Wa-wala toh besh." at pinilit kung ngumiti.

Napatingin ako kay Katrina at napansin kong nakatingin din ito sa akin. Mabilis itong nagbawi ng tingin.

Napatayo si Mrs. Cabrera nang mapansin ang nangyayari

"Bakit ano yun?" tanong nito.

"Ma'am may patay na daga." Si Carlo

"Ano?" at dali-dali itong lumapit sa harap ng desk namin.

"Ay dyusko." napahawak ito sa dibdib nito tyaka mabilis na nagsalita."Mga bata magsilabas muna kayo tyaka nasaan si Jp?"

"Wala po dito si Jp ma'am" paalala naman ni Tommy dito.

"Ganon ba? ikaw nalang Cj, tanggalin mo dito yung daga."

"A-ako?"

"Oo ikaw, kayong dalawa lang naman ni Jp ang pwedeng magtanggal niyan kaya bilisan mo." Pagkasabi nito noon ay dali-dali ng lumabas na si Mrs. Cabrera.

Napilitan si Cj na linisin ang durog-durog na katawan ng daga sa sahig gamit ang pinakapal na papel.

Nang biglang bumukas ang pinto ng room at nagulat siya na naging dahilan upang malaglag ang ulo ng daga papunta sa sapatos niya.

"Ay putcha" Napatalon si Cj sa diri. "FUCK bwisit naman oh ano ba yon ha." Pasigaw na baling ni Cj sa taong pumasok.

"Ah inutusan ako ni Ma'am na i-check kung tapos ka na, at mukhang hindi ka pa tapos." Si tommy.

"Ayan lang ang sasabihin mong bwisit ka pagkatapos malagyan ng daga tong sapatos ko ha. Hays kung pwede lang sinapak na kita eh." Galit na galit na sigaw ni Cj kay Tommy.

Ngumisi si Tommy tyaka nagsalita. "Nasa likod ng pinto yung walis at dustpan you idiot." at walang lingon likod nitong isinara ang pinto ng classroom.

Napatingin nalang si Cj sa likod ng pinto.

"Tangina bakit hindi ko naisip yun kanina, ang bobo-bobo ko naman." Padabog na lumapit ito sa likod ng pinto para kunin ang walis at dustpan.

Kararating lang nila Eula sa labas ng classroom dahil sinamahan niya si Kristy sa cr.

"Besh may pupuntahan lang ako saglit kaya mo na bang mag-isa?." paalam ko dito

"Alam kong kay Katrina ka pupunta." Biglang sabi nito na nagpahinto sa pag alis ko.

"Wag mo na siyang puntahan besh wala ka namang mapapala kapag kinompronta mo siya. "

"Wag kang mag alala sakin besh may kailangan lang akong malaman sa kanya."

"Pero."

"I'm going to be okay besh,lagi naman diba?"

Napabuntonghininga ito. "Hindi ka rin naman makikinig eh,sige na basta magiingat ka ah."

"Oo naman besh. thanks ah cover for me pag tinanong ako ni ma'am."

mula sa dulo ay nakita ko si Katrina.

Hinila ko ang kamay nito papunta sa rooftop.

"Do you really have to do that?" Pasigaw na tanong ko sa kanya.

"Wala akong alam sa sinasabi mo." Tila wala sa mood na sagot nito.

"Wala? eh yung reaksyon mo kanina? Dun palang alam kong ikaw na ang may gawa non."

"You're delusional Eula." at tumalikod na ito para umalis.

"Wag mo kong baliktarin Katrina."

"Pwede ba." biglang na sumigaw ito. "Hindi nga ako yun, wag mo akong idamay sa mga problema mo."

Nagulat ako sa reaksyon nito sa mga oras na yun, hindi ganon ang normal na Katrina na kilala ko. Hindi nito itatanggi ang mga bagay na ginawa nito. Maganda man o hindi.

"Kung hindi ikaw sino? Ikaw lang naman ang may galit sakin ng malaki para gawin yun ah wala nang ibang tao pa ang taong nakaaway ko sa tanang buhay ko.

"Ako lang? nagpapatawa ka ba? tumingin ka sa sa paligid mo, tingnan mo ang tingin ng mga tao sayo. At pag nagawa mo na yun, bumalik ka dito sa harap ko tyaka mo sabihin sakin na ako lang ang may galit sayo, such a delusional bitch. at lumakad na ito palayo.

"Sandali." sabi ko. "Hindi ba talaga ikaw? "

"This is the last time i'll say it Eula. I won't go that far."



Ms. Temper Meets Mr.Psycho And Crazy GuyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon