Chapter 4 Who's crazy?

43 4 0
                                    

Pagkagising ko ay nasa ospital na ako at ang unang nakita ko agad ay si mama. tinanong ko agad siya kung bakit kami nandito at mabilis naman na sumagot ito"Ma bakit nasa ospital tayo?"

"Hindi mo alam?" sabi ni kristy nahulog ka daw sa hagdan hindi mo naaalala?"

Tyaka lang sumagi sa isip ko ang mga nangyari, Sigurado akong may tumulak sakin pero sino at bakit? Ayun agad ang sumagi sa isipan ko.

Tinanong ako ni mama."may naaalala ka eula?"

Pero mabilis akong umisip ng dahilan dito dahil ayokong mag-alala si Mama . "Nadulas lang ako sa hagdan ma".

" Sigurado kang nadulas ka lang?"

"Oo ma nadulas lang ako kaya wag kang OA . tyaka gutom na ako ma wala ba tayong pagkain dyan?"

" Napangiti ito. sige kukuha lang ako ng pagkain."

Paglabas ni mama ay saktong dumating na si Kristy.

"Musta besh ilang isda nahuli mo?" Biro nito sakin.

"Pano ko manghuhuli nang isda eh wala naman tubig doon sa sahig."

"Eh bakit ka tumalon?"pangaasar pa nito."

"Gaga sino naman nagsabi sayong tumalon ako nadulas lang ako jombagin kita dyan eh noh kakainis ka". tyaka bakit may dala kang bulaklak mamamatay na ba ako?

"Kailan pa naging bulaklak ng patay ang red rose aber? "si Kristy.

"Ewan ko eh bakit kasi may bulaklak kang gaga ka".

"Hindi sakin galing to noh Kay Carlo sya ang nagbigay ng bulaklak."

"Bakit nya naman ako bibigyan ng bulaklak?"

"Apology daw sa nangyari kanina sa canteen. dahil dun daw at sakin pinaabot."

Tyaka naman pumasok si mama.

"Ano yang tungkol sa bulaklak na yan?" Singit nito.

" Wala ma apology lang daw" sabi ko.

"Apology pero red rose?" si mama parin.

"Wag ka ngang ano ma paabot nalang nyang pagkain nagugutom na ako."

"Oh eto na" at inabot na sakin ni mama ang pagkain.

"Besh una na ko hinintay lang talaga kitang magising bago ako umalis." Si Kristy.

" Sige besh ingat pero sino maghahatid sayo?"

" Nasa baba lang yun driver namin hinihintay talaga ako"

"Ganon ba sige ingat ka besh."

"Pagaling ka naman dyan." sabi naman nito, at nagmamadaling lumabas na ito.

Nang makakain na ko ay sinabihan ko na si Mama na umuwi dahil may pasok pa ito sa trabaho.

"Sure ka ayaw mong mag stay nalang muna ako dito?"

"Oo ma hindi na ko bata kaya ko na ang sarili ko. yung mga batang estudyante mo nalang ang intindihin mo.

"Akala ko ba hindi ka mahilig sa mga bata?"

"Oo pero hindi na naman kita need dito kaya umuwi ka na ma mas need ka nila kesa sakin gurang na ko oh. "

"Oh sige na uuwi na ko. maraming pagkain diyan kaya kumain ka lang ng kumain."

"Yes Ma. Go"

"Oo na nga. at lumakad na ito paalis. "

Nang maka alis na si mama ay natulog na ulit ako dahil talagang inaantok pa talaga ako. Kinabukasan ayna ng magising ako.

At dahil wala pa kong ginagawa simula ng dumating ako dito sa ospital ay naglakad-lakad ako sa labas.

At habang naglakad-lakad ako ay nagtaka ako ng makakita ng taong parang kilala ko. at tama nga ang hinala ko. si Cj ang naaaninag ko mula sa di kalayuan kaya naman nilapitan ko ito.

"Anong ginagawa mo dito? Wag mong sabihin na dinadalaw mo ko?" sarcastikong sabi ko dito.

" Baliw ka ba? bakit naman kita bibisitahin eh di ko nga alam pangalan mo wag ka ngang assuming dyang kulot salot ka."

Nagrindi ang tenga ko sa narinig ko tinawag nya akong baliw tapos kulot salot pa. Hindi ko napigilan ang sarili ko at bigla nalang dumampi ang palad ko sa pisngi nya. napasapo Ito sa natamaang kanang pisngi nito at umamba ng suntok.

"Sige ituloy mo. banta ko dito.

Napahinga ito ng malalim. tyaka nagsalita nang. " salamat ka babae ka kung hindi binanatan na kita. At mabilis itong lumakad paalis. at hindi pa ito nakakalayo ay nagpahabol pa ito. "Bwiset panira ng araw."

Ms. Temper Meets Mr.Psycho And Crazy GuyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon