Prologue

22 0 0
                                    

Naglalakad ako noon sa hagdan paakyat sa classroom namin. Nang bigla nalang tumunog ang phone ko. Agad na kinuha ko yon dahil baka importante ang mensahe sa akin.

Ngunit takot at pagtataka ang naramdaman ko noong makita ko ang message sa akin.

Picture ko yon ngayon lang habang naglalakad ako sa hagdan.

Napatingin ako sa lugar na pinagkuhaan sa akin ng litrato ngunit ni anino ng tao ay wala doon.

Binasa ko ang mensahe na nakasulat kasama ng litrato ko at lalo itong nagbigay ng kakaibang takot sa akin.

How have you been Noelle?
I've been meaning to visit you all this time but the timing is just not right. However the wait is finally over. The preparation is all complete. And I am ready to make you suffer the way i did. Your long time friend. TIN

Ms. Temper Meets Mr.Psycho And Crazy GuyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon