EP3: Compare and Contrast

265 5 0
                                    

 [ Ryna's POV ]

OMG!! Si le-- le—le—yooooow!! Hep! Hep! Siya ba yun?! Oo! Siya nga!! Waaaaaaaa!! Shet! Pero ba't ganun parang pumangit siya, saka medyo umitim! Tahahahahaha! Mapang-asar ka pa din kahit kelan Ryna! Bwahahahaha! I need CHANGE! (Chowking*) Haaayyy. .but above all ng pang-aasar ko he's still cute :). Cute is for animals only. :P Kung ano siya noon, ganun pa din siya ngayon. Ano ba yan! Walang pinagbago! Buti pa ako meron! Lelz! Tama na nga ang pang-aasar! STOP!!---- Agad akong tumalikod at medyo lumayo para hindi ako makita ng taong yun..at para hindi nanaman mang-intriga 'tong mga kasama ko!

PERO......

“OMG! Si Leo pala yun!! Hahahahahaha!” sigaw ni Rein.

“Oo nga noh! Ayeeeee!”dagdag pa ni Joyce.

“Ate Ryna! It's your boyfriend naman pala! Wahahahaha!”   tuwang-tuwang asar ni Nadine.

“Tadhana nga naman. .Ayeeeeee”   kilig na sabi ni Joyce. 

Da Ef! Sila pa talaga ang kinikilig! Pwe! XD

“Muling ibalik ang tamis ng pag-ibig. .”

“*I remember the days....When you're here with me...*”

Too late na! Ang bibilis ng mga mata ng mga 'to!! Parang may powers o radar na sumasagip ng aura!! Tss!! Kaasar naman eh!! >.< Siguradong may balak nanaman 'tong mga 'to! Lord wag naman po sana! sign of the cross, amen.

“Ewwwww! Ang oldies nyo huh! Mga senior citizen!!” sigaw ko sa kanila.

“You are always gonna be the one And you should know...” sintonandong kanta ni Rein.

“I tried to run from your side... But each place I hide..It only reminds me of you”

Tinakpan ko tenga ko! Nakakabwiset na! Asar! Sa dinami-dami naman kasi ng pwedeng makita siya pa!! Pwede namang si Lee Min Ho nalang! Aaaarrrgggh!!

“Aaaarrgghh! Manahimik nga kayo! Sige! Hindi ko kayo ililibre :P”

“Hahaha!! Naiisip nyo bang naiisip ko?” sabi ni Rein.

“I know what you're thinking. .Wahahahaha!”   sabi ni Joyce.

“Hahahaha! Masaya 'to!” Bigla nalang hinawakan ni Nadine braso ko.

Waaaaaaahhhh!! Plano nila akong ilapit sa mokong na yun!!! TULONG!!! GUUAAARRRDDD!!! Mamang pulis!!!

“Muling ibalik na 'toh Ate!! Alam naman namin na love mo pa din si Papa Leo eh! Hahahaha!”

“Sus! Hindi na noh! Over my dead bones! Let go of me!!!! T_T”

“Weh? First Love never dies nga di ba???”

“Oh tapos?! Masasabunutan ko na kayong tatlo!! Ankulit nyo naman! Bitiwan niyo ng ako!!”

“Hahaha! Lumapit ka na Ate Ryna, say SORRY to him, malay mo magkabalikan kayo. .ahihihihi” sabi ni Joyce.

“Sus! Ilang beses na akong nag-sorry sa kanya! Sawa na ko! Enough na yun! Never na akong hihingi ng tawad sa kanya noh!!”

“Ang emo mo!! Hahaha! Lalapit na yan! Ayeeee!”

“Hoyst! Bitiwan niyo nga ako! Uy! Ano ba! Wag niyo nga akong ilapit sa kanya! Eeeee naman. .”

HEEEELLLLLPPP!! SOS!! Nakakahiya na!! pinagtitinginan na kami ng mga tao! Wa-poise na ko dito Kainis naman!! Let go of me!!!! WAAAAAAHHHHH!! I need JUSTICE!!!! GRRRRRR!!

“Uy! Si Ryna ba yun?” 

“Huh? Oo! Si Ryna nga!”

“Tara! Lapitan natin sila”

Napalingon nalang ako sa likod namin because someone with a familiar voice just called me.

“RRYYYNNNNAA!!!” sabay kaway.

Guess who? It's my 2nd EX-Boyfriend Carmelo Mendrez (See pic sa right side. Pogi di ba? Hahaha) ! O____O together with his barkada Jonathan and Roldan!! Save by the bell!!! Thank you Lord!

“Uy! Ryna! Haha! Ano naman pakulo niyo at nagwawala kayo dito?” sabi ni Carmelo.

“Ayna WOW!! Si Carmelo andito din!!!” sigaw ni Nadine.

“Kilig much! Antindi ng tadhana mo Ate Ryna!!”   asar na sinabi ni Rein.

“Ikaw na! The best ka Ate!! Hahahaha. .” naluluhang sabi ni Joyce.

Kainis talaga 'tong tatlong 'to kahit kelan!! Sarap upakan!! Aaaaarrgghhh!! Tsss. .Basta ako, with poise pa din akong humarap kay Carmelo.

“Oh. .Hi, kayo pala, napunta kayo dito?” mahinhin kong sinabi.

“Ang boring kasi dun sa amin eh, nakakabagot kaya eto, namasyal kami. .hehehe :p”  sabay kamot ng ulo. Ang Cute niya! Hohohoho. .

“Aaaahh. .hehehe. .”   speechless naman daw ako -_-

“”Aaaahh. .nga pala musta ka na? Paganda ka ng paganda ha. .” sabi ni Carmelo with matching kindat. SHHEEETT!! Ang gwapo!! Kenekeleg aketch!

“HAHAHA! Kaw talaga! Bolero pa din. .”  pahumble kong sinabi.

“Hahaha. .totoo naman eh. .uyy. .di ka na nagtetext sa akin. .nakakamiss na mga jokes mo. .:)))”

Haaaayyy..Buti pa 'tong si EX kong 'to. .Pagwapo ng Pagwapo! At ang galing makisabay sa mga trip ko! HAHAHA! Di tulad ng Leo na yun! Hmp! Nevermind!!. .HAHAHA! Masyadong KJ!

At least etong si Carmelo na-manage ko pa din na maging FRIEND kahit wala na kami. We used to text and make pansinan with each other, NO INTIMATE FEELINGS, NO PUPPY LOVE, JUST FRIENDS. Super Duper Crush ko lang kasi siya eversince bata ako, kaya nung linigawan niya ako,SUS! sinagot ko siya agad within 5 minutes! Hahahahaha. .Echos lang!

Isip bata din kasi ako noon. At hindi pa rin natuto! Hahahahaha! Ayun, Hindi nagwork relationship namin. Babaero kasi siya, at wala akong paki! HAHAHA! sinagot ko lang naman siya dahil CRUSH ko siya, at para KALIMUTAN si Leo. .:( Mahal ko pa si Leo that time. .at feel ko, hindi pa din AKO nakamove-on unti now (uy! Secret lang natin ah! Hahaha!)

Haaaayyy. .Nung nagbreak kami ni Carmelo parang wala lang. .Sobrang saya ko nga dahil at least malaya na ako! Pero bakit nung nagbreak kami ni Leo eh sobrang Sakit!! Makabasag puso ang SAKIT!! Sa bagay, FIRST HEART BREAK T_T. .Haaaayyyy!! Ba't ba siya nanaman nagpop sa utak ko?!! Back to reality na nga!! BOOOMMM!!!

“Hahaha! Ayos na ayos ako! :) Ui, sorry for not replying huh, busy kasi sa school. .”   paliwanag ko kay Carmelo.

“No, it's okay, basta I'll wait for your text if you're not Busy na ha. .Ok?”

“Oh Sure. .Basta ikaw. .”

“Haay naku. .Ate Ryna. .Sobrang busy mo na dyan. .wala na tuloy si tooooooottt. .”   sabi nina Rein.

Napatingin ako sa place kung saan nakatayo sina Leo at Jay-Em kanina. At totoo nga. .wala na siya =(

Aaawwww. . :'( Ba't ba ganito nararamdaman ko?! Nalulungkot ako :( Feel ko matagal ulit kaming magkikita, I feel empty. .:( Gusto kong habulin, gusto kong sundan, BUT WHAT FOR? Wala na kaming ugnayan sa isa't-isa. .T_T. .Nagsisisi ako! Ba't ko nga ba ginawa sa kanya yun noon?! Napaka-IMMATURE mo talaga Ryna!!! Haayyy. .Bakit nga ba?!!! BAKIT..BAKIT..BAKIT...Aaawww :((( Namimiss ko na siyang....

ASARIN!! hahaha! Joke! Pero sa totoo lang. .Namimiss ko na talaga lahat-lahat sa kanya :( Kung puwede lang sanang IBALIK kaso MALABO na talaga. .T_T

Switch Identity (ON-GOING)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon