Audition Day!
Cess' POV
Finally! Sa wakas! This day has finally come! I guess Plan A worked! Hindi nahalata ni Leo na dito ako pupunta. Hahaha I do really hope hindi siya makatunog, besides busy naman siya lagi sa mga bagong babae niya. Tssss! Anyways, saan ba magreregister? Dalawa naman yung pila? Hahaha dito kaya o dito? Hmmm.. Mukhang madaming event sa barangay ngayon ha 🤔 Confused for a while then suddenly...
"Pst! Ate ni Leo! Uy!"
Ate ni Leo? Ako ba? I turned around, I guess ako ata ang tinutukoy niya, and there I saw him. It's Carmelo. The guy na pumunta sa tapat ng bahay to announce the audition, the guy na kinamumuhian ni Leo dahil sa masamang tao daw ito at hindi katiwa-tiwala? Pero parang hindi naman, kung titignan he seems so friendly at parang hindi KJ. Ang neat niyang tignan and parang di naman siya asal squatter type na tao. And also, may itsura! Hahahaha kalma Cess! Kalma! Mag aaudition ka, hindi ka maghahanap ng pogi dito 😂
"Yun oh! Mag aaudition ka? Nakatakas ka sa kapatid mong war freak? Hahaha pinayagan ka niya?"
"Naaa, ssshhh, huwag kang maingay diyan, tumakas lang kaya ako. Hahaha Kita mo naman di ba galit na galit siya nung nakita kayo, lalong lalo na sayo, so expect mo na, ayaw niya talaga na sumali ako dito, sabi pa nga niya di naman daw ako singer, huwag na daw akong magsayang ng effort.. pssssh"
"Ay hala, tumakas ka? Buti hindi niya nalaman na andito ka."
"Hopefully hindi niya malaman, since nagpromise ako sa kanya na hindi ako pupunta dito, mas lalo nanaman magagalit yun pag nalaman niya"
"Napakastrict naman ni Leo. Ewan ko ba sa kapatid mo, hindi na siya nagbago, ganyan na siya eversince, ang sama lagi ng tingin sa akin lalo na nung naging kami ni Ryna 🤭"
"What??? naging kayo ni Ryna? So ikaw dahilan bat sila naghiwalay?!"
I was so shocked! Naging sila ni Ryna?! Kaya ba galit na galit si Leo sa kanya? 🤔
"Kalma hahahaha, hindi ako ang dahilan noh, break na sila noon, tska di rin naman kami nagtagal ni Ryna, but we became good friends though.."
"So alam mo reason ng break up nila?"
"Sa totoo lang, up until now palaisipan pa din sa akin yung reason, kahit anong pilit ko kay Ryna, ayaw niyang idisclose kung ano talaga nangyari before.. ikaw, baka alam mo reason?"
"Magtatanong ba ako kung alam ko? 🙄"
"Hahahaha galit agad? Binibiro lang eh hahaha"
Last 5 minutes to register po, kunin niyo na po numbers niyo dito then magsstart na tayo after 15 minutes.
"Hala, halika na, tulungan na kita magregister at baka di ka umabot kakamarites natin, hahahahaha!"
"SK Chairman ka ba dito? Haha Chikahin mo nga ako mamaya! Naiintriga ako! Hahahaha btw, Princess nga pala, you can call me Cess, para naman hindi mo na ako tawag tawagin na ate ni Leo, lols hahaha"
"Nice to finally meet you Cess, nga pala Carmelo is the name, you can call me Meloy or just Carmelo. Hihi alam mo nakikita lang kita noon, akala ko tomboy ka na suplada hahahaha, pero hindi pala! Napakagirly mo na! And lalo kang gumanda.."
"Luh! Bolero hahahaha so sino mas maganda? Ako o si Ryna?"
"Siyempre si Ryna hahahahaha icompare ba naman, minahal ko yun eh..."
BINABASA MO ANG
Switch Identity (ON-GOING)
RomanceNang dahil sa isang MALAGIM na trahedya magbabago ang lahat sa buhay ni Ryna at Leo. First Love and First Heartbreak nila ang isa't-isa. They were once a perfect couple. Pero wala na silang pakialam sa isa't-isa ngayon. Paano kung isang araw magisi...