EP18: He did his best.

62 2 0
                                    

“Oh Cess san ka pupunta?”

“Tito alam niyo ba kung saan nagpunta si Jay at Leo?”

“Hindi ko alam eh, ano bang nangyayari at nagsisi-alisan sila, paano na ‘tong party mo?”

“Hindi ko nga rin po alam, gulong gulo na ako Tito :’( Ang pagkakaalam ko pupuntahan niya si Nadine ata yun. .kilala mo ba siya tito, alam mo ba kung san pupunta si Jay?”

“Aaahh. .si Nadine. .kaibigan siya ni Ryna. .”

“Kilala niyo po si Ryna?”

“oo naman, mahal na mahal yun ni Leo at palagi yun pumupunta dito noon. .kaso nga lang. .”

“Alam niyo po ba kung san nakatira si Ryna?”

“Oo naman iha. .Gusto mo bang ihatid kita sa kanila?”

“Pwede po ba? Alalang-alala na kasi ako kina Jay eh. .Kutob ko kasi dun siya nagpunta. .Kelangan kong malaman kung ano na talagang nangyayari tito. .”

“Sige iha. .Sakay ka na sa van at pupunta na tayo agad dun.”

“Talaga po?! Salamat ng marami tito!”

Dali-dali akong sumakay sa van. Kelangan kong malaman kung anong nangyari kay Ryna at kung nandun si Leo at Jay.

“Tito malapit lang po ba bahay nila dito?”

“Sobrang lapit lang iha. Wala pa ngang 5 minutes pag naka-wheels ka, pero kung lalakarin mo aabot siguro ng 10 minutes.”

Malapit lang pala. .Kaya pala nagkakilala sila. Siguro palaging nagkikita at nagkakasama si Leo at Ryna. Ang ganda siguro ng love story nila. .I wonder kung ba’t sila naghiwalay. .ano kayang nangyari? Haaaayy. .Ang hirap ng walang laman ang utak. Tsk!

“Cess dito ang daan papunta sa bahay nina Ryna, dumadaan ka dito dati, hindi mo ba naaalala?. “

Wala pa din akong maalala kahit katiting pero bakit ganun? parang sobrang saya ng pakiramdam ko.

“Actually sa long cut tayo dumaan, sinarado na kasi ung shortcut way eh, kung bukas lang ung daanan nay un naglakad na tayo pero since close nay un at kelangan mo ng alalay sa paglalakad, nag-van na tayo”

“Naglalakad po ako dito mismo sa lugar na ‘to? So nakita ko na po si Ryna?”

“Hindi lang nakita, magkakilala din kayo.”

“Magkakilala din kami?! Pero bakit hindi sinabi. .”

Nakakainis naman si Leo, akala ko ba ipapaalala niya sa akin lahat, eh bakit si Ryna hindi man lang niya mabanggi-banggit sa kin. Kaasar! Is she the only exception?

“Oh andito na tayo iha. .Teka bakit ang daming tao? May lamay ba?”

“Tito ibaba niyo na po ako, pakibilisan po.”

Pagkababang pagkababa ko sa van. .eto ang nadatnan ko. .

Paulit-ulit na sinusuntok ni Jay si Leo sa mukha, hawak-hawak niya ang kwelyo nito at sinisigawan. .kitang-kita ko sa mga mata ni Jay ang galit at lungkot. .kaso hindi man lang lumalaban si Leo. .kahit duguan na siya.  .

“Alam mo bang magdadalawang buwan na siyang nawawala?!!! Tulad ni Ate Cess nadamay din siya sa baha! Ang pinagkaiba lang hindi siya nakaligtas! Ni minsan ba inisip mo siya ha!? Hindi!! Ni minsan ba inalala mo kung anon g nangyayari sa kanya?! Tapos ang sasabihin mo mabuti at namatay siya?!! Hindi mo ba naiisip kung ano ang delubyong sinapit niya?!!Napaka-walang hiya mo!!!!"

Ano?! Dalawang buwan nang nawawala si Ryna?! At tulad ko, natangay din siya ng baha. .pero hindi siya nakaligtas :’( I feel sorry for her. Kung sana nabalian lang siya ng buto o nagka-amnesia, ayos lang. .pero hindi eh. .Patay na siya. .Bakit kelangan sabihin ni Leo na mabuti at namatay na lang si Ryna?!!! Akala ko ba mahal niya eto? Pero bakit ganito?!!

Switch Identity (ON-GOING)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon